Look-alike
By: imcissistic
Nagmumuni-muni ako ngayon sa kalsada, joke lang nawawala talaga ako. Kasalanan ‘to ni manong pinababa ba naman ako ng jeep, bastos di’ba? Ganito kasi ang nangyari.
“Ang halik mo, namimiss ko~”Pagsabay ko sa patugtog ni manong.
Feeling ko nag-coconcert ako. Kasi naman yung mga audience ko dito nakatingin sa’kin.
“Ano ba namang boses yan, parang boses manok.”
Oh di’ba! Kinumpara pa ako sa manok. Ang galing-galing ko talagang kumanta.
“Bakit iniwan mo ak–” Natigil ako sa pagbirit ko ng masubsob ako.
“Ineng bumaba ka na. Ang pangit ng boses mo, malas! Baka mabangga pa ako!”
At pinagtabuyan na nila ako. Tinulak-tulak pa ako ng ibang pasahero, akala mo naman hindi sila nag-enjoy sa pagkanta ko.
“Ahh!” Inis na sigaw ko at pumadyak.
Nakakainis on the way na kasi ako sa fan meeting ni Vinter, ang actor na sikat na sikat ngayon. Idol ko yun ‘no! May nagbigay lang sa’kin ng ticket, tapos ngayon nawawala ako. Gusto ko’ng ma-meet ang boyfie ko. Huhu send help.
Napapitlag ako nang may humawak sa balikat ko.
“Hoy! Bitiwan mo ak–”
Napatulala ako nang mapaharap sa kaniya. Ang gwapo! Mukhang nalaglag na ang panty ko. Napadako ang tingin ko sa labi niya, shuta ang pula, sarap halikan hihi.
“Why are you here?” Tanong niya habang naka-kunot ang noo.
Lalong gumwapo! Napatigil ako nang may mapansin. Parang pamilyar ang gwapong makalaglag ng panty na lalaking ‘to. Sino nga ba? Nanlaki ang mata ko at napatakip sa bibig.
“Alam mo may kamukha ka,” saad ko habang nakaturo ang nanginginig ko’ng hintuturo sa kaniya.
Lalong napakunot ang noo niya. Ang gwapo pa rin! Yung garter ng...