Matapos malibing si Mike ay muli nilang binaling ang attention sa kanilang magiging kasal.
Sakay nang honda city si Lara, na niregalo sa kanya ng ginang. Papalabas na siya ng gate ng hindi inasahan makita si Anton nakaparada sa labas.
Nakaramdam siya ng galit ng makita ito. Ngunit kailangan niyang controlin ang emotion niya. It is best to keep your enemy close” aniya sa sarili at ngumiti siyang bumaba sa kanyang kotse nilapitan si Anton.
“ What’s up Anton” nakangiti niyang bati rito.
“ Lara, I need to talk to you”
Napasinghap siya sa sinabi nito. Binuksan niya ang pintuan ng sasakyan sa katabi ng driver seat at umupo roon.
“ About what?” kunot-noo niyang tanong.
“ Alam ko——“ hindi nito natuloy ang sasabihin ng mag ring ang celphone nito.
Kinabahan siya sa kung ano ang sasabihin nito. Hindi niya inalis ang tingin rito habang may kausap ito sa celphone.
“ Paparating naba?” narinig niya sagot nito sa kausap.
“ Sige, uuwi na ako ng bahay” agad nitong pinutol ang linya ng celphone.
“ Lara, sa susunod nalang tayo mag-usap kailangan kuna kasi umuwi dahil may pinapadiliver ang kapatid ko, papunta na raw ang delivery man”
Nginitian niya ito bago siya bumaba.
Hinatid niya ng tanaw ang papalayong sasakyan ni Anton.
Andon ang kaba niya sa kung ano ang sasabihin nito bakit kailangan pa siyang puntahan nito sa bahay nila.
“ Hindi pwedi mahuli ako agad. Kailangan kuna humakbang bago pa masira ang lahat ng plano” bulong niya sa sarili.
Sumakay siya pabalik ng kotse at pumunta sa botique para tumingin ng gown.
“ Look who’s here. What a small world”
Napalingon siya sa pinanggalingan ng boses.
“ Monica please not now” aniya ng makita itong nakatayo sa kanyang likuran.
“ Bakit? nahihiya ka bang may makarinig na isa kang malandi? Mang aagaw!” tumaas ang boses nito.
“Don’t make a scene Monica” saway niya rito at nagpatuloy sa pagpipili ng gown.
“ Wow! Saiyo pa talaga ng galing pag katapos mong landiin si Marco”
Natigil siya sa kanyang ginawa.” Alam mo, tigilan muna yang pagtatawag sa akin ng ganyan dahil alam natin pareho na wala kayong relation hanggang kaibigan lang ang papel mo sa kanya kaya wag mong sabihin na nang agaw ako dahil hindi kayo mag syuta” pang-aasar niya rito.
Tumalim ang titig nito sa kanya” Doon na sana ang punta namin kung hindi kalang umipal”
“ Mabagal ka kasi” pang-aasar pa niya lalo sabay talikod.
Nang galaiti sa galit si Monica ng talikuran niya, pinihit siya nito paharap at akmang sasampalin siya. Agad niya na hawakan ang kamay nito at binitin sa ere.
“Pangatlo mo nayan Monica, wag mo akong sagarin dahil baka pagsisihan mo ang gagawin ko saiyo” pabalya niyang binitawan ang kamay nito.
Mabilis siyang tumalikod. Hindi niya napansin ang pagsunod nito sa kanya.
“ You bitch!”
sabay tulak nito muntikan siyang napasubsub sa sahig. Nagdilim ang paningin niya sa galit sagad na sagad na siya rito. Walang sabi-sabi hinablot niya ang buhok nito
“ Sagad na sagad na ako sayo” gigil siyang hinila pababa ang buhok nito.
Nakita niya ang basurahan sa isang tabi, hinila niya si Monica palapit doon.
Tinanggal niya ang takip nito at ninudnud ang mukha sa basurahan
“Diyan ka nababagay sa basurahan kagaya ng bibig mong puro basura ang lumalabas. Spoiled brat!! Pagkasabi niyon mabilis siyang humakbang palabas ng botique pabalibag sinara ang pinto.
Agad naman sinakluluhan si Monica ng kaibigan nitong may-ari ng botique na yon.
Pagkalabas mula sa botique minabuti niyang puntahan si Marco sa opisina nito para manmanan.
“ Hon, bakit ganyan ang mukha mo?” bungad nito ng makita siyang nakasimangot.
“ Si Monica kasi, sinugod ba naman ako sa botique” sumbong niya rito
“ Pasensiyahan muna ang pagiging brat niya hon” tumayo ito at niyakap siya.
...