LONG DISTANCE RELATIONSHIP


LONG DISTANCE RELATIONSHIP
I have a girlfriend name Erica, she’s from Visayas while me in manila. Ang relas’yon na meron kami ay isang ldr. Yes! Mahirap magkarelasyon sa malayo dahil puwede sa inyong dalawa ang manloko, pero sa’kin balewala lang iyon. Hindi ko na iniisip pa ang mga bagay na makakasira sa utak ko.
“Hi love, happy 8th monthsary sa atin. You know what sobrang saya ko ng makilala kita. Ikaw na yata ang babaeng binigay sa’kin ng diyos dahil sa pinakamabait at maalagang girlfriend.” chat ko sa kaniya.
“Happy 8th monthsary din!” tanging reply nito.
“Iyon lang? Pero nevermind, bukas may surpresa ako sa iyo ok ba?”
“Oo” ikli nitong chat.
Aakma na sana akong replayan ito ngunit 2 minutes online na s’ya. Siguro may problema iyon ayaw lang sabihin kaya ganun ang mood, napaka cold daig pa yelo.
Natulog na lang din ako at bukas na bukas ay pupuntahan ko s’ya sa lugar nila, matagal ko na rin itong hinintay na makita s’ya, iyong tipo na mahawakan ko pisngi niya, mahalikan ko sa noo at higit sa lahat mayakap ng mahigpit.

Bumangon agad ako ng 5 ‘clock, kailangan ko agahan para makarating ako sa lugar nila. Tumungo ako sa banyo at naligo na pag-katapos non sumuto ako ng white polo at black pantaloon. Ok na ito kahit simple. Sinuot ko na rin ang sapatos ko bago kinuha ang bag na may lamang damit.
Lumabas ako ng bahay at pumara ng tricyle para marating ang airport. Actually nakakuha na’ko ng ticket for my flight patungong visayas, inagahan ko para wala ng pila.
Minuto ang nakalipas bumaba ako ng sasakyan at binigyan ng 50 ang driver at dali-daling naglakad.
Nadatnan ko sa loob na kaunti lang iyong pasahero insakto naman na nag announce ang eroplanong sasakyan ko.. Pumila ako para makauna agad sa upuan.
5 minutes, tinanaw ko ang buong airport ng makapasok ako sa loob ng eroplano. Medyo nakakbahan ako dahil sa kong anong reaksiyon niya pag nakita ako.
Pinikit ko ang aking...


mga mata ng papalipad na ito. Hindi ko binuksan ang aking selpon baka sabihin niyang nasaan na naman akong galaan.

It’s already 8:35 in morning ng marating ko ang lugar ng gf ko. Huminga ako ng malalim at sumakay ng jeep.
Maya-maya pa ay pumara ako sa mall, dahil may bibilhin akong teddy bear na favorite niya at flowers.
Pagkapasok ko palang doon ay marami agad ang tao, merong mag pamilya, magka sintahan, mag-kaibigan at iba pa.
Panay libot lang ang tingin ko ng mahagip ng dalawa kong mata ang pamilyar na babae, may kasama itong lalaki.
Tumago ako sa malaking Christmas tree dahil sa lumingon ang babae at doon ko nakita ang girlfriend ko.
Kinuha ko ang selpon at tinawagan s’ya na kaagad nitong sinagot.
“Saan ka ngayon love?”
“Nasa bahay, bakit?” aniya.
Kumirot bigla ang dibdib ko, nagsinungaling ka. Pinalit mo agad ako?
“A-ah ano, mahal mo?”
Umusal pa ito bago nagsalita, “oo”
“Bakit? May mali ba sa’kin?”
“Ewan, malayo ka Ivan hindi tayo gaano kasaya tulad ng ibang couple right? Kaya pinili ko s’ya dahil sa oras na down ako sa sarili ko nandito s’ya, iyong tipo na kasama mo buong araw. Pero iyong relas’yon natin hindi magawa ng ganun.” litanya niya.
Doon na unti-unting tumulo ang luha ko sa sinabi niya, meaning habang kami pa niloloko na niya ako? What a great cheater.
“P-pero 8th months tayo, wala lang ba sa iyo lahat? Porket ldr tayong dalawa pinalit mo agad ako. Ano bang kasalanan ko? At nagawa mong mag cheat?”
“I don’t know Ivan. Sorry! Hindi ko sinasadyang saktan ka. Nandito lang talaga s’ya sa tabi ko nong maraming akong problema. Sorry Ivan thank u for 8th months of pure love.” aniya at pinatay ang tawag.
Napaupo ako sa sahig ng mapagtanto kong ito lang pala ang binigay sa’kin. Ready pa’kong pumunta rito tapos ganito lang.
“Surpresahin sana kita, pero ako iyong nasurpresa.” bulong ko at umiyak.
— WORK OF FICTION
— DON’T PLAGIARIZED
— ERRORS AHEAD
— @sae






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top