Meet Again Chapter 26


Written by: Anhellian27
Mala cindarella si ashlee ng gabing iyon.Isang gabing puno ng kasiyahan.Mag alas dose na ng gabi ng biglang tumunog ang malakas na ikot ng orasan kya biglang bumalik ang lahat . Ang ibon at paru paro ay biglang nagsi alisan.Ang mga musikero at mystro ay biglang naging normal na mga studyanteng mga sumasayaw at ang palasyo ay nagbalik uli sa pagkakaayos bilang covered court.
Tumingin sa orasan si ashlee dahil sa nagalala siya sakanyang ina.
Jervey sorry kailangan ko na umalis” palinga linga si ashlee habang nagpapaalam kay jervey dahil sa hinahanap ni ashlee sila dhang at sett.
Ashlee gusto mo ba ihatid na kita?” tanong ni jervey dahil alam nya na bc naman si kyle sa pagsasayaw.
Hindi na kailangan kaya ko na umuwi mag isa at kasama ko naman si sett sa pag uwi.” Sagot agad ni ashlee kay jervey.
naglakad na papalayo si ashlee kay jervey at hinanap si sett para sabihing kailangan nya na umuwi.
Maya maya nakita nya si sett mag isa sa bandang Computer room na malungkot.
Lumapit si ashlee para sabihin sa kanya na umuwi na sila.
Sett bakit ka nandyan? Iniwan kaba ni dhang?
tanong ni ashlee kay sett dahil sa napansin nyang malungkot ito.
“hindi masama lang pakiramdam ko,uwi na kaya tayo? Sabi sa akin ni sett.
Hahaha! naunahan mo lang ako magsabi na umuwi na tayo ,nagaalala na din siguro si nanay sa akin.” sabi ko kay sett at sabay hila ko sa braso nya.
nakita pala kami ni jervey sa di kalayuan na hila hila ko si sett palabas ng pinto.
“sana tlgang magkaibigan lang talaga ang dalawa.” bigkas ng mahina ni jervey habang nakikita nya na hila hila ni ashlee si...


sett palabas ng gate.
Nakauwi na si ashlee sa kanilang tirahan at mabilis na nagbihis at naglinis ng sarili.
Ang kanyang nanay ay mahimbing ng natutulog dahil sa maaga pang magtratrabaho.
Naawa si ashlee sa kanyang nanay kya nakapagsalita ito habang nakatitig sa kanyang ina na mahimbing ang tulog.
“Nay may crush ako sa school pero wag kayo po mag alala hindi po ako nagpapabaya sa mga grades ko,para pag nakatapos po ako at kung papalarin ay makapag kolehiyo at makatapos magkakaroon ako magandang trabaho at makatulong sa inyo.
“Nay sabi naman nila may libreng exam ang Universidad ng Pilipinas para sa Upcoming Fresh Graduate!”.
“Sinabihan ako nila sir at mam na kasama ako sa mag eexam,sana po makapasa ako para wala kayo babayadan at iintindihin sa aking pag aaral”.
“Nay yung crush ko,crush lang naman!”
“sabi nila inspirasyon lang nay kaya wag po kayo mag alala”.
Hinimas ni ashlee ang ina habang ito ay tulog.
“Nay wag kayo mag alala hindi po ako mag aasawa agad at mag aasawa ng tulad ni tatay na walang kuwenta!”
“walang paninindigan at manloloko!”
“Magpapakabait po ako nay!” Pumatak ang mga luha ni ashlee.Ang saya ay biglang napalitan ng lungkot.
“Good Night nay,”
“love love ko kayo kahit hindi ko masabi ng personal at kaharap kayo!”
Pumunta na sa higaan si ashlee para makapag pahinga dahil sa parang buong katawan nya ay nanghina dahil sa pagod.
Nagdasal muna si ashlee bago matulog na sana lahat ng kanyang balak sa buhay ay matupad para sa kanyang ina at kapatid na kahit kylan hindi nila naaasahan sa gawaing bahay at sa paggastos sa araw araw.
Pinagdasal nya na sana magbago na din ang kanyang kuya at mawala ang bisyo ng kanyang kuya.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top