LUNA


LUNA
“Mahal, gusto ko kapag namatay ako? Gusto ko maging buwan.” Aniya ng aking nobya na si Reina Luna.
“Huh? Bakit naman gusto mo maging buwan?” Takang tanong ko rito. “Para kahit sumikat man ang araw maramdaman mo pa rin na nariyan ako. Mapa-umaga, mapa-dapit hapon at mapa-gabi palagi akong nariyan, hindi man kita t’wing umaga, nariyan lang ako sa paligid.” Tumigil ito saglit at saka humarap sa akin. At muli siyang nagsalita.
“Hayaan mo, kapag wala na ako, palagi kong ipaparamdam ang presensya ko. Sa t’wing malungkot sa gabing kaylamig… Yayakapin kita gamit ang presensya ko.”
Bigla akong nalungkot. Sana h’wag naman mangyari ‘yon, hindi ko kakayanin mawala ang aking tinatangi.
“Talaga? Kapag ako naman ang nawala gusto ko maging dagat para sa tuwing papalubog ka na magkakalapit tayo at makakasama natin ang isa’t isa.” Salaysay ko at binigyan ng halik sa noo.
___________
“Anak? Kita mo ba ‘yang buwan na iyan?” Tanong ko sa aking anak sabay tinuro ko ang buwan. Nasa dalampasigan kami ngayon nagpapalipas ng gabi.
“Opo, itay. Bakit po?” Magalang na tanong nito.
“Alam mo ba? Na gusto ng inay mo na maging buwan siya?” Agad namang napalingon sa akin ang anak namin ni Reina Luna.
“Talaga po? Nga pala itay, ano po ba ang nangyari kay inay?” Nabigla ako sa tanong nito.
Ito na ba ang oras upang i-kuwento ko sa aking anak?
Ikinarga ko siya paupo sa pagitan ng aking mga hita at saka siya niyakap.
“Namatay siya no’ng araw na ipinanganak ka niya. At alam mo kung ano ang huling sinabi ng iyong ina?” ...


Pagk-kuwento ko at tumingin sa aking anak.
“Ano po?”
“Na pangalanan kita na Luna Elenea, sumisimbolo sa buwan.”
“Ang ganda ng pangalan ko po pala,” Tuwang-tuwa nitong sabi at bigla itong tumayo saka inilagay ang pagitan ng palad sa kaniyang bibig at saka ito sumigaw.
“Inay! Kung nariyan ka man po, nais ko lang pong magpasalamat dahil binigyan niyo po ako ng napakagandang pangalan na sumisimbolo sa buwan! Inay! Mahal na mahal po kita! Lagi niyo po kaming babantayan ni itay ha?! Gabayan niyo po ako hanggang sa aking pagtanda.” Sigaw nito sa buwan at napatingin ako sa buwan medyo lumiwanag ito.
Masaya ka ba mahal? Dahil narinig mo ang boses ng ating anak?
“Itay,” Tawag niya sa akin at muling umupo sa aking hita.
“Bakit anak?” Tanong ko at hinawi ang ilang hibla ng kaniyang buhok.
“Kung gusto po ni inay na maging buwan at ikaw ay gusto mo rin maging dagat. Nais ko pong maging bituin. Gaya ng sabi ni inay, “Para kahit sumikat man ang araw maramdaman mo pa rin na nariyan ako. Mapa-umaga, mapa-dapit hapon at mapa-gabi palagi akong nariyan, hindi man kita t’wing umaga, nariyan lang ako sa paligid.”
Naiyak ako sa sinabi nito.
“At para magkasama po tayong tatlo, kung tayo’y mawawala man.” Inosenteng sambit nito.
Muling ibinalik ko ang aking tingin sa buwan habang lumuluha.
“Sa susunod na buhay, ikaw pa rin aking paraluman.”
WAKAS.
This is work of fiction. Originally created by Kaileighn Satrikana Scrivener a.k.a @kaiiileighn on wattpad.
WARNING: PLAGIARISM IS A CRIME, if you’ll steal my work you will be punish by law.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top