Pinky’s Revenge Chapter 2


Bago ako pumunta kung nasaan si Keean, pinuntahan ko muna ang isa sa tutor ko para magampanan ko ang pagiging mahirap na Lorraine. Nagkita na lang kami sa may Jollibee sa crossing. Agad ko din namang nakita si Miranda na nakakunot ang noo na nakatingin sa akin.
“Oh bakit ganyan ka makatingin Miranda? Ganda ko noh? Haha.” Pagbibiro ko sa kaniya. Pero hinila niya lang ako dinala sa may cr.
“Hoy Pingkay, ang usapan isa kang mahirap at nagtitinda lang ng turon at banana cue ang pinagkakakitaan mo. Ano iyan?!” Sita niya sa akin.
“Ha? Exactly. Oo nga mahirap ang ipo-portray ko. Bakit?” Naguguluhan kong tanong kay Miranda.
“Ewan ko sa iyo. Maganda nga ang shonga naman.” Bubulong bulong na sabi nito.
“Hey, alam ko iyong shonga ha. ‘Diba naturo mo na iyon sa akin? Ano ba kasing problema?” Naiinis ko ng tanong ulit.
“Susmaryosep! Saan ka naman kasi makakakita Pingkay ng mahirap at maglalako ng turon na branded ang suot, nakamake up at nakatakong pa! Hindi ka magmomodel hija.”
“Ha? Hindi ba pwede ito? Eh hindi ba nga kailangan kong magpapansin sa ex ko. At para mapansin niya ko kailangan kong mag-ayos at magpaganda.” Pangangatwiran ko pa.
“Ang labo mong babae ka! Walang maniniwalang mahirap ka kung ganyan ang ayos mo! Bumili ka sa ukay ng pamalit!”
“Yuck! No freakin’ way Miranda.”
“Nako ka talaga. Ganito lang last mo na iyan. Sabihin mo na lang kapag may nakapansin ng ayos mo na stratedgy mo iyan para makabenta or rumaket ka bago naglako. Ganoon na lang. Nakakabobo ka sa totoo lang! Tsaka ‘diba nga mahirap ka? Tigil-tigilan mo iyang kakaingles mo. Kailangan mong maging palengkera, matapang, at eskandalosa. Hindi kita pinatira sa squatter na lugar namin at pinatambay sa palengke ng walang dahilan.” Mahabang satsat ni Miranda. Napairap na lang ako sa kaniya.
“Getsung ko na, gaga ka.” Natatawa kong sabi. Napalakpak naman si Miranda sa...


sinabi ko. Si Miranda ang tumulong sa akin noong panahong itinapon ako palabas ng mansyon nila Keean noong birthday ni Keean. Nagkataong anak pala siya ng katulong sa mansyon na tapat nila Keean. Dinala niya agad ako sa ospital nong makita niya ang kalagayan ko. At dahil sinesante pala ang nanay niya kaya siya naroon at nageeskandalo sa harap ng bahay ng amo ng nanay niya. Kaya naman bilang kabayaran sa tulong ni Miranda, kinuha kong mayordoma ang kaniyang ina sa mansyon namin. At siya ngayon ang nagtuturo sa akin para magampanan ko ang pagiging mahirap.
Matapos noon ay inorder ko muna ng pagkain si Miranda bago ko kinuha ang basket na may maraming turon na dapat ay ibebenta sana ni Miranda. Pero binili ko na lahat para maging props ko. Sakay ng bisekleta ni Miranda pinuntahan ko na ang parking lot kung nasaan si Keean.
Habang papalapit ay hindi ko maiwasang kabahan sa muli naming pagkikita. Paano kung mamukhaan niya ako? Paano kung sumablay ako? Hininto ko ang bisekleta habang nakatakong ng pagkataas taas ng makita ko agad ang pigura niya na nakatalikod ngunit ang mas nagpainis sa akin ay ang makitang kahalikan pa niya ang traydor na dati kong bestfriend.
Mga walanghiya! Talagang in public place pa sila naglalandian. Mga buwisit! May kaonting kirot akong naramdaman sa eksenang naabutan.
Lorraine, you’re not Pinky anymore so stop your stupid heart!
Hinanda ko ang bisekletang ibabangga sa mga hayop na malalandi. Wala ito sa plano, wala akong planong gasgasan ang mala-porselang kutis ko pero kung kailangan kong masaktan para masaktan din silang mga traydor, gagawin ko! Pero sisiguraduhin kong mas masasaktan ko sila. Long time no see old friends!
Huminga ako ng malalim bago sumigaw ng pagkalakas lakas ng “TURON, BANANA CUE KAYO D’YAN. MASARAP ITO! MAS MASARAP PA ITO SA AHAS ESTE SA IBA NINYONG TINUTUHOG!”
To be continued…ETD update mamaya lalaba muna ako🤣






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top