IT’S ALL ABOUT WEALTH


IT’S ALL ABOUT WEALTH
“Alexandra! It’s nice to see you here!” si Nix! Sarkastikong binati ang girlfriend niya matapos kaming makita ni Axcel. “So you two know each other?” patuloy niya matapos kaming lingunin ng babaeng tinawag niyang Alexandra.
Hindi nakakibo ang babae! Makikita at masasabi mo kaagad ang reaksyon nito nang makita si Nix saka pa lang lumingon sa’kin! Hindi makapaniwalang binalikan niya ulit ng tingin si Nix!
“N-nix.. babe.” nagugulat at bahagyang naka-awang ang bibig na bulalas niya! Huminga pa ito ng malalim at pilit na ngumiti! Nilingon si Axcel, ako, at si Nix! “H-how are you here?”
Nilingon ko si Nix na ngayon ay magkasalubong na ang kilay! Hindi ko maipaliwanag ang pinapahiwatig ng mukha niya! Nakatitig lang ito sa babae at ipinasok sa magkabilang bulsa ang magkabilang kamay!
“Babe.. why won’t you answer me?” malambing kunong tanong ng babae! Narinig ko namang bumuntong-hininga si Nix kaya lumipat na naman sa kaniya ang paningin ko!
“Tch!” mahinang anas ni Nix na siyang narinig ko! Lumingon siya sa kung saan at nang sundan ko ay nagpang-abot na ang mga mata nila ni Axcel!
“A-ahh.. him?! H-he’s my f-friend! Y-yeah! You heard me right! He’s a friend!” nakangiti, nagpapanggap na parang walang nangyaring ani Alexandra!
“I’m not asking.” malamig na tugon ni Nix! “Are you here to move on? Or to fl*rt with my girlfriend?” hindi na natanggal pa ang titigan ni Nix at Axcel!
Agad naman na umatras si Alexandra para lumapit kay Axcel at ipagtanggol ito kay Nix! “We’re not fl*rting, Nix!”
“I’m not talking to you, Alexandra! Are you here to move on or just to fl*rt with her?!” pag-uulit niya sa tanong!
Nakita kong palihim na sinilip ako ni Axcel at ibinalik ang tingin kay Nix! Umawang ang labi niya, may gustong sabihin pero wala ni isang salita ang lumabas doon!
“Come on, bro! You can answer me!” inip na sigaw ni Nix! Napapikit ako sa lakas no’n
“Nix, ang daming tao para dito tayo umeksena, please, hinaan mo namsn boses mo.” nilapitan ko si Nix at hinawakan ang braso nito!
“Nix, please. Talk calmly!” si Alexandra, napalingon ako sa kaniya na nasa kabilang braso naman ni Nix!
“Shut up!” hindi inasahan ni Alexandra ang reaksyon ni Nix matapos siyang magmakaawa rito! “This wouldn’t happen in the first place, Alex, if you were smart enough to think what will happen after you lie to me!” mabilis niya kaming tinalikuran!
Pero nagulat ako nang bumalik siya para hilahin ako at isabay sa pag-alis niya! Hindi ako nakaimik!
“No, stop!” si Axcel! Humabol ito at hinawakan naman ang kabilang pala-pulsuhan ko! Agad na napatigil si Nix dahil sa pwersang ginawa ni Axcel! “Let her go.” ani Axcel matapos siyang lingunin ni Nix!
“You let go! Hindi na ako papayag na paikutin mo na naman siya! You bast*rd!” inabot ni Nix ang pala-pulsuhan kong hinahawakan ni Axcel at pilit na kinakalas ang kamay nito!
“This is none of your business, Nix! This is between me and Jesei!” hindi ko na sila maintindihan! Nagsisigawan sila sa magkabilang tenga ko na parang wala ako sa gitna!
“Ano ba! Nakakapikon kayo, ah!” ako na ang sumigaw! Hindi ko napigilan! “Ano ba’ng akala ni’yo sa’kin? Ha!” dahil sa inis at halo-halong nararamdaman ko ay tinalikuran ko sila!
Hindi ko maintindihan ang pakiramdam ko! Alam kong may sakit na dumurog sa puso ko kanina nang marinig ang pag-uusap nina Alexandra at Axcel!
Paulit-ulit kong nakikita ang reaksyon sa mukha ni Axcel...


