Meant to be? Chapter 40


Four months after….
Tapos na sa wakas ang coffee shop at 2 buwan na itong nag pa function mula nong araw ng ribbon cutting.
Ang tatay nya ay kasama nila sa bahay syempre. At may isang cook, isang katulong at isang guard sa gate.
Naging masaya ang gising nila sa araw araw dahil excited palagi sa mga gagawin, gaya ng sabay na pagligo sa cr. Pag aalmusal na puno ng sweetness at minsan si Ace ang nagluluto para sa dalaga. Tatambay sa coffee shop..mag mamalling at magkukulitan sa pag gogrocery. Pasyal sa mga fav. spot.
At magtatagpo sa tagpuan nila sa University sa bawat break time to give their sweetest kiss to each other. They enjoy every minute of their time being together. Pagkagising hanggang bago matulog.
Everything was so smooth until a news from her mother came one night na pinapaluwas sya ng Manila ng papa nya dahil manganganak na si Alodia. And that she argued to Ace’s parents her need to the father of her son to be on her side as she give birth. Kungdi babawiin nila ang collab nila sa kompanya na ang tiyuhin uli ni Ace ang pumupwesto kapag busy ang papa nya.
Gusto ring pumunta si Ace para sa parenthood test.
Kabado silang dalawa kung anong magiging resulta. Kung anak ba yon talaga ng binata.
Pinasama niya si Nice.. At ganon na lang ang pag ngingitngit ni Alodia ng masilayan si Nice ng mapaawang ang pinto ng private delivery room at nakita nya pang naghalikan saglit ang dalawa. Tapos na syang nanganak.
Maya maya.. Tinutulak na ng midwife ang cart with glass shield na lagayan ng baby.
Napatingin silang dalawa.. Kasama ng mga magulang ni Ace. Kanina pa naghihimutok ang kalooban ng Gov. sa dalawa lalo na kay Nice.
Tinawag na si Ace para sa test na gagawin. Muli silang nagyakapan ni Nice.. Nanginginig na si Nice at idinadaan na lang sa buntong hininga.
A half hour after makalabas ni Ace..
Narinig nila ang boses ng midwife sa loob ng room.
It’s positive.. Anak ni Ace ang baby boy!
Nanlumo silang dalawa.. Kasabay ng luhang dagling pinahid ni Nice. Kahit ang yakap ni Ace ay di makakaalis sa biglaang paninikip ng kanyang dibdib.
“Ganito kaya ang naramdaman ni Khate dati ng malamang...


nabuntis sya ni Ace.” Tanong nya sa sarili.
Kahit ilang beses syang nyang ibuga, di mawala wala ang paninikip.
Tuwang tuwa naman ang papa ni Ace. At ang mama nya nakikisimpatya sa dalawA. Pero kahit papano naging masaya dahil may apo na sya.
Nang nagkataong mapagsolo si Nice at ng Gov. sa bench. .
“beware! For your worse days ahead..”
Tsaka ito umalis..
Nag stay muna ng ilang araw silang dalawa sa isang hotel . Para pagbigyan si Alodia na makasama ni Ace sila at ng kanilang anak. Huwag naman daw sanang ipagkait sa kanilang dalawa ang karapatan. Sobrang sakit na nga daw ng ginawa ni Ace.
Naiiwan na lang si Nice sa hotel.. Habang hinihintay si Ace bago matulog. Tiniis nya dahil ilang araw din ay babalik na sila sa kanila.
Pero isang araw..nagtext si Ace na pahabulin sya sa address kung saan ito naroon. Lugar na Dati na nilang pinasyalan ng tropa.
Pag karating.. Nakita nya ang tatlo na tila nagpipicnic. Hapon iyon mga bandang alas 4 kaya di na mainit.. Masayang nilalaro ni Ace ang anak nya.. Kita nya ang tuwa sa mga mata nito habang pinapanood niya sa di kalayuan.
Nakita nyang nag uusap din ang dalawa habang nakikipaglaro sa bata. Umakbay pa si Alodia kay Ace..
“Ganito siguro sila dati..” Parang hinihiwa ang kanyang dibdib.
Hanggang may tumulo na na luha. Hindi malabong magbalik sila sa dati. Na puno ng magagandang alaala nila sa isat isa. Ilang taon din silang naging magkasintahan.. Malay ko kung naroon pa rin si Alodia nakatago lang sa puso nya. Na pilit nyang kinakalimutan. Ngayong magkasama na uli sila kasama pa ng anak nila.. Baka ako na itong makalimutan ni Ace. Na naghihintay pa sa pag uwi niya. ”
Ang sakit ay lumukob sa buong sistema nya. Lalo na ang susunod na pangyayari.
She saw them slowly get closer and slowly lock up their lips..
“Shi*t ang sakit!!! ” hiyaw ng puso nya.
Di na nya kinaya.. Patakbo nyang nilisan ang lugar na yon.
Ace suddenly push Alodia.. Tsaka napatayo…
“Kailangan ko nang bumalik sa hotel.. Bukas uli at last day na pala bukas..according to your favor. We’ll going home tomorrow.”
Walang nagawa si Alodia kung di ang tumango.. Pero napansin na nya si Nice kanina..
A devilish smile of her appears..






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top