Ahem! Ehem!.. Napalingon ang staff mula sa front seat.
May ubo kayo sir?
Huh? Ah wala!..
“Hehe.. Yan kasi.. “natatawa ang kalooban ni Nice na nasa labas pa rin ang paningin. Naeenjoy nyang panoorin ang mga nadaraanang scenery. Tapos kasama pa ng lokong to.. Alam nyang gustong gusto na nitong mapagsolo sila at nagpapapansin na.
Hoy! Di pa ba nangangawit yang leeg mo.”
Nagulat pa sya ng nasa bandang leeg na nya halos tumatama ang hininga nito.
” Mapapasama ka sakin ngayon kumag ka! Di ka ba kinausap ni Papa” halos nagbubulungan na sila.
” Baka kasi feeling mo artista na tong katabi mo at conscious na conscious ka na dyan. Igalaw galaw mo rin yang leeg mo pag may time..at Hello? ako lang to. Friends tayo.”
Kappal talaga!!..
Hmhehhehe..
Napapailing na lang sya.. Dahil nahahawa na rin sa klase ng hagikhik nito.
Umusog ka nga don..
Wag kang mag alala, kapartido natin yang mga yan..
Pinagsasabi mo.
Basta don na lang tayo aarte sa set na di tayo close? .. Tandaan mo di ka dapat tsumansing sakin pag di kailangan.
Ah.. Hahaha.. Ang haaa-ngin!
Simula kasi nong di na tayo nagkikita.. Parang back to normal uli lifestyle ko.
Tiningnan nya ito..
Ah ganon, pwes ako rin no, huh! Sinabi mo yan huh.. Mapansin ko lang pananantsing mo, babatukan talaga kita! Panindigan mo yang sinabi mo!
Pssshhh… Strong agad?bat nagagalit?
Tseh!
Hehehehe.. Kagatin kita dyan e.
Ang dami ko na ngang nakagat nong mga panahong di tayo bati.
“Ah talaga? ” nilingon nya ito nasa likod na nya kasi ito bumubulong at sya naman ay umuusog.
Oo, alam mo naman tayo lapitin ng chicks..
Muli nya itong nilingon at sinamaan ng tingin.
“So sabihin mo sakin ngayon, tayo pa ba? Mag on pa ba tayo?
“Kalimutan mo na yon!! ” Ang alam kasi ni Nice na sinabihan ito ng papa nya na walang personalan sa pagkakasama nila. Na hindi na mababago ang katotohanang hindi pwede si Fiona kay Ogre Shrek. Ay di pala… di pwede si Cinderella kay Lenard.. Si ella lang kay kit..
” Pero happy ending naman sila.. Sana kami rin.
“Ano bang tumatakbo sa isip ko ang gulo!!”
“Oh so kung ganon.. Mag aartista na tayo neto. Aarte lang tayo to win this? Huwag kang papalag ha kung may liligawan akong pinares lang din.
Alam kong pagkakaguluhan ako don.”.
Iiling iling syang tumingin dito.. Sabay” tsk tsk tsk..”
Ngumiti lang ito ng pilyo at tinaaa taas ang kilay.
” Huwag kang magseselos.. hmm? Promise?”
Bulong nito sa teynga nya
Natigilan sya..
Tiningnang maigi ni Ace mula sa gilid ang reaksyon ng dalaga.
Dahan dahan itong napatingin sa kanya.. Nagtama ang mga paningin nila.. Kinindatan lang sya ni Ace tsaka umayos ng upo at ibinaling sa cp ang paningin.
Inayos na rin ng dalaga ang hibla ng buhok sa gilid ng teynga nya. Pati ang pagkakaupo. Tsaka tumingin sa labas.. Medyo nahurt sya don ah..wala pa man pero mukhang selos na sya.
Muli syang sinulyapan ni Ace.
Nagtext sya dito.
– tulog ka muna.. Malayo pa ang byahe..pag nagutom ka o sumama pakirandam mo, gisingin mo lang ako.
Tsaka sya sumandal at pinikit ang mga mata.
Nang mabasa yon ni Nice, sumandal na rin sya at pumikit. .
Nagising sya after maramdaman ang paghinto ng sasakyan.. Pagmulat nya nakasandal na sya sa dibdib ng binata. “Toink! Pasimple lang ang kumag ah.. Para paraan? ” ikaw na Ace” naibulong nya.
Dumating din sila matapos ang mahabang byahe, napasarap ang tulog nilang dalawa, sa piling ng isat isa.
Ang di nila alam yong camera man, alerto sa bawat eksena na matitipuhan nito. Tulog man o gising.
First stop nila sa isang studio. Naroon na rin ang mga kasamahang contestants at dalawang pares na lang ang hinihintay para makapag shoot na ang bawat couple ng mga posts nila na sweet sweetan with props o kahit maging sweet lang together. Para iyon sa pagpapakilala ng bawat couple na ipapalabas na rin sa TV screen.
Sasabak na pala sila agad, buti nakapag beauty rest na sila. Kaya mas lalong fresh na fresh ang look ng bagong gising na lovers. Alam naman nilang lovers sila.. Pero complicated nga lang kasi. Kaya excited silang lalo.
Ilang sandali pay pinabihis na sila.. May mga libre rin palang damit don. Pero pinasuot ni Ace ang bagong bili nya. Kasi ang bumili non ay ang pinsan nyang fashionista ns nagbakasyon galing states.. Na isa na rin sa nakakaalam tungkol sa kanila.
Beige din at pink ang kulay ng Combination nilang suot..kaya mas lalo silang naging attractive. Beige ang top ni Nice at naka pink si Ace.. Parang floral color lang sila. Bumagay sa studio na may pang nature at floral designs.
May bakal na stool lang sa gitna kung saan magpopost ang couple. Sila na ang bahala kung paano nila gagawin ang mga posts.. May floor manager din naman at director na tutulong at magbibigay ng idea.. Handa na rin ang mga camera man.
Kabang kaba si Nice, kahit nasanay na sya sa mga role playing sa school, ngunit ang umarte at magpost kasama ng taong ito?
Pero infairness may chemistry daw sila sabi agad ng director ng tingnan sila sa camera.
Tsaka bago sila sumalang kinausap sya ng binata. Na gawin nila yong kung ano sila pag magkasama , tulad nong dating nasa condo. Basta si Ace na daw ang bahala. Yon palay kinikiliti nya si Nice mula sa likuran habang nakaupo ito sa stool kaya naging natural ang tawa nito at hagikhik, nawala rin ang pressure.
Niyayakap naman nya ito… Nagkulitan lang sila sa gitna habang minsan pinipigil din ang tawa.. Tapos bigla na lang bubulangkahit ng tawa. Ginawa nga ni Ace ang best nya na maenjoy at mapalagay si Nice. Wala ring awkward na nangyari dahil parehas yata ang takbo ng kanilang utak.
Tapos.. Biglang seseryoso at magpopost na naman ng pa sweet yong magtititigan, at...