My BestFriend’s Husband Chapter 33


#Mystery_Thriller_Romantic_Drama
🌺Step POV
Hindi ko nagugustuhan ang inaasal ngayon ni Vincent. . Oo dati kaming magkaibigan pero wag naman nya akong ganitohin sa harap ng mga iba ko pang kaibigan.
Bigla akong bumitaw sa pagkakahawak nya sa kamay ko hindi na ito tama..
” whats wrong?” Galit nanaman nyang sabi ng maramdaman na kumawala ako sa pagkakahawak nya sa kamay ko.
” Bakit mo ba ito ginagawa?” Tanong ko sa kanya.
“im protecting you. Bakit sasabihin mo ba sa kanila ang katutuhanan?” Galit nyang sabi.
Ano ba ang katutuhanan na ayaw nyang ipagsabi ko.
“wala akong sasabihin. Dahil wala akong maalala.” Napapasigaw na rin ako sa kanya.
“Wag kang magtatangkang sabihin ang totoo. Umpo ka jan. At diyan ka lang. Naiitindihan mo ba ako Stephanie!”
Galit nyang sabi pero hindi na talaga ako makatiis.
” Bakit mo ba ako pinabalik dito kung hindi mo naman pala ako pattrabahuin? ”
” pinabalik kita dito para protiktahan ka kay hena. ”
Pasigaw na naman si Vencent.
” Kaya ko naman ang sarili ko hindi mo na ako kailangang protiktahan pa. Hindi na ako bata para protiktahan.
Napapasigaw na rin ako kasi gulong gulo ang isip ko hindi ko alam kung anong iisipin ko sa sarili ko.
“Hindi mo parin ba ako mapatawad sa nangyari? Ganito lang ba tayo na sa tuwing mag uusap tayo nag aaway tayo. Stephanie inamin ko naman sayo na kasalanan ko ang lahat. Bakit ganyan ka parin katigas.. Hindi ba pweding ibalik nalang natin ang dati. ”
Nagloloading ang isip ko. Oo close kami pero iba na itong ipinapakita at ipinaramdam nya saakin. …. wala talaga akong maalala tungkol sa aming dlawa.
” Ano ba ang mayroon tayo dati?”
Natahimik naman si Vincent
“Bakit kinalimutan mona ba ako sa buhay mo? Ayaw mo bang bumalik tayo sa dati? Sabihin mo!”
(naiiyak na sabi ni Vensent. pati ako nadadala na sa nangyayaring pag aawway namin. hinawakan ni vensent ang dalawang balikat ko.
” Wag mong sabihing kinalimutan mona ako sa buhay mo . Bakit suko kana ba saakin. Hindi mo na ba ako mapagkakatiwalaan. ”
Nagloloading na talaga ang isip ko. Naguguluhan ako sa mga pinagsasabi ni Vincent. Pakiramdam ko hihimatayin na ako.
🥀Tiffany POV.
(Mapaghiganting Stephanie)
Bigla akong sumulpot dahil hindi na kaya ni Step ang nalalaman nya ngayon. Wala syang dapat na malaman pa.
At nadadala narin ako sa pag iyak ni Kuya Vincent. Parang nadudurog ang puso kapag nakikita ko syang umiiyak at nasasaktan.
“Ayaw mona bang bumalik tayo sa Dati stephanie. ” Sabi pa nya saakin habang nakahawak parin sya sa balikat ko.
“Oo Gusto kung ibalik ang dati pero paano ku gagawin ang bagay na yon kuya. Kung ang lahat magulo na. Sa Tingin mo ba maibabalik mo ba ang dati. maibabalik mo ba ang dating ako..” naiiyak kong sabi na kahit ako nawawalan na ng pag asa pang mabuhay ng normal. Paano kong hindi na magising ang katawan ko sa hospital. Paano kung mawala na ako habang buhay.
“pwedi tayong magsimula ulit. Umalis nalang tayo tulad ng gusto mo. Magpakalayo-layo nalang tayo. Hanapin natin si Megan magpakalayo layo nalang tayong tatlo na magkakasama tulad ng gusto mo Stephanie. ” Nagmamakaawang sabi saakin ni Kuya Vincent
“Oo gustong gusto kung umalis tayo. Pero noon yun, ayaw ko nang umalis pa sa tabi ni andrew”
Lakas loob kong sinabi kay Kuya Vincent.
” Hibang kana ba Stephanie?. Kapated natin sya. Kuya mo sya alamo yun. Hindi kayo pweding magsama. Ano ba ang nalagay sa utak mo Stephanie at nagkakaganyan ka. Hindi kayo pweding magsama ni Andrew.” Galit na galit na sabi saakin ni Kuya Vincent
“Siguro nga baliw ako. At alam ko naman na kuya ko si Andrew. Alam ko yun alam kong maling mali ang ginawa ko pero ginawa ko parin. Pero gusto ko parin syang makasama.”
” Bakit ba gusto mo parin syang makasama. Bakit kaba nagkakaganyan Stephanie.?
Galit na galit nyang sabi.
“Hindi mo kasi ako maintindihan. hindi mo alam kung anong hirap ang pinagdaanan ko ngayon. kahit sabhin kopa ang lahat lahat sayo hindi mo parin ako maiintidihan. Mas mabuting walang kang alam sa nangyayari saakin. Kailangan ko monang maghigante sa taong sumira sa buhay ko. Kaya ako nagkakaganito ngayon. Kailangan kong ipag higante ang sarili ko sa gumawa nito saakin.”
“Walang may gustong pumatay sayo Stephanie. Ang pagsabog na nangyari hindi yun bomba mga gas lang yun sa kusina. Kaya hindi mo kailangan maghiganti.”
“Wala ka ngang kaalam alam sa boung nangyari saakin. Sinadya ang pagsabog...


