Lara’s revenge Chapter 23


PINAG sawa niya ang kanyang mga mata sa katitig mukha ng binata habang natutulog.
Marahan niyang nilapat ang kanyang palad sa mukha nito.
” Im sorry Marco” hindi niya napigil ang mapahikbi.
Marahan gumalaw ang binata.
” Lara, bakit?bakit?” sambit nitong nakapikit parin ang mga mata.
napayugyug ang kanyang mga balikat tinakpan ng palad ang bibig niya upang hindi mapahagolhol.
” Andito na ako” umiiyak niyang sabi at muling hinaplos ang mukha nito.
Napaigtad siya ng biglang hawakan nito ang kanyang kamay.
dahan dahan nitong dinilat ang mata.
Nagulat pa ito ng makita siya, nakaupo sa harap nito ngunit ang pagkagulat ay agad din napalitan ng galit. pabalyang binitawan nito ang kanyang kamay.
” M-Marco” mahinang sambit.
” Bakit ka nandito? Para tignan kung patay na ako?” pagalit nitong tanong
” I-Im sorry” humihikbi niyang sabi akmang hawakan ang mukha nito sa dalawa niyang palad . Ngunit mabilis nito tinabig ang kanyang kamay
” Sorry? Maalis ba ng sorry mo ang sakit nararamdaman ko sa pag iwan mo?”
” Alam kung mali ang ginawa ko, pero hindi ko sinasadyang saktan ka”
Tumawa ito ng mapakla” Hindi mo sinasadya? Lara, pinaasa mo ako, pinasakay mo ako sa mga matatamis mong salita. Pinaniwala mo ako na mahal mo ako, para ano? Para bitawan mo sa ere!” napasigaw ito sa galit.
“Halos bumaliktad na ang utak ko sa kakaisip kung ano ang nagawa kung kasalanan sa’yo para gawin mo ito sa akin. Kasalanan ba ang mahalin kita Lara?” namuo ang luha sa mga mata nito
Siya man ay napaiyak ramdam niya ang bigat sa loob nito.
tumayo ito ” Mabuti pa umalis kana”
Tumayo siyang hinawakan ang braso nito.
” Marco mahal kita, mahal na mahal kita” napagaralgal ang boses niya.
” Mahal? ilang beses ko iyan narinig mula sayo, naniwala ako kaya heto ako ngayon nalulugmok dahil sa sinasabi mong pagmamahal. Lara ang sakit dito” sabay turo niti sa puso ” Ang sakit sakit Lara. Nasasaktan ako dahil minahal kita”
” Umalis kana”
” Marco hayaan mo akong magpaliwanag. Pakinggan mo muna ako” naiiyak niyang pakiusap rito.
Nanlisik ang mga mata, tumingin sa kanya. Hinawakan nito ang dalawa niyang braso.
” Pakinggan? Ako ba binigyan mo ng dahilan para hindi mo siputin sa kasal natin? Ngayon hihilingin mo sa akin na pakinggan kita” Pabalya siyang binitawan.
Naglakad ito papunta sa pinto.
“Kaya ko lang iyon nagawa dahil pinaghigantihan kita.” wala sa isip naisatinig niya ang dahilan.
Napatigil si Marco sa paghakbang.
” Dahil akala ko isa ka sa gumagahasa sa akin”
Napalingon sa kanya si Marco. Rumeshistro sa mukha nito ang pagkagulat.
” P-pinag dudahan mo ako nang gahasa sayo?”
Napayuko siya, hiyang hiya sa sarili maalala inakusahan ang taong inosente.
” Inakusahan mo ako? Ibig sabihin Lara, matagal munang plinano ang paghihiganti mo sa akin?” ulit nitong tanong na hindi parin ma absorb sa utak ang sinabi ni Lara.
Marahan siyang tumango. Nag uunahan sa pag patak ang mga luha.
” Lara, sana pinatay mo nalang ako. Nanghindi na ako nahihirapan pa” sabi nitong numumula ang mga mata
” Sa ginagawa mong ito inunti unti mo akong pinapatay, pinapahirapan mo pa ako. bakit hindi mo nalang ako pinatay nong magkasama pa tayo para naging satisfied ka sa paghihiganti mo” sarcastic nitong sabi.
Niyakap niya ito” Patawarin mo ako Marco, hindi ko alam na hindi ka kasali sa mga kaibigan mong gumahasa sa akin”
Naitulak siya nito” W-what?” Maang nitong tanong.
” G-ginahasa ako ng mga kaibigan mo” naiiyak niyang sabi.
” Ginahasa ako ni Anton, Mike at Abner pinagtutulongan nila ako” napahagolhol na siya.
Hindi alam ni Marco, kung ano ang gagawin kung maniniwala paba siya rito, ang galing nito sa actingan, ang galing nitong gumagawa ng kwento. Kahit siya napaniwala siya nito.
” Sabi mo, inakala mo ginahasa kita, kaya mo ako pinaghigantihan. Ngayon naman sasabihin mong ginahasa ka ng mga kaibigan ko? Lara naman, tama na”


/> Natigilan siya, hindi niya alam paano ito makunbinsi maniwala sa kanya.
