Munting Pangarap ni Esang ” Kabanata 14


MabiLis na Lumipas ang Bakasyon.. At sinusuLit namin ng mga kapatid ko ang bakasyon.. Isang buwan nlang kse at pasukan na naman.
Napag usapan narin namin na papasok na si Long ngayong pasukan kaya masaya kame.
Sabi kse ni tito ay kaya namn daw nyang pag aralin kame ng Sabay sabay at mejo di nman gaano kalakihan ang gastus magpaaral ng High SchooL basta magtipid lng daw kame.
Napansin kong naging masigla na uLit si Long mula ng malaman nya ang balitang yun. Sa amin kseng apat ay si Long ang pinakamatalino 🙂
Alas 3 na ng hapon at nagpaalam kame sa tita at tito namin kung pwede maglaro sa likod. Pumayag namn ito.. Nagtatahi kse si tita at tito ng Lambat.
Naglaro kame ng mga kapatid ko.. Himalang walang batang naglalaro ngayon at kameng apat lng ang nandito.
Hawak ang jolen ay tinarget ko patamaan ang jolen ni Long. Para mapanalunan ko agad tansang pinokpok namin ng bato para lumapad. Nakalagay ito sa lupa at nasa gitna ng square na ginuhit namin.. Napatamaan ko kaya kinuha ko ang tansan na nasa square bilang panalo. Nilgayan namn agad to ni Long ng tansan ulit ..patuLoy ang paglalaro namin.
Si Marya at Si boboy ay tinawag ni tita para magmeryenda ng nilagang kamoteng kahoy. Niyaya din namn kame ni tita pero sabi namin busog pa kame.
Hanggang sa napunta ang Jolen ko sa may nakatambak na sanga at nabubulok ng puno ng BuRi (Para syang niyog pero mas malaki ang katawan at mas mababa sa Niyog)
” Hanapin mo ang Jolen at titirahin ko yun. “utos ni Long
“eh nawala na ata ” sabi ko.
“Anjan Lang yan. Hanapin mo kase “sabi pa neto..
Pinagtatanggal ko ang nakatambak na sanga ng buri para hanapin ang Jolen ko. Sa paghahanap ko ay nakakita ako ng Ahas. Dalawang dangkal ata ang Haba. At kumkintab pa kapag natatamaan ng sikat ng araw. At napaka itim neto.
“Long Ahas ata to ” sabi ko dto dahiLan para lumapit sya.
” Oo nga. ” kumuha sya ng stick at timusok...


tusok pa ito..
Lumaban ang ahas kaya kumuha si Long ng bato at binato ang ahas. Di man lang tumakbo ang ahas. Handa pa atang sumugod dahiL papunta sya sa amin.
Natakot na ko kaya sinabi ko kay Long na umalis na kame. Pero matigas ulo ni Long kaya pinagbabato mya ang ahas at nataman nya sa ulo .di na to gumalaw kaya gamit ang stick ay binuhat nya ito..
” Patay na Yan Iwan mo na yan jan ” sabi ko pa
“Papakita natin kay Tito at tita.. Ito ang unang beses na nakapatay tayo ng ahas db?? Sabi nya namn
“Bahala ka. ‘
Sakto paglabas ni Boboy ng bahay ay hinagis to ni Long sa kanya. NaguLat at natakot si boboy kaya umiyak ito. At napasigaw ng AHAS.
saktong pagLabas ni tito..
Lumapit kame ni Long at masaya na naming sinabi na kame ang nakapatay nung ahas..
Akala namin matutuwa si tito..
Agad agad nyang tiningnan kong totoong ahas nga ba yun. At ng makita nyang totoo ay tinadtad nya ng bato ang uLo neto. Tpos humarap sya sa amin at kami nman ang tinadtad ng palo ng sanga ng bayabas .
“Puro nLang talaga sakit ng Ulo ang mga pinaggagawa nyo.. “sabi nito habang panay ang palo sa amin.
‘Ang tatanda nyo na pero wala parin kayong kinatandaan.”
Best Line ni tito Yan sa tuwing pinapagalitan kame o di kaya’y pinapalo..
Pinapasok kame sa loob ng kwartong may Silong at habang umiiyak ay Sinisi ko si Long.
“Ayan. Napalo tuloy tayo. Ikaw kase ey “,sabi ko sa pamamagitan ng pag iyak ng pabulong
“Oh ano may sinasabi ba kayo?? Bakit hindi sabihin sa akin nang marinig ko? BubuLong buLong pa kayo. Bakit Lalaban na ba kayo sa akin? Kaya nyo na bang pakainin ang sarili nyo ngayon at marunong na kayong sumagot? “sigaw ni tito galing labas ..
Nagkatinginan kame ni Long at palihim nya kong tinakot na para bang sinasabing “HALA KA ” pero senyas lng ito para walang ingay.
at di namin namalayan nakatulog na kameng pareho ni Long..
-Itutuloy






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top