Munting Pangarap ni Esang ” Kabanata 27


Kapag nakaharap si tito ay umaarti kame ni titang parang walang nangyare pero kapag wala si tito ay lahat ng masasakit na salita na makakaalis ng sama ng Loob nya o hinanakit nya sa akin ay binabato nya sa akin..
“Tseee! Naturingan ka pa man ding matalino pero di mo ginamit yun para wag maisip na gaguhin kame.. Sabi nito sa akin..
Dito kame ngayon sa sapa at naglalaba ng mga damit namin.. Ilang linggo narin ang lumipas mula nung nalaman nya ang totoo.. Pero alam kong kahit ilang taon pa ang lumipas ay di nya makakalimutan ang panahong nalamn nyang sila ay aking NILUKO ..
yuko ang uLo habang nag papakang (tawag sa pagpalo ng damit gamit ang isang makapal na kahoy o pwede tin sanga ng nyog na lalagyan mo ng hawakan) ng mga damit ay patuloy akong nakikinig sa mga sinasabi ni tita kahit ang masakit. Kasabay ng pagtalsik ng tubig galing sa mga damit na pinapakang ko ay ang pagtulo rin ng mga luha ko. Wala akong magawa dahiL ksalanan ko. Sa ngayon ay wala akong karapatan para ipagtanggoL ang sarili ko.
“Oh bat ang tahimik mo jan? Umiiyak ka na nman ? Sus. Ang arti mo hah! Wag ka nga magdrama jan di bagay sayo. Akala mo sinong mabait na anak pwee! Sabi nito sabay dura sa akin..
Nilubos mo na talaga ang panloloko no kaya khit perma ko ay ginaya mo. Wala ka talagang hiya.. Belib na ko sayo Esang .
Ang sakit sakit na ng puso ko. Durog na durog na ko pero alam kong ako lang din nman ang gumawa ng dahilan para madurog ang puso ko ng ganito.


/> Lumipas ang mga araw ay isinantabi ko ang mga masasakit na salitang paulit ulit kong naririnig ..walang katapusang panunumbat sa akin ni tita.. At mas lalo akong natatakot kapag naiisip kong pano nman kapag si tito na ang magalit sa akin dahil nalaman na nito ang totoo.
Pero pagLipas ng araw ay unti unti naring nababawasan ang sakit na nararamdaman ko kase alam kong sa sarili kong bumawi ako..
Binabawi ko ang mga pagkakamaling ginawa ko. Sa paraang makakaya ko…
Di na ko lumalabas ng bording house para manood ng tv sa halip ay natutulog ako ng maaga para fresh ang utak ko kinabukasan pagpasok ng skwela.
Di na ko pumupunta ng computer shop para maglaro sa halip nakikipaglaro nalng ako sa mga batang nsa loob ng compound ng boarding house namin.. Chinese garter ang pinakagusto ko
Di na ko nagbabasa ng pocketbooks sa halip ay kinukuha ko ang mga libro at nootbook ko para mag araL at magbasa.
Di na rin ako nagsusugal.. Tinipid ko ang sarili ko dahiL dahiL sa nangyare ay sinadya ni titang bawasan ang allowance namin ni long. Pero kahit ganun ay nakakaraos kami
Di na rin ako nagbubulakboL sa halip ay pumapasok ako ng maaga para tumulong sa pagpapaganda ng aming classroom ..
Kaya ko naman palang magbago. Mahirap pero pinipiLit ko. Naalala ko pa ang unang araw pagkatapos malaman ng mga classmates ko ang mga pinagggawa ko ..
Lahat sila nakatingin sa akin na puno ng mga panghuhusga ang kanilang mga mata. May nakangiwi ..may nakangiting pang iinsulto at may mga tumaas ang kilay..
Pero lahat yun ipinagsawalang bahala ko.
TAO LANG DIN AKO. NAGKAKASALA DAHIL HINDI AKO PERPEKTO
-itutuloy.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top