” Sinaktan mo ako dahil sa maling akala mo. Pero wag munang isali ang mga kaibigan ko. Nanahimik na sila Lara, patay na sina Anton at Mike, hindi na nila maipagtanggol pa ang sarili nila. Kaya wag kana mag aakusa” galit nitong sabi
” Marco paniwalaan mo naman ako” hinawakan niya ito sa kamay.
” Ano ba ang plano mo Lara? Bakit mo ba ito ginagawa? kung ginawa mo ito para pag takpan mo ang pamamahiya at pananakit sa akin mabuti pang umalis kana”
Humakbang ito palapit sa pinto.
Niyakap niya ito mula sa likuran. ” Marco, patawarin mo ako please, nag mamakaawa ako sayo, paniwalaan mo ako kahit ngayon lang.
Hinawakan nito ang kamay niya. At humarap ito sa kanya.
” Lar-”
Agad niya itong hinalikan sa labi saglit itong natigilan sa kanyang ginawa. Masuyo niya itong hinalikan.
Marahan siya nitong tinulak. ” Umalis kana”
” Hindi mo naba ako mahal?” umiiyak niyang tanong.
Tumingala ito saka bumuntong hininga.
” Umalis kana” anito sa mahinang boses.
” Please Marco sagutin mo ako. Hindi muna ba ako mahal?”
Iniwas nito ang tingin sa kanya. Hindi nito sinagot ang kanyang tanong.
Kinulong niya sa dalawang palad ang mukha nito.
” Tumingin ka sa mga mata ko sabihin mo mahal mo parin ako” bumalon nang luha ang kanyang mga mata.
” Umalis kana Lara please” pakiusap nito.
” Marco hindi ko kayang iwan ka, hindi ko kayang mawala ka sa akin” naiiyak niyang sabi rito. Hindi niya ito iiwan ngayong alam niyang wala itong kasalanan sa kanya.
” Umalis kana!” pasigaw nitong sabi
Napahagolhol siya sa bigla ng sigawan siya nito. Laglag ang kanyang mga balikat lumabas ng bahay.
Agad sinara ng binata ang pinto pagkalabas niya.
Nanatili siyang nakatayo sa nakasaradong pinto. Walang humpay ang kanyang pag-iyak. ” Marco patawarin mo ako” naisambit niya.
Napasandal si Marco sa nakasaradong pinto.
Hindi na niya alam ang gagawin gulong gulo na siya, gusto niyang paniwalaan ang dalaga, pero natatakot siya na baka pinasakay lang siya nito. Nawalan na siya ng tiwala. Paano niya tatanungin ang mga kaibigan gayon patay na ang dalawa? Paano kung sinabi lang nito iyon para matakpan ang kasalanan nito.
Kumirot ang puso niya sa kanyang nagawang pagtaboy rito. Nasasaktan siya. Sa kabila ng ginawa nito sa kanya andon parin ang pag mamahal niya rito. Pero natatakot na siya, takot na takot na siyang mag tiwala muli.
Ilang minuto nakatayo si Lara sa harap ng pintuan ni Marco. Wala parin siyang tigil sa pag iyak sa isipin ang taong mahal niya ay tuluyan ng nawala sa kanya. Naisipan niyang tawagan si Erik pagka-uwi niya sa bahay.
Pinahid niya ang kanyang luha. Mabigat ang paa humakbang palabas ng gate.
Matagal ng nakasandal si Marco sa pintuan ng sumagi sa isip niya nag hihiganti ang dalaga kaya nito nagawa pabagsakin siya.
” Ibig sabihin pinaghihigantihan niya kaming magkakaibigan?” wala sa isipang naisambit
Talaga bang ginahasa siya, kung siya nga ay hinuhusgahanan nito. Aantayin niyang umuwi si Abner.
” M-may kinalaman si L-Lara sa pakamatay ni Anton?” hindi makapaniwalang tanong. Bigla siyang nahimasmasan sa isipin iyon. kahit galit siya rito pero ayaw niya itong makulong.
Mabilis niyang binuksan ang pintuan baka sakaling maabutan si Lara sa labas.
“Sana wala kang kinalaman Lara” aniya sa sarili
Natanaw niya si Lara, kakalabas lang ng gate. Nakayuko itong binuklat ang bag, halatang may hinahanap mula roon.
Napatingin siya sa kanang bahagi, nakita niya ang mabilis na tumatakbong sasakyan papunta sa kinaroonan ni Lara.
Mabilis siyang tumakbo palabas ng gate
” Lara!” sigaw niya sabay tulak sa dalaga bago pa ito mahagip ng itim na sasakyan.
” MARCOOOO !” sigaw niya ng makita itong nakahandusay nagsilabasan ang dugo mula sa ulo.
” Saklolooooooo!” pagsisigaw niya.
” La——-”
” Marco, gumising ka. Huhuhuhuhu!”
Humahagolgol siyang nakatunghay kay Marco na walan ng malay.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top