na iyon. May taong gusto akong mawala. Pati nga ikaw gusto ko na ring paghinalaan. Baka nga ikaw pa ang gustong ipapatay ko.
” Alamong hindi ko yan magagawa sayo. ”
” Hinayaan mo akong mamatay at masunog sa lugar na iyon diba. Pweba na iyon na gusto mo rin akong mamatay.”
Poot at galit na sinabi ko yun kay Kuya Vincent
” Wag mong isumbat saakin yan dahil alamong binalikan kita doon.”
“Binalikan mo nga ako doon pero huli naman ang lahat. ”
” Pwedi ba wag na nting pag usapan ang bagay na yan.. nakaraan na iyon. kalimutan mo na yun. Magsimula nalang tayo ulit please lang Stephanie kalimutan mo na ang nakaraan. ”
Naiiyak na sabi saakin ni kuya at nyakap nya ako ng mahigpit para damayan ako sa sakit na nararamdaman ko ngayon.
Nakatulong naman ang yakap na iyon dahil kahit papaano napapakalma nya ang sakit na nararamdaman ko ngayon.
“Kalimutan mona ang masasakit na nangyari sa buhay mo dati. Ibaon mona sa limot ang lahat.”
Biglang nagring ang cellphone ang Cellphone ko.
Kumawala mona ako sa pagkakayakap saakin ni Kuya Vincent para sagutin ang tawag.
Nakita kong si Yuri ang tumatawag.
“Sino ang tumawag?” Tanong saakin ni Kuya Vincent
“Tumawag saakin ang Dr. Ko kailangan ko raw na pumunta sa kanya.”
“Sasamahan na kita”
“wag na kuya. Kaya ko na ang sarili ko. Wag mo na akong samahan doon. Wag kang mag alala kuya mag iingat naman ako. Hindi ko ipapahamak ang sarili ko. Kailangan ko nang umalis.
Bumaba na ako agad para pumara ng Taxi.
💚Vincent POv
Pumayag akong umalis si Stephanie pero wala akong tiwala sa kanya. Kailangan ko syang sundan.
Pagka sakay nya sa taxi. Sinundan ko sya.
” Ano nanaman kaya ang binabalak nya. kailangan ko syang sundan.
Kita kong pumunta nga sya sa Hospital.
Hindi nga sya nagsisinungaling.
Pero hihintayin ko parin sya.
🌺Tiffany POV
(Mapaghiganting Stephanie)
Nasa loob na ako ng Office ni Yuri. May gusto daw nya akong kausapin ano nanaman kaya ang pag uusapan namin?
“Anong sasabihin mo at gusto mong makausap ako ng personal?” Tanong ko kay Yuri.
“Tiningnan ko kanina ang kalagayan ng katawan mo. mahina ang pagtibok ng puso mo. ” Malungkot nyang sabi
“Anong ibig mong sabihin. na malapit na akong mamatay? ”
“Pag hindi pa bumalik ang kaluluwa mo sa katawan mo. Baka posibling mawala na kana ng tuluyan. Stephanie” sabi pa ni Yuri
“Hindi ko alam kung paano ako makakaalis sa katawan ni Megan. Ano na ang gagawin ko. Sa pag lipas ng mga araw nahihirapan akong makapasok sa katawan to. baka malapit na akong mamatay. Ayaw ko pang mawala sa mundo ang dami ko pang gustong gawin sa buhay ko Yuri. Gunawa ka ng paraan para hindi ako mamatay.”
“Hindi ka mamatay. Dahil nandiyan ka parin. Gagawa tayo ng paraan. May alam akong albularyo bukas pupunta ako sa kanya para itanong kung ano ang dapat mong gawin para makabalik kana sa katawan mo. ”
“Albularyo? Makakatulong ba sya?”
“Satingin ko Oo. Matutulongan ka nyang pabalikin sa totoo mong katawan. ”
“Doctor Yuri. . Oras na po para sa meeting nyo. ” Sabi ng secretarya ni Yuri.
“maiwan na mona kita. Babalik din ako mamaya. ” Sabi ni Yuri at nag face mask pa sya bago umalis sa office nya . . Lagi nya iyon ginagawa para itago ang mukha nya.
” Sigi. . Dadalawin ko mona sya. I mean ung katawan ko. ”
Sabay na kaming lumabas ng office nya pero naghiwalay din kami ng direksyon.
Pumasok na ako sa silid kong saan naka confine ang katawan ko.
**********
💚Vincent POv
Nakita kong palabas na si Stephanie sa office ng Doctor na kinakausap nya kaya nagtago mona ako para di nya ako makita. Sabay pa silang lumabas ng Doctor nya.
Ano kaya ang sakit ni Stephanie?
Sinundan ko ulit sya at nakita kong may pinasukan syang silid.
Sino kaya ang dadalawin nya dito. Hindi kaya si Megan ang pinuntahan nya dito.
Sinilip ko ang boung kwarto si Stephanie lang ang nandoon. Hindi ko masyadong nakikita ang pasente dahil nakaharang ang likuran ni Stephanie.
Hinintay ko monang makalabas si Stephanie. Maya’t maya ay lumabas na sya sa silid na iyon at may kausap sa cellphone nya.
Pagka alis ni Stephanie ay saka ako pumasok sa silid na iyon.
Dahan dahan akong lumapit sa natutulog na pasinte.
Laking gulat ko ng makita ko kung sino ang pasenting iyon.
Bakit kamukhang kamukha nya si Stephanie?
To be continue






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top