I’M THE MASTER OF THE CEO” CHAPTER 10


(AYA POV)
+ Nandito padin kami sa Meeting room ngayun, nag start na magsalita si Primo, si Cyrus naman naka halumbaba lang dun.
Primo- We need to do something para sa issue na to Primo, Malapit ng matapos ang shooting ng movie mo, it may affect the views.
Primo- as if may magagawa tayo sa utak ng mga tao, paniniwalaan nila ang gusto nila paniwalaan.
Troy- but still, mas maganda kung may magagawa tayo.
Aya- Do you have any idea Sir.
+ tumingin na naman si Cyrus, yun talaga lahat na ni react-an.
Troy- I am thinking of a Pressconference.
Primo- What? At anong sasabihin ko? Pasensya na kayo, naaksidente ang daddy ko? Pasensya na kayo, hindi ko agad sinabi sa inyo?
Troy- Its not what I mean. We will just hold a presscon to announce and for apologies.
Hindi lang naman para sayo to, para din sa Zentro, ikaw ang pangunahing talent ng Agency you need to be responsible for this.
+ hindi na lang umimik si Primo. Sa tingin ko naman may point si Troy sa bagay na to, mas mabuti na ang marinig ng tao ang side nya, things like this kasi nakakapag create pa ng dahilan ang rivalry para manamantala.
Troy- I am thinking kung pwede bukas nadin agad.
Primo- Ano? May hinahabol ba kayo?
Troy- ano pa bang hihintayin? The Movie will out soon, atsaka isang linggo na ang issue na yan, its normal na makipag usap sa press regarding sa ganan.
Aya- wag po kayo mag alala, we will try our best.
Nagkatinginan kami ni Primo, Pagkatapos ng meeting sumunod agad ako kay Primo, papunta sya sa dressing room nya, pagdating nya dun mabilis syang umupo at sumandal sa bangko.
Aya- Sir.
Primo- hm?
+ lumapit ako sa kanya, humila ako ng isang banggo at umupo sa gilid nya.
Aya- sa tingin ko naman tama ang sinabi ni Sir Troy. Mas mabuti na yan kesa manahimik lang.
Primo- hindi yan ang iniisip ko, pano kung ng dahil sa idea na yan mas lumala pa ang sitwasyon? Alam nyo time forgets everything, pwede namang hintayin na lang na humupa ang issue. Isa pa.
+ tumingin sya sakin.
Primo- anong sasabihin ko??
+ natawa ako ng bahagya.
Primo- tinatawanan mo pako.
Aya- hindi naman po sa ganun. Para san pa po na may PA ka? Andito ako o.
+ tinaasan nyako ng kilay.
Aya- ako ang bahala, basta tiwala ka lang sa sarili mo.
+ alam ko kung bakit sya ganto eh, simula kasi nung magtrabaho sya sa Agency namin, never pa nagkaron ng mga gantong issue, ang bawat presscon ay para lang sa mga promotion nya ng movies or anything, at alam ko rin hindi naman talaga ganun kadali lalo na at personal ang pinag uusapan ngayun.
Aya- Sir, alam kong mahirap para sayo iopen ang mga personal na bagay, pero isipin mo to hindi para magpaliwanag at kumuha uli ng atensyon sa fans, kundi dahil this is your responsibility. Influencer ka kaya buhay mo na ang humarap sa camera, at naniniwala akong kaya mo.
+ bumuntong hininga sya, inikot nya ang upuan nya at humarap sakin, sabay hinigit nya rin ito palapit sa kanya. Kaya ngayun magka harap na magkaharap kami, lumapit pa sya ng kaunti, ngumiti ako sa kanya.
Primo- Gano ka ka sure? Ilang percent?
Aya- 100 percent.
+ napangiti sya at tumungo.
Primo- Kelan ka pa natutong ngumiti ng ganyan sa mismong harap ko?
Aya- hehe, sorry po.
Primo- Bakit? Mas better yan, nakakawala ng pagod.
+ tinawanan ko na lang sya at pinitik sa noo.
Aya- Sir, magsisimula ka na naman.
