Love, Pain, and Pleasure”


Love, Pain, and Pleasure”
Genre: BL, True to Life
Author: Xyvier Devreux
Based from a true to life story. (Names of persons and places were changed to preserve confidentiality)
[First part]
Grade 10 kami noong inilaban kami ng aming paaralan sa isang pageant. Ako at ang pinsan kong babae ang napili na magrepresent ng school namin para sa District level.
Hindi man kami ang nanalo ng grand champion ngunit nakapag-uwi parin naman kami ng trophy dahil kahit papano ay naging second runners-up kami.
Unang pageant yun na sinalihan ko dahil sa totoo lang ay mahiyain akong tao. Marami akong natanggap na papuri at sobrang naappreciate ko yun ngunit mayroon din kunting pambabatikos na hindi ko na lang pinatulan.
Marami din akong bagong kaibigan na nakilala at isa na rito si Vince. Ilang araw matapos ang pageant nagsend siya sakin ng friend request sa fb at napansin ko na pinafollow niya na din ako pati sa ibang social media accounts ko.
Hindi ko siya agad...


napansin sapagkat hindi ko naman laging binubuksan yung Fb ko. Kadalasan yung messenger lang yung ginagamit ko noong time na yun saka mas active kasi ako sa tiktok at tweeter. After a week, saka ko palang naconfirm yung friend request niya.
Madaling-araw na nun pero gising padin ako kasi madalas ako magpuyat. Nagpost ako sa fb story ko ng picture ko habang kumakain. Nagreply siya sa story ko ng “Penge” with hugging emoji.
Hindi ko pinansin yung message niya kasi di ko naman siya personal na kilala. Kaya ko lang naman siya inaccept kasi ewan medyo napogian kasi ako sa kaniya(pogi naman talaga siya eh).
So total wala naman akong kachat nagreply na ako sa kanya, I said, “Come here, let me feed you”.
Nagreply siya ng “dark” haha gagi di ko agad na realized na double meaning pala sinabi ko…
“Hoy gagi wag ka mag-isip ng malisya! Hindi ko naman sinadya yun eh.”, agad kong tugon dala ng pagkahiya.
____________________________________
To be continued…






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top