Munting Pangarap ni Esang Kabanata 7


Ito ang unang araw ko sa High SchooL. Unang Pasok ko sa Paaralan sa bayan na para sa akin ay ubod ng Ganda.. Ang 2nd floor na building. Ang napakaganda naming Flagpole na pinarisan ng nagmamataas na kuLay ng ating pambansang watawat..at building ng Principal ng School .
At ang agaw pansin netong mga mabulaklaking ganrden.. Lahat sa paningin ko yun para sa akin ay ubod ng Ganda..Isang paraiso na isa sa mga makakatulong sa akin para maabot ang Munting pangarap na meron ako 😍
Suot ang lumang school uniform na chekerd na kulay pula at lumang sapatos na bigay sa akin ni Ate Liza ay taas noo akong naglakad papasok ng entrance ng school para hanapin sa bawat classroom ang pangalan ko. Mejo nahihiya pa akong magtanong sa mga mag aaral na nakakasalubong ko.
“Oy. pango…..ikaw ba yan? “tanong ni moymoy ng di sadyang napadaan ako sa labas ng classroom nya.
Lahat ng bata dto galing sa ibat ibang panig ng baryo o baranggay sa bayan namin. Ito lng kse ang kaisa isang high shool dto sa lugar namin kaya di malabong di kami magkita ni Moymoy na nasa 2nd year high school na ngayon. Di ko sya pinansin at tuloy tuloy lng sa paglakad .Pero agad din akong napahinto ng magsalita pa sya.
“Alam ko ang Room mo ” sabi neto. “Gusto mo turo ko sayo ee kung saan.? ” nakangiting sabi neto.
Tumango ako agad at nagpasalamat habang nakasunod sa kanya. Sa totoo lng matalik talaga kameng magkaibigan kahit magkaiba kame ng baryo.. Pagbumibisita sya sa Ante Edna nya na malapit lng din sa bahay namin ay nakikipaglaro sya sa akin.
Flashback ❤
Habang busy sa pagbubugbogan ang mga magulang ko sa loob ng aming bahay kaselasing nanman si...


Papa ay heto kami sa labas ng bahay at nakikipaglaro sa mga batang nasa labas di alintana ang bunganga ng mga magulang ko. Pinalabas kame ni mama kase tiyak pagnakita kme ni papa ay madadamay pa kameng magkakapatid sa bugbogan niLa.
“Hoy pangong Bata. Pssst. “sitsit ng isang batang lalaki na sa tingin ko ka edad ko lang.
“Bakit?Saka ako si Esang S. Rasu.hindi pango ang pangalan ko.”sabi ko dto
“di nga pango pangalan mo pero pango ka nman kaya ok lng yun ang itawag ko sayo”hirit pa neto
Tiningnan ko sya. singkit ang mata..tama lng ang ilong at may kaputian..at may patpating katawan.
“basta ayaw ko yun. “sabi ko.
“Pango.. Pango .”.pang aasar neto.
Lumipas ang panahon at naging kaibigan ko sya. Di ko rin alam kong bakit naging kaibigan ko ang lalaking to.
“Iihi ako aa bantayan mo Muna si Marya hah? “sabi ko dto isang araw ng naglalaro kami sa labas ng bahay namin.
“Sge”sabi nito at kinarga si Marya.
Habang umiihi ako ay sumunod din si Moymoy karga si Marya at umuhi din.
“Usog.. Sigaw ko dito .’isang dipa dapat ang layo natin at baka magkasalubong o magkadugtong ang mga ihi natin at isa daw ay mamatay sa atin (sabi ng mga matatanda) ”
Tumawa ito at sa halip inihian nya ang paa ko.
–NatigiL ang pagmumuni muni ko ng magsalita si Moymoy
“Andito na tayo. ” sabi neto. Huminto kame sa harap ng pinto ng isa sa mga clasroom dto. At itinuro ang papel na nakapaskeL sa labas ng pinto..
Nakangiti akong sinundan ng tingin ang tinuro nya.
Sabay ng pagtunog ng beLL hudyat para sa isang FLAG ceremony ay ang pagkawala ng ngiti sa mga Labi ko.
Itutuloy
Goodmorning mga ka ‘Esang






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top