Munting Pangarap ni Esang Kabanata 17


Nagkibit balikat nLang ako at baka namamalikmata Lang ako at baka di nman talaga sya yun..
Pagkaabot sa akin ng ice water ay umuwe na ako.
Matutulog na muna ako kaya nahiga ako sa lapag..
Halos isang oras na ang nakalipas
Pero di maalis sa isip ako ang nakita ko.
Kaya agad akong bumaba at hinanap ang dalawang pares ng tsinelas ko.
Tinahak ko ang daan papunta ss tidahan.
“Pwede po ba akong makinood? “tanong ko kay Nanay Mercy
“Pumasok ka nlng Esang at wag ka ng magpaalam “,nakangitong sabi nito.
Mabait kahit kanino ang matanda lalo na sa mga bata dahiL namimiss daw nya ang mga apo nya.
Pagkapasok koy nakita ko ang pitong naka uniforming babae at lalaki …ang iba ay kaboardmate ko at ang iba’y galing sa ibang boarding house at ang isa’y KAPATID ko..
Di nila naramdaman ang pagpasok ko. Nasa likod lng nila ako at nakapukos ang kanilang mga mata sa palabas sa tv na WOWOWIN..bakas sa mga mukha ang saya lalo na si Long.
“Long ” tawag ko dito sabay hablot ng braso nya pero agaf nya ding iwinaksi ang kamay ko.
“Tapusin ko lang to “,sabi nya sa akin ng wala man lang takot. Di alintana kung isumbong ko sya kela tita.
Tumahimik na ko at nakinood nadin.. Mukha nmang masaya nga ang Wowowin kaya medyo natangay na ko ng palabas.Nalibang na ko sa pinapanood ko di ko ‘di ko na naalala kong ano talagang sinadya ko sa pagpunta dito satindahan.ni NanayMercy ..
Tapos na ang wowowin at saktong alas 3 na.
“Tara na ” yaya ni Long sa akin pero sa halip ay nanatiLi akong nakauopo ..gusto ko kaseng panuurin ang susunod na palabas ang KAMBAL SA UMA.. Nakuha kse neto ang atensyon ko kanina. Ganitong palabas ang mga gustong gusto ko.. Sa edad kong katorse ay masasabi kong sabik pa ko sa mga ganitong drama. Gusto kong subaybayan ang kwento ng Kalba sa Uma pero alas tres kase ang umoisa sa hapon e pano yun alas 5 pa ang uwe ko at di ko na maabutan . Nakakainis naman..
Ngumisi si Long sa akin sabay alis..
Di ko alam kong anong ibig nyang sabihin pero mas bibigyan ko muna ng atensyon ang pinapanood ko sa tv.
Mga quarter to four na natapos...


ang KambaL sa Uma kaya umuwe na ko. Pinatay na rin kse ni Nanay Mercy ang tv.
Pagkauwe ko sa bahay ay wla pa ang mga kaboarmates ko at lalong wala si Long. Imposible nmang pumasok pa yun eh alas 3 na yun natapos sa Wowowin.ako namay pinanghawakan na may regla ako kaya di ako nakapasok para d nman ako makonsensya.
Mamaya ko nlng sya kakausapin. At kinuha ko ang pocketbooks na nakatago sa bag at nagbasa ako.
Medyo may kadiLiman na’y wala parin si Long.
Nakapagsaing ba ko’t naglaba ay wala parin sya..
Naghintay pa ko ng kunti ay dumating na rin sya..
“Asan ka galing ? Nagcutting class ka ba kanina? Saka kelan ka pa nakikinood ng tv dun kela nanay Mercy?? Sunod sunod na tanong ko dito.
“Tsk. Wala kameng pasok kaninang umaga. Saka nagaaral nman ako ng mabuti .ngayon lang din ako nakinood kela nanay Mercy “,sabi netong naghahanda ng pagkain sa hapag ..mejo naiirita pa ang boses pero isa lng ang alam ko nagsisinungaling sya..
“wag mo ng uulitin to ha ?? Kung ayaw mong –”
” eh di sumbong mo., ” asik netong baasar sa akin..
Mejo naguLat ako dun sa inasal na yun Ni Long..
” kung susumbong mo ko kela tito isusumbong din kita para pareho tayo patay na dalawa “,sabi neto. ” akala mo di ko alam na nagbabasa ka ng pocketbooks? Saka binasa ko yung isa masyadong Malaswa.. May Kalaswaan din pala sa mga ganyang babasahin “dagdag pa neto..
Natahimik ako at nakaramdam ng takot.. Tiyak na pagnalaman to ni tito ay di lang sampal ang aabutin ko.. Baka mabogbog pa ko at sandamakmak na sermon pa ang aabutin ko.
“Di nman masamang manood ng tv o gawin ang mga bagay nagusto mo basta wag mo lang pabayaan ang pag aaral mo..Ate Esang ngayon Lang tayo naging malaya oh.. At alam mo ba napakasayang gawin yung mga bagay na patok sa mga kabataan ngayon.. Wala nmang masama sa panonood ng tv.. Eenjoy mo lng ang saya! Mahabang sabi nito nito sa akin at pumuntang palikuran.
Di ako nakaimik at inisip ang sinabi ni Long..
May nabuong Kyuryusidad sa isip ko..
TOTOONG MASAYA BA TALAGA ???
GUSTO KONG SUBUKAN.!
-itutuloy
Di ko po kayo matiis… Kahit di nyo ko namiss πŸ˜‚






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top