“Scholar Young! “tawag ng Punong taga pagsanay sa pangunahing iskolar kaya’t umabante ito paharap ng isang hakbang upang umalis sa linya. ” ikaw ang nangunguna sa lahat ng mga iskolar kaya’t ipinapaubaya ko sayo ang pagtuturo sa mga baguhang mag aaral tungkol sa patakaran dito sa loob, hwag mo din kalimutan na ipasyal sila sa mga lugar na maaring puntahan maging sa lugar na mahigpit na ipinag babawal.”
“Masusunod po master. ” sagot ng dalaga matapos ay yumuko upang mag bigay ng galang.
Nakuha ang lahat ng atensyon nang mga iskolar nang maglakad ang tatlong baguhan na mag aaral sa harap, kasama ang pinsan nito.
Magkasalikop ang parehong braso ng prinsipe habang nakataas ang kilay na nakatingin sa dalaga. .
‘baka akala mo, dahil kakilala ni Ama ang mga magulang mo ay ta-tratuhin kitang espesyal.’ wika ng dalaga sa sarili.
‘sa twing nakikita kita ay nais kong pigilan ang paghinga mo at patayin ka ng walang alinlangan tulad kung paano mo ko sinipa sa mukha ng walang pag aalinlangan ‘
palihim na tumaas ang labi ng prinsipe dahil sa matinding inis na nararamdaman para sa dalaga.
“Iskolar young, dalhin mo sila sa magiging kwarto nila pars na din makapag palit sila ng kasuotan kapag natapos sila ay umpisahan mo na ang pagsasabi ng mga patakaran. ” wika ng punong taga pag sanay.
“Sumunod kayo sakin.”striktong saad ng dalaga.
“Kung ganun, ikaw pala ang pangunahing iskolar ng Sungkwan.. Kaya pala ganun na lamang kung ipagmalaki ka ni ministro Young. ” saad nang lalaking baguhan sa likod. Ang tono nya ay tila nais manukso ngunit pinigil ng dalaga ang sarili dahil wala naman itong binanggit na masama kahit na masama ang dating noon para sa kanya. “Sabihin mo, hindi ba malapit ang hari at ang Ama mo, kaya ba madali itong naging ministro? “naroon na naman ang nakakainsultong tono ng lalaki.
Ngunit sa pagkakataong iyon ay bahagyang itinaas ng pangunahing iskolar ang laylayan ng salakot na suot nya tsaka ito umikot habang naka angat ang paa nya ngunit sinadya nyang padaanin lang ang mga paa nya sa mukha ng lalaki dahilan para magulat ito sa bilis ng pangyayari.
“UNANG PATAKARAN, IGALANG MO ANG LAHAT NG TAO HINDI LANG BASE SA ISTADO NG BUHAY. “wika ng dalaga pag katayo nito ng diretso. “Kung hindi mo ititikom ang bibig mo lalo at bago ka rito nakakapanghinayang ang itsura mo kung uuwi ka lang na may Pasa at kulang ang ngipin mo.” hindi nag babanta ang boses nya pero ganun ang nais nyang iparating.
Napakurap-kurap ang prinsipe sa iniasta ng dalaga.
‘Kung ganun,hindi...