Kapag Puso’y Tumibok CHAPTER ONE.


By:Aycie
“What na?Wala pa ba yung magsusundo satin?”Bungad na Tanong ni Mixxel sa pinsang si Faith pagkabalik niya galing sa Cr.
“For the fifth time Couz,Wala pa”Sabi nito na hindi manlang inaalis sa cellphone na hawak nito ang tingin.
Iritang umupo siya sa tabi ng pinsan.”My gosh,May balak pa ba yong dumating?Almost two hours na tayo dito ah.”
“Baka naman natrapik lang,You know naman dito sa philippines uso ang trapik diba?kaya kung ako sayo imbes na mastress ka kakaantay diyan at kakatanong diyan,Magsound-trip ka nalang sa phone mo and wait nalang natin…”sabi pa nito na tuloy-tuloy ang pagpipindot ng phone.
“Wait?Ano pa ba ang ginagawa natin ngayon ha?diba naghihintay?hindi lang 10 or 20 minutes kundi almost two hour tayong naghihintay rito,duh”Naiinis niyang sabi sa pinsan.
Hindi niya na napigilan na tarayan ito dahil sa inip na nararamdaman Pero ang magaling niyang pinsan ay tinawanan lang siya.Huminga siya ng malilim para pakalmahin ang sarili dahil sa sobrang inis.Sino ba naman kasi ang hindi maiinis kong pinaghihintay ka nang matagal.Kanina pa silang alas-dyes nakarating sa airport pero mag-aala-una na ay wala parin ang dapat magsusundo sa kanila.Ang pinakaayaw niya pa naman ay ang pinaghihintay siya dahil madali siyang mainip.
“Kung mag-taxi nalang kaya tayo??”Tanong niya kay faith.
Timigil ito sa pagpindot ng Cellphone at tumingin sa kanya.Tinaasan siya nito nang kilay.”Are you serious Couz?”
“Ofcourse, Ayoko nang maghintay dito.I’m bored”
“But hindi ba delikado?.Remember Sabi ni mom Delikado daw sumakay ng taxi dito dahil yong ibang taxi driver ay dinudukot ang mga babaeng pasahero nila then after that ginagawan ng masama.”
Napakunot siya ng noo.”Totoo ba talaga iyon?”
“Well sabi ni mom,Yes.Tsaka may napanood din akong interview lately sa news about one girl na sumakay nang taxi after that alam mo na…,Buti nalang daw at nakatakas siya ”
“My god that scary”komento niya.
“Sabi mo pa”
Napaisip siya sa sinabi ng pinsan.May point ito.Hindi naman sa nilalahat niya ang mga taxi driver alam niyang may mababait naman pero paano kong hindi mabait ang nasakyan nila?Hindi imposibleng mangyari sa kanila ang sinabi nito at ang malala baka patayin sila at itapon kong saan lang ang katawan nila.Hindi niya yata kaya yun,Call her OA pero malay naman nila, mangyari talaga sa kanila yon.Lalo na at madaming masamang tao na kayang gawin yon .
Bumuntong hininga siya.”Okay wag nalang pala,I call tita Zandra nalang. I asked her kong bakit ang tagal ng sundo natin”Sabi niya bago ilabas ang kanyang cellphone at nagdial.
*****
“SINO TUMAWAG?”Tanong ni pablo sa kaibigang si ben pagkababa nito ng cellphone.
“Ah si Tita Zandra,Tinatanong niya kong anong nangyari satin bakit daw wala pa tayo doon sa airport”
“Anong sabi mo?”
“Sinabi kong nasiraan tayo kaya pinaayos natin sa talyer.Naiintindihan niya naman pero sabi niya kong pwede ba daw kong pake bilisan ang pagpapaayos sa van dahil naiinip na daw kasi ang mga pamangkin niya doon sa airport lalo na daw yong isa”
“Ganun ba, sige Malapit na rin naman matapos”Saad niya kay ben bago naglakad palapit sa Van na inaayos ng isang mekaniko.
Ngunit Hindi pa man siya nakakalapit ay narinig niyang tumunog muli ang hawak na cellphone ni ben.Lumingon siya rito.Nakita niya ang pagkunot ng noo ni ben bago sagutin...


