Lara’s revenge Chapter: 19


Maaga pa sa sikat ng araw nagising si Marco sa subrang excited. Hindi niya ma tiis na e-text ang dalaga na kanya ng magiging kabiyak.
“ Good morning hon, ilang oras nalang magiging mag-asawa na tayo. hindi na ako makapaghintay” text nito.
Ilang minuto ang lumipas ng magreply ito sa kanya.
“ Good morning too hon, ako din excited na ako”
“ I love you very much hon” nilagyan niya ito ng smiley emoji
“ Love you more, wag mong kalimutan mag almusal bago mag punta ng simbahan” paalala ng dalaga sa kanya.
Napabalik siya ng higa pinatong ang celphone sa kanyang dibdib. Gustong gusto na niyang hilahin ang orasan para makasama na niya ang babaeng mahal niya. “ bakit ba kay bagal umusad ng oras” naiinip niyang usal.
Alas nueve palang sout na niya ang kanyang barong tagalog. Panay ang pagsulyap niya sa salamin.
“ Ano ba iyan Marco halos makakalbo na yang buhok mo sa paulit-ulit mong kakasuklay” saway sa kanya ng ama ng mapansin siya nitong naka ilang ulit nag susuklay.
“ Dad, gusto kulang maging guwapo humarap sa magiging asawa ko” nakangiti niyang sabi rito.
“ guwapo ka naman kaya ka nga minahal at pakakasalan ni Lara” tinapik-tapik nito ang kanyang balikat.” masayang masaya ako para sayo Marco”
Bago pa sumapit ang alas nueve y medya ay nagpunta na sila sa simbahan. Palakadlakad siyang kinakabahan” ganito talaga siguro ang mararamdaman ng mga bagong ikakasal” bulong niya sa sarili.
NAKA-UPO si Lara sa silya kalapit sa bintana ng pasukin siya ng ginang.
“ Handa kana ba hija?” nakangiti nitong tanong sa kanya.
Tumango tango siyang malungkot ang mga mata” Kailangan ko itong gawin tita”
Niyakap siya ng ginang” sana pagkatapos nitong gagawin mo ay maging mapanag na ang kalooban mo”
Napahalgolhol siyang yumakap rito ng mahigpit. “ sana nga tita gusto kuna rin mapalaya ang sarili ko sa masasakit na ala-ala ko”
“ Magiging okay din ang lahat” kumalas ito sa pagkakayap sa kanya. “ Paano ma una na ako” Tumayo ito at dahan dahan naglakad papunta sa pintuan.
“ Tita, maraming salamat sa pagtulong mo sa akin” pahabol niya rito bago ito tuluyan makalabas ng pinto.
Nilingon siya nito “ basta para sa ikakaligaya mo hija” nginitian muna niya ito bago ito tuluyan lumabas ng silid niya.
Matagal ng naka-alis ang ginang hindi parin siya natinag sa kanyang inu-upuan. Nakailang ulit na siyang tanungin ang sarili kung handa naba siya sa gagawin niya. “ Kung ito ang ikakasaya ko, handang handa na ako” palagi niyang tugon sa tuwing tinatanong niya ang sarili.
Tumayo siya at humarap muna sa salamin”Ready na ako, kaya ko to” pagbigay lakas loob niya sa sarili.
Mabigat ang mga paa humakbang palabas ng bahay.
Sumapit ang alas deyes, oras ng seremonyas ng kanilang kasal. Hindi pa nakarating si Lara.
“ Bakit wala pa si Lara” alalang tanong niya sa katabing si Erik.
“ Baka na traffic lang tol” tugon nito sa kanya.
“ Magsisimula na ang seremonyas” alalang sabi niya.
Natanaw niya ang ginang na si Rosario naka-upo nginitian siya nito.
Pinilit niyang pinatatag ang sarili. Nakailang ulit na siyang labas masok sa simbahan hindi niya parin nakita ang bridal car.
Ilang minuto na ang lumipas wala parin si Lara.
“ Ano bang oras darating si Lara Marco? tanong ng ama na halatang na iinip narin sa kakahintay.
“ Baka na traffic lang dad” kinuha niya ang kanyang celphone at lumabas ng simbahan para tawagan ito ngunit out of coverage ang number nito.
“ Lara na saan kana ba. Please magpakita kana” mangiyak-ngiyak niyang sambit sa pangalan ng dalaga.
Papasok na sana siya pabalik sa loob ng makita niya ang bridal car na paparating. Napangiti siya at mabilis na humakbang papunta sa altar.


