Munting Pangarap ni Esang” Kabanata 25


Pumasok ako sa school kahit Late na ko.. Habang nasa hallway ng school ay nakasalubong ko ang adviser ko.. Kakaalis nya lng sa room namin at lilipat na sya ng ibang room para sa second subject na kanyang pagtuturuan..
“Good morning po “,bati ko dito ng nakayuko..
“Good morning din. Ah Esang? Pwede ba tau mag usap?? “sabi neto.
Umupo kame sa upuan na nasa gilid ng hallway… Walang nadaang mga estudyante kaya dun na kme puwesto..
Napansin sguro neto na namamaga ang mata ko.
Pagkaupo namin ay tahimik lang ako. Sa totoo lng kaya din madalas ako umabsent dahiL sa teacher ko ding ito. Masyado kase syang prangka magsalita at madalas mamahiya at sasabihin nya yun mismo sa harap ng mga kaklase mo at pagtatawanan ka din ng mga classmates mo na sa edad kong katorse ay parang pakiramdam ko ay unti unti nlng nauubos ang tiwala ko sa sarili.
Science teacher sya at adviser namin. Pero siguro yung ugali ni Maam Criselda ay ginagawa ko lng dating isa ring dahiLan para di ako nakokonsensya sa tuwing magbubulakboL ako …Di ko din alam kong anong ibig nyang sabihin sa mga pamamahiya nya sa mga studyante nya at bat nya un ginagawa siguro depende nlng yun sa iisipin mong rason..kung sa positib ka o sa negatib ka. Ako kse mas inisip ko ang negatib na rason kse sabi ko nga kanina ay para DI AKO MAKONSENSYA.
Napatingin ako sa kanya nung magsalita sya.
“Pinatawag ko ang Tita mo ngayon.. Nagkita na ba kayo? “tanong nya
Tumango ako. Pero di ako nagsalita .
“Esang.. Totoo bang nagkasakit ka nung mga nakaraang araw.? “tanong netong may pagdududa.
“opo. Nagkalagnat po ako. ”
“di mo ko masisis kung di ko paniwalaan ang excuse letter na pinadala mo kse lagi nman yun yung rason mo sa pag aabsent mo db? Alam mo kse Esang kapag nagsinungaling ka ng pauLit ulit at kapag nagsabi ka na ng totoo ay wala ng maniniwala sayo.. “,sabi neto
“Bakit po ?” Tila naging mapuroL ang utak ko dahil sa mga nangyayare kaya yung tanong na yun ang lumabas sa bibig ko.
“Eh kse nga NAGSISINUNGALING ka.. Kapag nagsinungaling ka ng paulit ulit ay wala ng maniniwala sayo pagdating ng panahong NAGSASABI KA NA NG TOTOO. “paliwanag nito sa akin. “Kaya ko pinatawag ang tita mo ay para maagapan ka pa o matulungan...


ka pang wag mapariwara ang buhay.. May pag asa ka pa Esang.. Di pa huLi ang lahat para magbago..pwede mo pang mabawe ang mga bumagsak mong grades..” dagdag pa neto..
Napaluha ako. At d nakapagsalita ..yung mga ganitong salita ang tila kutsilyong tuloy tuloy na tinatarak sa aking munting puso.. Napahikbi ako..
“Ayaw ko rin namang mapunta ka sa maling landas at di na alam pano umahon..bilang isang guro ay gusto kong makita ang mga studyante kong maging matagumpay balang araw ..sguro iniisip mo na bkit ako madalas mahahahiya sa mga studyante ko? DahiL gusto kong gawin nilang inspirasyon yun kaso mali pala ang ganung taktik dahiL mas gigagawa nila itong rason para sumuko “,malungkot nitong saad.
Napatingin ako sa teacher kong ito. Buong akala koy trip nya lang talaga yung ganun at dun sya masaya kase masama ang ugali nya pero nagkamali ako. Ang bilis kong manghusga ng tao..
“Esang mahal ka ng tita mo nakita ko yun kanina ..nakita ko kung pano sya manlumo ng makita nya ang grades mo at kung pano sya napaluha. Napakaswerte mo at ganung pagmamahal ang makuha mo.. Kung di mo natanong yung mga magulang ko busy sila sa kani kanilang karer sa buhay alam ko nmang para sa akin yun pero iba padin yung nanjan sila sumusurpurta di lang pinansyal kundi pati narin physical support para sayo. Iba iba ang uri ng maguLang pero lahat yun ginagawa nila para mapabuti ang kanilang mga anak. Tingnan mo lang ito ng positibo ..lahat Esang ng bagay ay tingnan mo ng positibo para khit mahirap ay makita mo parin ang ganda neto.. “,matalinghaga yun para sa akinpero tagos yun sa aking puso..
Lumakas lalo ang iyak ko..hinaplos ni Maam Criselda ang buhok ko..
“Wag ka ng umiyak.. Magiging ayus din ang Lahat ..saka wag ka ng magsusugal ha? Pati magbubulakboL.. Saka ayaw ko na rin na may nakakakita sayo sa computershop “..sabi nito..pakiramdam ko mayroon akong nanay sa oras na to.
“Opo maam “at tumango ako..
“oh sge na.. Late na ko sa second period ko.. Haha ikaw kse eh “..nagpaalam na ito at agad umalis
Tumayo narin ako at tinahak ang daan papunta sa classroom ko. Kahit maga ang ang mata ko’y nakangiti ako.
“KAYA MO PANG BUMAWE ESANG PARA SA MUNTI MONG PANGARAP NA PANANDALI’AY KINALIMUTAN MO ”
-Itutuloy
Enjoy sa Pagbabasa. ❤






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top