+ tumagilid na uli sya ng upo at hinigit uli ako sa gilid nya sabay ipinatong ulo nya sa balikat ko.
Primo- dyan ka lang, just give me 5 mins bago tayo umuwe.
+ pumikit sya, pinagmasdan ko lang sya sa salamin, nakakapagod naman kasi talaga ang mag isip ng mag isip. Hindi ko naman dapat pansinin pero haha, ang gwapo nya kahit tulog, nakita ko naman na yun dati pero ngayun ko lang napag tanto. Hinayaan ko lang sya magpahinga total tapos naman na ang shooting nya
(TROY POV)
Cyrus- Kuya!!!
+ nagugulat na lang ako tuwing sumisigaw sya hahaha, kadadating lang namin ngayun dito sa Condo ko.
Cyrus- KUYA!!!
Troy- bat ka ba sigaw ng sigaw dyan, sandali at may inaayos lang akong papers dito.
+ nakita ko sya nag iikot ikot dun sa mga gamit ko, pati sa kwarto ko. Haha naiisip ko yung kanina, sigurado ako pag nagtagpo sila pag uwe ni Aya mamaya isang malakas na sampikol ang sasalubong sa kanya. Pagkatapos kong ilagay sa folders ang ilang papers pinuntahan ko na sya.
Cyrus- wow kuya, ang laki nito, ganto rin ba ang kay Aya.
+ babatukan ko pa lang sya pero nakailag agad sya.
Cyrus- nyeeee.
+ tinawanan ko na lang sya.
Cyrus- grabe to, ang daming Awards and Certificates, mahihiya yung Agency ko dito kuya.
Troy- dito pa lang yan, pano pa yung nasa Agency?
Cyrus- grabe, baka naman may pa blowout ka mamaya hahahah.
Troy- oo ba.
Cyrus- ayun, ayos ka kuya.
Troy- ewan ko sayo.
Cyrus- sandali nga pala.
+ ayan na naman sya, pumunta muna ako sa kusina para kumuha ng mamemeryenda, naka sunod naman sya.
Cyrus- Magpaliwanag ka nga kuya, Ano yung sinabi mo kanina na PA lang nung mayabang na yun si Aya?
Troy- kung ibaba mo kaya muna yang bag mo bago ka chumismis?
Cyrus- ah, oo nga pala. Saglit.
+ binaba nya sa sofa at lumapit uli sakin.
Cyrus- So, anong paliwanag.
Troy- yun na yun.
Cyrus- kuya naman eh.
Troy- hayyy, ayun nga, nag apply sya kay Primo bilang PA.
Cyrus- Ha? Tinanggap naman nya, hindi ba nila alam na Millionarya yun si Aya? Naku tapos kung utusan nya kanina!!! Sasapukin ko yun pag naabutan ko pa ulit na ganun, naku sinasabi ko talaga sa kanya.
Primo- Si Aya ang may gusto nun.
Cyrus- ha? Sabihin mo nga sakin ang totoo kuya.
Troy- ano?
Cyrus- Nag drugs ba si Aya?
+ hahampasin ko sana sya ng kutsara.
Troy- sinasabi mo dyan, ikaw ang mukang naka drugs dyan ih.
Cyrus- eh bat nya nga ginawa yun?
Troy- alam mo, wag ako ang kulitin mo, hintayin mong makauwi si Aya at sya ang tanungin mo. Sa ngayun, i tahimik mo yang bibig mo at kumain ka na lang muna.
+ tumahimik na nga sya pero isang subo pa lang ayan na naman haha, ang dami nya kwento simula pa lang nung unang dating nya sa UK, kaya maninibago talaga ko kapag biglang nanahimik ito haha. After 15 minutes, pumunta ako sa room kung nasan ang mga monitor ko at nakita kong pumasok na sa Condo nya si Aya. Lumabas ako ng kwarto.
Troy- Andyan na yung kanina mo pa binibwisit .
Cyrus- ha? Pano mo alam?
Troy- basta, katukin mo na dun.
+ mabilis syang tumakbo palabas, sumunod naman ako agad. Kumatok sya ng kumatok, ng buksan ni Aya.