/> Agad sinara ng dalawang lalaki ang pintuan ng simbahan ng matanaw ang pumarada bridal car ngunit bago pa ito tuluyan maisara ay nakita niyang lumapit ang driver at nag tuloy pumasok sa loob.
“ Si Lara?” agad niyang tanong bago pa ito tuluyan makalapit sa kanya.
“ Sir, hindi po darating si ma’am.” sabi nitong malungkot ang mukha.
“Bakit? Ano ang nangyari?” alala niyang tanong.
“ Nagpahatid po siya sa airport sir”
Biglang na laglag ang kanyang mga balikat sa narinig. Parang gumuho ang kanyang mundo. Hindi niya maintindihan kung bakit nagawa ito ni Lara, ka gabi lang ang saya pa nila.
“ bakit Lara ano ba ang kasalanan ko sayo? Bakit mo ba ito ginawa sa akin” nagpalakadlakad siya sa labas ng simbahan hindi niya maintindihan ang kanyang nararamdaman ng mga sandaling iyon.
“ Sana pinatay nalang ako ng hindi ko maramdaman ang sakit ng ito” bulalas niya.
“ Tol, wala akong maalala na nag-aaway kami.” sabi niya kay Erik na nakasunod sa kanya.
“ okay pa kami ka gabi tol. Nag te-text din kami kaninang umaga ang sabi niya, excited na siya” namumula ang kanyang mga mata.
Hinawakan ni Erik ang kanyang balikat” Im sorry tol” tanging sabi nito bilang pag-alo sa kanya.
Nagkagulo na ang mga bisita sa loob.
Ngunit wala na siyang paki-alam pa sa sabihin ng mga bisita.
“ Ano ang nangyari Marco?” tanong ng kanyang ama ng lapitan siya.
“ Hindi ko alam dad, wala akong alam” tulero niyang sabi kahit anong pilit ipasok sa isipan niya kung ano ang dahilan nito sa hindi pagsipot ng kanilang kasal, wala talaga siyang maalala. Sumakay siya sa kanyang kotse hindi niya alam saan pupunta. Gulong gulo ang isipan niya.
“ Lara, bakit, bakit mo ito ginawa? Ano ba ang kasalanan ko sayo para saktan mo ako ng ganito” pinag-popokpok niya ang manibela ng sasakyan
SAKAY ng eroplano si Lara papuntang palawan.
“ Naisagawa ko ang plano kong paibigin siya at iwanan ko siya sa ere, pero bakit ba ako nasasaktan pa?”
Hindi niya namalayan ang pag agos ng kanyang mga luha.
“ Napanindigan ko ang kagustuhan kung makapaghiganti pero bakit hindi ako masaya?” pahikbi niyang sabi sa sarili.
“ Diba dapat mag diwang ako? Pero bakit hindi ko magawa bakit ang bigat ng kalooban ko?”
“ Dahil mahal muna siya” sagot ng puso niya.
Naitakip niya ang dalawang kamay sa kanyang bibig upang pigilan ang gusto kumawalang mga hikbi.
“ Bakit ka umiiyak? hindi ba ito ang gusto mo? Ang saktan siya? Diba matagal muna itong pinagplanohan?” Usig nang kanyang kunsensiya.
“ Mahal ko siya! mahal ko siya!” tuluyan na siyang napahagolhol sa pag amin niya sa katotohanan ang matagal nang na muo sa puso niya na pilit niyang kinukubli at pilit pinagtatakpan ng kanyang galit sa binata.
“ Tol, tama na iyan” awat sa kanya ni Erik ng makita siya nitong tinungga ang bote ng alak.
“ Bakit niya ba ako ginago tol? Minahal ko lang naman siya, ano ba ang karapatan niyang saktan ako ng ganito?” anito boses lasing. Muling bumalon ang luha sa mga mata nito.
“ Ang sakit sakit tol, pina-asa niya ako, pina-pasakay niya lang ako sa mga matatamis niyang salita. Pero yon pala tol, iiwan niya lang ako sa ere!” pasigaw niyang sabi.
Tumayo siya na hawak parin ang bote timingala sa kawalan sinisigaw ang pangalan ng dalaga.
“ Lara! Lara! Bakit mo ba ito ginagawa sa akin, bakit mo ba ako sinasaktan. Lara!” Napahagolhol siyang napaluhod sa lupa.
“ Hindi ko kaya, ang sakit sakit!” sabay suntok nito sa lupa.
“ Tol tama na” awat ni Erik sa kanya.
“ Hindi ko alam paano ko babangunin ang sarili ko sa pagkakalugmok. Ang sakit dito” anitong tinuturo ang puso.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top