Marriage Contract Chapter2 part5


After two days nakalabas na rin si Baby Chloe ngayon didirecho na kami sa mansyon nila Tyron medyo kinakabahan pa nga ako eh lalo na ngayon ko makakaharap ang mommy niya at sana magustuhan niya ako at si Baby Chloe.
Pagbaba namin ng kotse agad na sinalubong ng mga katulong si Tyron.
” Good morning Sir Tyron ”
” Ya kunin mo ang mga gamit at dalhin mo sa kabilang bahay ”
” Okay Sir Tyron ”
Kinuha na ng katulong yung mga gamit namin.
Grabe napakaganda at napaka laki ng mansyon nila Tyron at ang lawak pa ng garden.
Magka hawak kamay kaming pumasok ni Tyron sa loob ng mansyon mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko at butil butil ang pawis ko kinakabahan talaga ako.
” Don’t be scared ” saad ni Tyron.
” Kinakabahan ako ”
” Nandito lang ako sa tabi mo Almira ”
” Mie dito na ba tayo titira? ”
” Yes baby mommy mo at ikaw dito na titira kasama ako ”
Isang magandang babae ang lumapit sa amin nila Tyron.
” Tyron anak! ”
Nagulat ako mommy pala siya ni Tyron ang ganda at bata niyang tignan artistahin ang mukha.
” Mom…”


/> ” May kasama ka pala ”
” Yes mom Almira my fiance ”
” What? ”
” Manang pakidala si baby Chloe sa kabilang bahay ”
Agad na lumapit yung katulong at inihatid si Baby Chloe sa kabilang bahay.
” H-hello po Almira po fiance ni Tyron ”
” What? ”
” Mom! ”
” Seriously? My god Tyron pipili ka na lang sa may anak pa ang tanga mo naman ”
” Mom! ”
Tinitigan ako ng mom ni Tyron mula ulo hanggang paa ang sama ng mga tingin niya kung nakamamatay lang malamang patay na ako ng mga sandaling iyon.
” Oh come on hija! Layuan mo anak ko ”
” Mom! ”
” I know pera lang naman ng anak ko ang habol mo ”
” Mom stop it! ”
” Inday kunin mo bag ko! ”
” Yes po madam ”
Agad na kinuha ng isa pang kasambahay yung mamahaling bag ng mom ni Tyron may nilabas ito mula sa bag niya ito ay isang bungkos ng pera na puro one thousand nagulat ako ng biglang ibato ito sa harapan ko.
” Yan ba? Kunin mo kung kulang pa dadagdagan ko pa layuan mo anak ko”






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top