UNIQUE WAY TO MAKE YOUR CRUSH CONFESS


BY: Kieth Angel Peñarez Castor
“bes bakit ikaw pa” umiiyak na tanong ng kaibigan kong praning
Oo nga noh, bakit ako pa kung pwede naman ikaw?
gusto ko sanang sumagot pero wag nalang baka kasi mag takbuhan yung mga tao Nandito kasi ako ngayon sa kabaong
“Bes bat di moko sinabi na mamamatay kana pala” umiiyak na sabi ng isa ko pang gagong baklang kaibigan
Bakit nagtanong kaba? Ha?
Gustong gusto ko murahin , ginawa talaga akong Patay!
eh sila nga ang nag suggest neto eh kung hindi lang talaga para kay Crush di sana ako mag hihirap dito sa kabaong!
“Magandang gabi ho tita!” dinig ko ang isang pamilyar na boses
“bes nandito na yung crush mo” matinong sabi ng pinsan ko
Mabuti nalang talaga at may matino pakong kaibigan ft. pinsan
Tumango nalang ako ng mahina
“magandang gabi sainyo” dinig kong sabi ni Cyrus yung crush ko eHEee
“Anong ginagawa mo dito” malamig na sabi ni bakla
Wow Taray Sana all Freezer! Ackk Good job Bakla!!!!
“Gusto ko lang sanang kausapin si biday kahit sa huling pagkakataon” malungkot na sabi ni Cyrus
‘kalma lang Biday,isipin mo nasa kabaong ka’ pagkakalma ko sa sarili ko
rinig ko naman ang mga papaalis na yapak
“biday alam mo simula nung lumipad yung...


panty mo sa Bubong namin gusto na kita” pagkukwento nya at ramdam ko ang titig nya sakin
ewan ko kung matutuwa ba ko o ano?
“atsaka dun sa Ala-ala natin nung kabataan pa tayo yung Hinalikan mo yung aso ko na kumain ng tae” malungkot na patuloy nya sa kwento nya nyng kabataan pa namin
‘kaya pala medyo maalat na may eww na baho yun’
i do not know pero naiiyak ako!
” Biday gusto ko lang na malaman mo na kahit ang kadiri mo gustong gusto talaga kita” sabi nya at dahan-dahang naging pula yung mga mata nya
“pero hindi na dahil alam ko na nasa kabilang buhay kana” sabi nya ay unti-unting tumulo ang mga luha nya sa Mata
“biday sya nga pala gusto ko palang sabihin sayo na Kami na ng kuya mo at magpapakasal na kami soon ikaw sana yung gustong gusto kong kunin bialg brides maid pero patay kana” sabi nya
Dahil sa Gulat ay Agad kong namulat ang mga mata ko
akala ko pa naman crush nyako! yun pala may abs din hanap nya 😭
sana namatay nalang ako 😭
[kung ano ano lang pumapasok sa Isip ko BTW today is my first monthsary being a Writer, Maraming salamat sa Sumuporta sa mga gawa ko]






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top