ang tawag.Lumapit ulit siya sa kaibigan sa pag-aakalang si tita zandra yon.
“Hello?”Anito sa kabilang linya.
“Sino to?”
“Ano?”
“H-hindi po ako.Ben po pangalan ko Kasama niya”
“Sige sige ibibigay ko”
Tumingin si ben sa kanya”Gusto kang makausap”
“Nino?”
Tinakpan nito ang speaker ng cellphone bago sumagot.
“Yong pamangkin ni Tita Zandra,Mukhang badtrip.Gusto kang kausapin”Wika nito bago Inabot sa kanya ang cellphone.
“Hel—“Ngunit bago niya pa mabuo ang sasabihin ay nilayo niya agad ang cellphone mula sa tenga paano ba naman ay biglang nagsisigaw ang nasa kabilang linya.
“HEY YOU,ANONG ORAS NIYO BALAK DUMATING HA?!KANINA PA KAMI DITO,DO YOU KNOW THAT?WE’RE BORED.YOU ASSHOLE,REMEMBER THIS,WHEN YOU DO NOT COME HERE AFTER 20 MINUTES.I SWEAR, YOU REGRET!!”
Halos natulig ang tenga niya sa pagtutungayaw ng babae at hindi niya kayang palagpasin iyon.Sa lahat pa naman nang ayaw niya ay ang sisigawan siya na para bang isa siyang napakababang tao na pwedeng-pwede sigawan at sabihan ng kong ano-ano.
*****
“HELLO Tita Zan”
“Oh hello Mix,Where’s Faith?Nasan na kayo?”Tanong ng tita zandra niya mula sa kabilang linya.
“Nasa tabi ko si faith.We’re here at the waiting area sa labas ng airport tita.By the way Kaya nga pala tinawagan ko kayo To ask na may magsusunod ba talaga samin o wala?Almost two hours na kaming naghihintay dito.Were bored and tired na”
“Ibig mong sabihin wala pa sila diyan?”
“Kakasabi ko lang po tita”
“O my,Wait i finish this call muna.Tatawagan ko sila para tanungin,Baka may nangyari lang kaya hindi pa sila nakakarating diyan.I call you back pagkatapos okay”
“Okay tita,I wait.but please sabihin mo sa magsusundo samin na bilisan dahil naiinip na kami dito,specially Ako”
“Okay,I will.bye”
“So what did she say?”She looked at Faith after matapos nilang mag-usap ni tita zandra niya.
“She will call the driver daw then she call me back after”
“Ahh okay that’s good”
After 5 minutes ay tumawag nga ang tita Zandra niya at sinabing nasiraan daw ang Van na magsusunod sa kanila at pinaayos muna kaya hanggang ngayon ay wala parin ito para sunduin sila.Ang sabi nito ay saglit nalang naman daw at maayos na kaya hintayin nalang daw nila.
Gusto niyang magreklamo dito at sabihing hindi dapat sila ang naghihitay ng ganun katagal kundi ang mga tao na inutasan nito,Na dapat bago mag landing ang Eroplano ay narito na ang mga tao nito,pero imbis na yon ang ginawa niya ay hiningi niya nalang ang number at pangalan ng taong inutusan nito para dito mismo magreklamo.
Pagkatapos nilang mag-usap ng tita Zandra ay dinial niya agad ang hininging number sa dito.Nakatatlong ring muna bago ito sagutin ng isang lalaki sa kabilang linya.
“Hello?”
“Hello”
“Sino to?”
Imbis na sagutin ang tanong nito ay ito ang tinanong niya.”Are you the Driver of Tita Zandra? ”
“Ano?”
“Are you deaf or what?I said Are you the Driver of Tita Zandra?Ikaw ba si Pablo?”
“H-hindi po ako.Ben po pangalan ko Kasama niya”
“I want to talk to him.Ibigay mo sa kanya ang phone”
“Sige sige ibibigay ko”Sabi nito tsaka tumahimik sandali
“Gusto kang makausap”Rinig niyang Sabi nito mula sa kabilang linya.
Nang May ibang boses siyang narinig ay agad niyang Pinutol ang sasabihin nito at nagsimula sa pagrereklamo.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top