Meant to be? Chapter 52


Kasabay ng pagbuhos ng ulan.. Ay ang pagbaha ng kanilang mga luha.
{ACE POV}
Kasalukuyan kong binabaybay ang daan sa NLEX… Mas lalo akong mababaliw sa gulo ng trapiko. Sa masikip na daan na sumabay sa paninikip ng dibdib ko.. Wala na sya.. Wala na akong kakapain paggising sa umaga. Wala na akong asawang yayakapin, kikilitiin, tatapunan ng unan. Hahabol habulin.. Sobrang mahal ko yon e.!!!! 😭 Kanina pa ako kating kati na umuwi para mayakap sya.
Para makabawi sa kanya.
Tsaka pa sya naglaho..
Patuloy kong binabayo ang manibela, sinusuntok ang ulo ko..!! Ga*o ako!!
Lahat kaya kong talikuran para sa kanya. Pero dahil din sa sobrang pagmamahal ko sobra rin akong magselos.. Nabulag ako ng galit ko.
Inosente sya.. Mula pa nong una. Nilasing sya ni Khate.. Ngayon pinainom ng bawal na gamot na walang kalaban laban. Napaka inosente nya hindi ko man lang sya naipagtanggol.
Ang dami nyang pinagdaanan dahil sa akin.
Hindi ko man lang pinakinggan si Gray sa mga sinabi nya. Ang laki kong tanga!!
Napaka ga*o ko bwes*t!!!!!
Mahal ko..Nice.. . Nasan ka na Nice..
Kailangan kita.. Mababaliw ako. Di ko. Kaya..
Di ko kaya..
Wala na akong kasamang maglalaro, kakain, pupunta ng shake, coffee shop..may contest pa tayong sasalihan…
Marami pa akong gustong puntahan kasama ka.. Magkakaanak pa tayo ng triplets e.. Bubuo pa tayo ng masayang pamilya
Mahal ko.. Bumalik ka sakin.. Wala na akong ibang mamahalin.😭
Hello?
Hello.. Bro?. Huhu iniwan nya na ako..
Di ko alam san sya hahanapin. Wala akong alam. Dahil wala naman syang sinasabi na lugar maliban sa lugar ng nanay nya na alam kong di sila pupunta don kasi alam ko yon.
Bro.. Paano kung may mahanap syang iba. Paano kung may mahalin syang iba.
Yaan mo na.. Baka hindi kayo.
Bro.. alam mo namang sya lang..
Eh. Huuh! Antayin mo na lang baka bumalik din, di ka matiis. Umuwi ka na, ang sama ng panahon oh. Sige na bro.. Uwi na.
Di ko alam san ilulugar ang sarili ko. Kahit saan ako titingin nakikita ko sya.. Bro, hanapin mo sya please.. Di ko na sya makontak..
Mawala na lahat, wag lang sya.
Kahit ako..?
Magkita tayo..
Hayyzz.. Ngayon kailangan na ako. Pero inilihim to sakin. E di sana napayuhan ko yang utak mong possessive pagdating sa kanya.
Hindi gumagana ang talino mo bro sa labis na appeal ng asawa mo sayo. Selos lang.. Papatay ka na. Ano ka ngayon? Nganga?.
Haisst.. Miserable
Kailangan nyo rin ng space.. Kaso kasi pag mahal mo yong tao. Masakit talaga mawalay sa isat isa. Yon yong totoo. Wawa ka naman. Ang sakit nyan.. Pero Kaya mo yan
Hindi.. Hindi ko kaya.
Gustong gusto ko na syang yakapin..
😭😭
🌱🌼🌱🌼🌱🌼🌱🌼🌱🌼🌱🌼🌱🌼🌱🌼
Sa Nueva Ecija ang destinasyon nilang mag ama. Matapos ang 4 na oras na byahe.. Pasakay na sila ng traysikel papunta sa lugar ng tatay nya. Kahit papaano may matutuluyan sila ngayong gabi na kamag anak ng tatay nya.. Unang beses tumuntong ni Nice doon.
Hinihimas ng tatay nya ang kanyang likod.
Sa wakas makakahiga na rin sya.. Kanina nya pa tiniis ang kagustuhan ihiga ang sarili sa pagod na naramdaman. Ng isip, ng katawan at lalo ng puso nya. Kung itutulog nyA ba.. Bukas ok na sya?
