The Battered Wife CHAPTER 25


Author : Krista1307
Genre : Random
🌻🌻🌻 🌻🌻🌻
Ngayong araw ay Sinabi ng doctor na makakalabas na akong hospital.
Nang marinig nga iyon ni Sky kung ano-ano na agad ang plano nya.
Tulad ng isasama daw niya ako sa magagandang lugar.
Kakain daw kami kahit saan.
Tapos hahanap daw kami ng lugar kung saan itatayo ang aming magiging bahay.
Maghanap na rin daw kami ng simbahan para sa kasal.
” Sky , kung saan saan na naman napupunta yung utak mo.”
” Mahal kong Elise wala naman masama kung mag plano na agad ako.Para sa future naman natin itong ginagawa ko.”
Hindi man lang niya ako pinakikilos.
Siya nga din ang nag-ayos ng mga gamit ko dito sa hospital.
” Sky , pwede makikiabot ng bihisan ko ? ”
” Ah magbibihis kana. , tulungan na kita baka kung mapaano ka ”
” Siraulo kaba Sky ? Alam mong magbibihis ako tapos tutulong kapa ”
” Anong kasama dun Elise eh sabi eh doctor bawal ka muna mapagod.”
” Sky hindi naman nakakapagod magbihis.Kapag hindi kapa tumigil babatuhin kita ng tsinelas ko”
” Gusto ko lang naman siya tulungan.”
Narinig ko pang bumubulong na parang bata si Sky.
Ewan ko ba pakiramdam ko naaksidente din si Sky kaya gankn ang kanyang ugali ngayon.
Natawa naman ako sa mga naiisi ko.
” Elise bakit ka tumatawa ? iinsip mo ako ano ? ”
Sa halip na magsalita ako , binato ko nalang siya ng tsinelas.
Ayun , nasapol ko.
Hahahaha
( SKY – POV )
Pagkatapos niya akong batuhin ng kanyang tsinelas ay tumakbo agad siya sa banyo para makapagbihis.
Ok lang sa akin na saktan niya ako kesa naman ako ulit yung manakit sa akin.
Hindi ko nga akalain na nagmumukha na akong tanga sa harapan ni Elise.
May pinaplano nga pala ako pag-uwi namin sa bahay niya.
Para kase makabawi sa akin sina Zeny at Franco inutusan ko silang mag set-up sa mismong bahay ni Elise.
Balak ko kaseng mag-propose agad.
Ayaw ko na kaseng pakawalan ulit sya baka umabot na naman ng maraming taon.
” Anong balita Franco ? ”
” Wow , wala man lang Hello dyan … eto na po boss konti nalang maayos na.”
” Pakibilisan nalang kase malapit na kaming umalis dito sa hospital.”
Sasagot pa sana si Franco pero hindi ko na naintindihan pa kase pinatay ko na agad yung tawag , lumabas na kase ng banyo si Elise.
” Maayos na ba lahat ng gamit ko Sky ? ”
” Naayos ko na Elise pati puso ko para sayo sobrang maayos na.”
Sinamaan lang niya ako ng tingin.
🌻
Kinakabahan na ako...


sa mangyayari malapit na kase kami sa kanyang bahay.
” Sky , masama ba pakiramdam mo ? hindi ka mapakali dyan.
” Ok lang ako mahal kong Elise.”
Pagpasok palang namin sa gate ng kanyang bahay meron ng mga nagkalat na bulaklak.
” Ay ano to ? bakit merong ganito ? ”
Narinig kong sabi ni Elise.
Pagbukas namin ng pinto sumalubong sa amin ang maraming lobo at pink na bulaklak.
May mga teddy bear din na human size at chocolates.
At hindi mawawala yung isang pares ng love birds.
Nakita kong umiiyak na si Elise kaya pakiramdam ko gusto ko na din maiyak.
” Sky , anong ibig sabihin nito ? ”
” Elise alam kong masyado akong mabilis pero ayaw ko na kaseng pakawalan ka.Kung noon matagal kitang pinakawalan pero ngayon ibahin mo na ako.Pero tandaan mo hindi ako tumatanggap na sagot na hindi.Kaya Arabella Elise Vergara , Will You Marry me ? ”
” Talagang nagpo-proose ka na nyan Sky ? Eh nasaan yung singsing ? ”
” isinuot ko na sayo nung nasa hospital pa tayong dalawa.”
” Yun na yun Sky ? ”
” Teka tanggalin ko muna ”
Natatawa akong tinanggal ang suot na singsing ni Elise.
” Will You Marry Me Elise ? ”
” Yes Sky , pakakasalan kita ”
Agad ko siyang niyakap pagkatapos ay hinalikan ko agad siya.
Naglabasan naman yung mga magulang naming dalawa pati na rin sina Franco at Zeny.
” Ano ba iyan Dominick ganyan ka pala magpropose .. ”
Nagtawana naman silang lahat.
Sino nga ba naman gagawa ng ganong klase ng proposal.
” Mas maganda yun para naiiba ako.By the way Elise , Saan mo ba gustong ikasal ? Anong kulay ng gown ng mga abay ? Tapos saan mo gusto ipatayo yung bahay natin ? ”
Biglang nagsalita si Mama.
” Anak , masyado kang mabilis . Marami pang mga araw saka nyo na isipin yan.”
” Mama , engage pa lang kami ni Elise pwede pa syang umatras at humiwalay sa akin eh kung ikakasal agad kami wala na siyang kawala pa kaya mas gusto kong madaliin agad ”
” Sky tama naman yung Mama mo .Hindi naman ako tatakas sayo eh.”
” Hay nako Bella pakisapak nga si Dominick.Hindi naman kagwapuhan ”
” Hoy Franco tumigil ka nga dyan.”
Hanggang sa nauwi nalang sa tawanan ang asaran namin ni Franco.
Ang sarap sa pakiramdam na malapit na kaming mag-asikaso ng kasal namin ng babaeng pinakamamahal ko sa buong mundo.
( TO BE CONTINUED … )
( Kapag umabot ng 200 followers itong account ko , pipili ako ng mananalo ng load.Thanks )






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top