Cyrus- AYA! AAAAA!! ARAY!!!
Aya- Halika ditong bano ka.
Cyrus- aray ko!! Masakit dyan.
+ hinila sya sa tenga ni Aya papasok haha, buti nga.
Aya- ikaw ha, hindi ka makuha sa isang tingin.
Cyrus- bakit ba? Nagulat ako ih.
(AYA POV)
Aya- Ang kulit mo talaga, ano ba ginagawa mo dito?
Cyrus- nagbabakasyon ako ano ka ba?
Aya- Troy, tinanggap mo to? Pulubi to diba.
Troy- hahaha, ewan ko ba.
+ dumikit agad sakin si Cyrus at niyakap ang braso ko.
Cyrus- hmmm, na miss kita.
Aya- Para namang kinamusta mo ako ever.
Cyrus- eh alam mo naman, dami ako ginagawa ih, yaan mo na lagi naman kita iniisip haha.
Aya- baliw ka.
Troy- sabay sabay na tayo kumain.
Cyrus- gusto ko may alcohol haha, sige naa kuya.
Troy- oo na, marami pa naman sa ref ko, pampa antok.
Cyrus- haha di ka pa din nagbabago.
+ pumunta kami sa condo ni Troy. Sa...


totoo lang parang bunsong kapatid ko na ang taong to. Inihanda na ni Troy lahat ng makakain at maiinom namin haha, minsan lang naman to kaya okay lang.
Troy- Hoy, hindi natin pwedeng lasingin ng sobra yan si Aya ha. May mahalga pang gagawin bukas.
Cyrus- sus, parang di mo kilala yan kuya, eh mas malakas pa yan sayo.
Troy- ano?
Cyrus- haha biro lang.
Troy- baka gusto mo ng uppercut.
Cyrus- abaaa talagang hinahamon moko, hoy kuya, nag gigym ako para sabihin ko sayo.
Troy- wala akong pake.
+ hahaha, parang dati lang nawawala ang pag ka seryoso lagi ni Troy pag sya ang kasama. Nagkalbitan na lang sila ng kalbitan haha.
Cyrus- alam nyo kuya, etong mga gantong inumin masarap to sa may makikita kang magandang tanawin sa isang rooftop.
Troy- Ewan ko sayo. Aarte ka pa dyan
Aya- Guyss Actually……
+ nakatingin sila pareho sakin. Haha
30 Minutes Later.
Cyrus- wahhhhhh!!!? grabeeee!!!!! ang ganda!! Ito mismo ang tinutukoy ko. City Light, sa rooftop!!
Troy- Ang ingay mo. Sya nga pala Aya, kelan pa to?
Aya- ahhh sorry ngayun ko lang sinabi, Pinaghanap ko kasi si Edward ng matutuluyang Apartment.
Troy- bakit? Ayaw mo ba sa Condo?
Aya- hindi, this is for emergency lang.
Troy- Wag mong sabihing dadalhin mo dito si Primo!!!
Aya- ano ka ba! Syempre hindi.
+ teka bat nga ba ko humanap ng ganto?
Aya- hindi kasi, napapadalas na ang daming nagtatanong kung san ako nakatira kaya mabuti na yung handa.
Troy- sigurado ka ha.
Cyrus- bakit? Baka gawan ka ng kalokohan ng Primo na yun ha.
Aya- hindi nga, bakit ba galit na galit kayo kay Primo.
Troy- hindi naman sa ganun, iniingatan ka lang.
Aya- suss. Halina nga kayo, simulan na natin yan, dami nyo satsat ih.
+ inayos na nga namin ang mapag pepwestuhan. Nakakatuwa, ngayun lang uli kami nagkasama samang tatlo.
Cyrus- tanda nyo ba yung huling inuman natin? Hahhaha nag iiyakan tayo kasi na bankrupt yung Agency. Hahahhah
Troy- ahh, hahahaha oo nga.
Cyrus- anong oo nga, dalawang tagay ka pa lang tulog ka na eh, si Aya kausap ko.