Mahigpit na yakap mula sa ama bago sya tuluyang humiga. At tinapik tapik pa nito ang balikat nya. Tumulo na naman ang mga luha nya.. At muling bumangon at napayakap sa ama.
“Mahal na mahal ko sya tay!”
“Sssshhh.. Bukas ipapasyal kita sa mga magandang tanawin at pasyalan dito. At ipakikilala sa mga kamag anak kong dito pa nakatira. ”
Tumango tango lang sya.. At muling humiga.
Hinimas nya ang singsing.. Hindi nya pala naiwan sa pagmamadali nya.
” Ace.. Mahal na mahal kita Ace. Pasensya na kung sumuko na ako sa ngayon. Baka pwede bukas na lang uli ako lumaban.. Di ko na kasi kaya..”
“Kung may bukas pa para sa ating dalawa. Kung wala na.. Sabi mo. Kapag hindi tayo para sa isat isa.. Sana mawala rin yong feelings mo. Sakin. Para makamove on ka. Pero ako hindi ko nanaiising mawala kasi ang mahalin ka ang pinakakakaibang pakiramdam na nangyari sakin. ”
🌿🌼🌿🌼🌿🌞🌿🌼🌿🌼🌿🌼🌿🌼🌿🌿
1 year had passed…
” Tay..! Wag na kayong mamasada hah, may ubo pa ba kayo tay..”
” Ok lang ako anak. Kumusta ang pag aaral. Maraming nagsasabing matalino ang anak ko. ”
” Ayy… Bukas po pala may sasalihan akong journalism conference. 3-5 days po yon tay e..
Don po kami matutulog. Ok lang po tay?”
” Oo, safety naman siguro Dahil may mga guro at gwardya. Lagi ka lang mag iingat ha. Alagaan ang sarili. Nababahala ako pero alam kong palaban ang Nice ko. Nakakalungkot pero mas mangangamba ako kapag nasa piling ka ng asawa mo.”
Napangiti ako ng pilit dahil totoo naman kasi si itay.. Pero sa lumipas na isang taon. Medyo maayos na rin naman ako kahit andon pa rin..
Kinabukasan
Maaga akong tinawagan ng kaklase kong si Kim at Josh.. Kasama ko sila sa contest.
May sasakyan si Josh medyo may kaya din sila kaya pinasasabay kami ni...


kim.
Saktong alas 8 nasa baba na na sila ng tinutuluyan naming apartment ni tatay.
Nagpaalam at yumakap ako kay Itay bago kami lumarga.
Habang nasa byahe. Nagrereview kami ni Kim sa mga layouts at nagdrafts ng mga topic na hawak namin. News writing, literature at sports si Josh at cartoonist yong kasama namin na may sarili ring sasakyan, si Dan…short for Daniel.
Maraming nakakahalata ng pagpapapansin nya sakin. Pero pag diretso sa akin strict type naman sya kaya di ako naniniwala.
Marami pa kaming kasama pero kaming apat yong magkaklase.
Alas 3 na ng dumating kami kasi.. Nag shopping pa kasi sila. Ako groceries lang pangdagdag ng uulamin ko para pang midnight
din. Libre naman pagkain.
Pagdating namin.. Nalaman namin with in 5 days nga sya gaganapin. Marami rin kaming natutunan dahil maraming mentors na ubod ng galing at puro may sense of humor. Di namin feel yong pressure dahil hilig nilang magpatawa. Seryoso lang pag nasa field na. O mismo sa contest na..
May kasali ring QuizB at sinali ako ni madam dean ko.
Pangalawang araw yon. Written exam, multiple choices lang. Pero pili na yong mga contestants.
Habang nakayuko ako.. Marami na ring pumasok mula sa ibang University. Buti inangat ko yong paningin ko.. Agad kong itinakip yong malaking folder na panakip kapag nag start na kaming magsulat..
Hindi ko inaasahang.. Makikita ko sya dito.
Lagot na. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko..
Nanginig na tuhod ko.
. Buti sa unahan sila banda.
45 min. Yong given time para matapos sa exam tapos counterclockwise check.. Ang tagal pang lumabas.
