YOU ARE THE REASON CHAPTER 1


Ako nga pala si Alexander “Xander” ang tawag ng lahat sa akin.Sa tuwing magkakasama kaming magbabarkada ay ito palagi ang usapan namin.
“Bro’ bakit ba hanggang ngayon ay ayaw mo pa mag girlfriend?”
“Di ko pa nahanap ang forever ko.”
“Forever ba o natotorpe ka na naman.”
“Oo nga naman aba’y nasa ikalawang na tayo dito sa university na to wala ka pa din pinopormahan.Andami namang nagpapacute sayo.”
“Hayaan mo na sila.Basta hanggat wala pa si the one.Stay single ako.”
Yan palagi ang topic namin ng tropa,sa aming lima na magkakaibigan ay kaming dalawa na lang ang single ni Markus.
Pero bakit ako lang ang nakikita nila.
Sabagay ako lang kasi ang walang nililigawan,eh sa ayaw ko pa eh.
Sakit lang sa ulo yang mga babae na yan.Sa bunsong kapatid ko pa nga lang na si Sab ay suko na ako sa kakulitan nya,eh mag girlfriend pa kaya.
Pero meron naman talaga akong nagugustuhang babae.
Yung pinsan ni Lance na si Sam.
Nakilala ko sya ng sumama ako sa birthday ng lola nila.
Pagkatapos nun ay di ko na makalimutan.
Kaso napaka ilap nya sa mga lalaki.Ni hindi man lang ako kinausap.
Sabagay ako din naman halos di makapagsalita kapag kaharap ko sya.
Hay bakit nga ba ganun ako.
Samantalang sa ibang babae naman ay okay lang.
Kaya tuloy ako natatawag na torpe ng mga tropa ko.
“Bro’ mamaya may praktis tayo dahil sa Valentine’s event dito sa school.”
“Wow tayo pala ang tutugtog?”
“Yes mga Bro’ kaya yung iba dyan maghanap na kayo ng partner nyo.”
Nagparinig na naman ang tropa kung me mga jowa.
Malamang ako na naman ang tutuksuhin nila.
“Bakit pa tayo hahanap ng partner kung busy tayo sa stage.”
“Hindi naman tayo buong gabi na tutugtog kaya syempre kelangan...


din natin ng partner.”
“Yabang nyo ah,porke me mga partner na kayo.”
“Maghanap na kasi kayo ni Mark.”
“Hey bakit nadamay pa ako dyan.”
“Bakit single ka din naman ah?”
“Hindi na ngayon mga Bro’ mukhang nakita ko na ang magiging partner ko.”
Nakita ko kasi na parating ang kapatid kong si Sab kasama sina Cassy at Xandie.
Buti pa itong si Mark mukhang nahanap na ang destiny nya.
Samantalang ako naghihintay pa rin.Hindi ko na kasi nakita si Sam mula ng makilala ko sya.
“Kuya libre mo naman kami ng snack?”
“Bakit ako andyan ang boyfriend sa kanya ka magpalibre.”
“Ang kuripot mo talaga paano ka makakahanap ng jowa nyan.”
“Bakit napunta dun ang usapan? Eh snack lang ang hinigingi mo.”
“Syempre dapat galante ka sa mga girls.”
“Wait lang ha,una parehas tayo me allowance pangalawa dapat yang mga bf nyo ang magpakagalante sainyo.”
“Ang sungit mo naman,kanya kanya na nga lang tayo.”
“That’s nice idea Lil’ Sis.Tara na.”
At sabay sabay na kaming pumunta sa cafeteria ng school.
Habang kumakain kami ay may lumapit kay Lance na babae.Hindi ako makatingin ng diretso dahil alam ko na ang pinsan nyang si Sam ang lumapit.
“Hi cous musta ka na? Anyway bakit ka nga pala andito sa school namin.”
“Dito na ako mag aaral.Ayaw pa kasi bumalik nina Mom sa States.”
“Ayos.by the way kilala mo na naman itong tropa kong boys.Si Xandie lang ang bago.”
Kinabahan ako bigla,di ko alam kung matutuwa ba ako o ano.
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko.Yung nasa isip ko pa lang sya kanina heto na sya ngayon.At dito pa mag aaral sa school namin.
Sana pansinin nya na rin ako.Pero di ko alam gagawin ko.
Hanggang sa matapos na kami ay di pa rin ako makaimik.🤗






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top