kanina matapos niyang masigawan si Alexandra!
Nakita at naramdaman ko kung papaanong minahal ni Axcel ang babaeng iyon! Hindi ko nga matukoy kung talaga bang nakalimutan niya na ang relasyon nila, dahil sa narinig ko kanina ay parang masakit parin sa loob ni Axcel ang nakaraan nila!
“Jesei.. Jesei!” rinig ko ang boses ni Axcel, pero naririnig ko rin ang boses ni Nix para pigilan siyang sumunod sa akin! “Jesei!!” hindi ko sila nilingon at nagpatuloy sa paglalakad palabas ng mall at tuluyang umuwi ng hotel na tinutuluyan namin!
Hindi ko maiwasang maiyak dahil sa nangyari. Narito ako para makalimot, pero bakit parang pinag-lalaruan yata kami ng tadhana? Kung saan ay nagdesisyon na akong tuluyang kalimutan si Axcel ay doon pa kami nagkitang muli para lang muling masaktan!
“Bakit ba kailangan ko itong pagdaanan?! Ginawa ko na naman lahat ng kaya ko, pero bakit?” hindi ko na alam! Nababaliw na yata ako na pati sarili ko ay kinakausap ko na! Nakatulugan ko na ang pag-iisip at pag-iyak!
Kinabukasan ay ay nagmadali akong ibalik sa maletaang lahat ng gamit! Hindi na rin siguro ako magpapaalam kay Nix. Alam kong napoproblema pa siya sa girlfriend niya kaya hindi na ako magpapabigat pa. Uuwi na ako ng Pilipinas.
tok~ tok~
Napakunot ang noo ko nanag may kumatok sa pinto. Hindi ko ‘yon kaagad na pinansin at pinagpatuloy lang ang ginagawa hanggang sa may kumatok ulit doon!
“Jesei, I know you’re here.. please open the door. Mag-usap tayo.” si Axcel! Nagsimula na namang manghina ang paa ko kaya napaupo ako sa kama!
“No.. no, no. This is not happening again..” mahinang bulalas ko, nag-iingat oara hindi niya ako marinig at akalaing walang tao ang kwarto ko!
“Please, Jesei..” rinig ko ang napakasensirong ani Axcel pero hindi pa ako handang kausapin at makita siya!
Marahan akong naglakad appasok sa banyo at nanatili roon ng iilang minuto. Hindi pa ako handa, nasasaktan parin akong harapin siya, lalo na at nakita ko siyang kasama ang dati niyang girlfriend!
*Ting~
Ang cellphone ko! Mabuti nalang nasa bulsa ko iyon. Binasa ko ang text ni Nix at mabilis na nahimasmadan nang malamang wala na si Axcel sa pinto ng kwarto ko kaya mabilis na pinagbuksan ko siya ng pinto!
“Jesei.. oh, are you crying again?!” hindi makapaniwalang ani Nix!
“U-umuwi na tayo ng Pilipinas, Nix. Please, hindi ko na kayang magtagal rito.” pagmamakaawa ko sa kaniya! Malalim itong bumuntong-hininga at walang nagawa.
“But, we have to talk with them first, okay?” pahabol niya na hindi ko inaasahan!
“Nix?! Hindi mo ba ako naiintindihan? Ayoko pang makita si Axcel, lalo na habang nanja’n ang girlfriend mo!”
“Jesei, come on! Hindi matatapos ang issue kung palagi mong iniiwasan. Just talk, okay?” umiling ako sa sinabi niya!
“Ayoko, Nix. Ayoko.”
“Ha! Do you think maayos ‘to, Jesei? You have to talk to him, to Axcel! You can’t let go kung may natitira pang tanong diyan sa isip mo, Jesei.” alam ko, naiintindihan ko ang sinasabi niya. Pero alam ko ring kapag hinarap ko si Axcel ay hindi ako makakapagsalita!
“Nix, naman eh!” hindi ko na naman mapigilang mapa-iyak!
“Just this one time, Jesei.” napilitan akong tumango saka yumakap sa kaniya!
ITUTULOY…
Peace po sa matagal na update. Actually final exam po namin ngayon, pero dahil di pa nagbibigay ng links yung profs. namin, nagsulat muna ako.
This chapter is dedicated to ate Encie O. Arribe !! Salamat po sa pagbabasa! Gustong-gusto ko pong binabasa comments mo, hehe. God Bless!!🤗♡






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top