Di ko inaalis yong folder.. Kahit sinabi nong bantay sa bawat line desk na baba ko na. Umiling lang ako. Pero nong pinasa na sa incharge lahat ng gawa namin. At tinawag na yong first 3 na highest..
Nagkataon ba talaga.. Parehas tinawag yong apelyedo namin kasi tie kami sa pina ka highest score… Waahhhh!!! Ang dibdib ko.. Sasabog na. Di ko na inalis yong folder nang sinabing pupunta sa harap yong name na natawag at nag palakpakan sila.. Grabeh. Di na ako halos makahinga… Pagtayo ko sa harap.. Biglang may humablot nong folder.. Diretso hawak sa kamay ko.para akong kinuryente.. Meganon? .. So kita na ako ng lahat.. Akala nila siguro napano ako bat may patakip takip ako sa mukha.
Dahan dahan akong bumaling sa gilid ko.. Yon nakita ko sya… With his Teary eyes.. Mas hinigpitan nya yong hawak sa kamay ko.
Di na ako makatingin sa kanya. Mas nagkadikit pa kami nong tinawag yong 2nd at 3rd. At pinagtabi tabi na kami at kinunan ng picture.
May nakakilala pa talaga.. Kami daw pala yong nasa toothpaste dati na model.
Ayayy…
Sinusubukan kong bawiin yong kamay ko.. Pero di talaga.. Nong tapos na, at palabas na lahat. Naiwan kami sa tabi ng board. Akma na akong maglalakad kahit hawak pa nya.. Pero napabalik lang ako sa gawi nya.
“Alis na ako.. “parang pabebe pa yong dating ko.. Gusto kong mag disappear sa tabi nya. Parang Di pa ako handa.
Hindi na nya ako binitawan.. Niyakap nya ako.. Matapos nyang isara yong pinto ng room at inilock.
Umiyak sya.. Lumuhod sa harap ko.. Di ko sya matingnan ng diretso.
Hinalikan nya yong kamay ko.. Pinatatayo ko sya ayaw nya.
“Tell me that you still love me”
“Tayo ka na dyan..!”
“Sabihin mo munang babalik ka na sakin..”
“Hindi ako sure.. Hindi pa.”
“Pero babalik ka rin?”
Saan?
Sa akin?
Di ko sya sinagot
Tumayo sya at nilagay ang palad ko sa dibdib nya . Ang lakas ng kabog.. Nahiya naman yong kabog ng dibdib ko. Parang tambol nga yong sa kanya.
“Gutom na ako.. Babalik muna ako sa area ko. Pwede?”
“Bumalik ka na sa akin .. pwede?”
Haisst..
Wala akong nagawa.. Lumabas kaming magkaholding hands dinaig pa yong pinosasan dahil di talaga nya binibitawan.
Bumili sya ng Ice cream sa may tapat ng university. Kinain namin magkasalo. Sinubuan nya ako…wala na talaga akong magawa..Minsan nahihiya syang tumingin sakin. Basta sinisafety nya yong kamay ko. Takot ata syang takasan uli..natrauma ba sya.
Matapos don.. Nagdrive sya dinala ako sa resto.. Kumain ng lunch. Nagtext na lang ako sa mga kasama ko para di ako hanapin. Sabi ko nakita ko yong best friend ko. . Haisst…
Nahihiya sya sakin.. Parang guilty yong mukha nya.. Sa hotel daw sya ngstay. At gusto nya akong isama don. Pano na mga kaklase ko. Anong iisipin. Pero nagmakaawa na naman sya. Ito na naman pagiging possessive nya.
Hindi pa rin ako makapaniwala na magkikita kami dito. After one year.
Nag explain na sya ng lahat ng nangyari.. Na naipakulong nya na si Alodia.. Pero for sure… Makakalabas din yon. Nagpranka ako sa kanya. Sinabi ko na takot na akong mamalagi sa tabi nya. Gaya ni itay. Kasi baka hindi nya ako kayang protektahan.
Ngayon sobra syang nagmamakaawa.. Dinala nya ako sa park.. Nakaluhod uli sya.
May pa meant to be nga daw talaga… Kasi nagkita kami.
Malamang posible naman talaga..
Tatanggapin ko kaya uli sya.. Babalik na kaya ako sa kanya? Naguguluhan pa ako.
Pero di nya ako lulubayan.. Yon ang sigurado .






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top