+ ngali ngali syang sipain ni Troy hahaha, maya maya naman sumeryoso na ang usapan, tungkol na nga sa pagig I’m ng PA ko kay Primo, ilang beses nila akong sinabihan na mag resign, si Troy naman paulit ulit na bibilhan nya daw ako ng bahay sa isang Province haha, pero alam ko naman sa sarili kong hindi ko magagawa yun, hindi ko sya pwedeng iwan sa ere lalong lalo na ngayun. Aba, after ng bonding, guess what ako pa ang nag drive para sa dalawang to pauwe ng Condo, sabagay, antagal narin nga kasi. Ng maihatid ko sila at nagsilagapakan sa kama umuwi narin ako sa condo at nagpahinga, after isang oras, hindi ako ganun Makatulog agad, naiisip ko kung pano ang mangyayare bukas, alam kong iniisip parin nya yun hanggang ngayun, kaya tinext ko sya ng mga pwede nyang sabihin, pati mga pampalakas sa loob ng words, sige lang ako sa pag send ng send, hindi sya nagrereply, siguro nakatulog narin pagbabantay sa ospital, matutulog na sana ako pagkatapos ng mag reply sya. Matulog na daw ako at wag na mag tetext haha. Hanggat kasama nya raw ako, kaya nya gawin lahat!!! Umay! Napaka Corny ng taong yun, nag goodnight na lang ako at natulog haha. Kinabukasan, sinundo ko sya sa ospital, pagdating ko dun, ready narin sya, niyakap at hinalkan nya pa noo ang Daddy nya. Natutuwa akong makita na okay na okay sya at handa na sya, yan ang Primo na kilala ko, walang inaatrasan. Ngumiti ako sa kanya at sumunod na palabas at sumakay sa Kotse. Sa totoo lang kinakabahan ako, bat ganun ako na naman ang kinakabahan, imbes na sya hahaha. Pagdating don isang tambak na reposter na ang nasa labas ng building, halos kasabay lang naming pumasok sa building sila Troy. Pagkatapos pinapasok nadin nila lahat ng reporters at dinala sa conference room, nasa dressing room kami ngayun ni Primo at inaayos ko ang suot nyang damit.
Aya- Sir, tandaan mo lang lahat ng tinext ko sayo kagabi ha, kayang kaya mo yan, tsaka lahat ng sinabi ko sayo kahapon.
+ tumango lang sya, halata sa kanya na mejo kinakabahan din sya kaya hinawakan ko ang kamay nya.
Aya- kapag kinabahan ka or hindi mo alam ang sasabihin mo, nasa tabi lang ako lagi ng pinto ng conference room, tumingin ka lang, sesenyasan kita.
+ tumango na lang uli sya at tumingin sakin. Hinawakan ko sya sa magkabilang pisngi.
Primo- Bakit?
Aya- kaya mo yan.
Primo- oo nga, mas bumilis pa nga kabog ng dibdib ko dyan sa ginawa mo.
+ napabitaw ako.
Aya- ay, haha sorry po.
+ bumuntong hininga sya at lumapit sakin, hinawakan nyako sa magkabilang balikat at hinalikan sa noo.
Primo- Salamat.
+ ngumiti na lang ako sa kanya.
Primo- pagkatapos nito at okay na lahat. May gusto akong sabihin sayo.
+ tumango na lang ako. Maya maya tinawag na kami ni Steff para pumunta sa conference. Pagdating don and dami agad camerang nakatutok, tinapik ko sya sa likod bago sya umakyat sa stage, lumapit naman sakin si Cyrus at ngumiti. Natanaw ko pa sa bandang likod si Madam Loida at si Allissa. Nagpakilala na at bumati si Troy, pagkatapos ay lumapit na sa Mic si Primo, kinakabahan talaga ako. Lintek na katawan to.
Primo- Goodmorning.
+ parang mga manok na nagsiputakan ang mga reporter after nun, si Troy na ang mismong namili ng mga mag tatanong.
Troy- okay sir, you first.
Reporter- Thank you Sir. Mr. De Chavez, pumunta na agad tayo sa tanong ng taong bayan sa inyo.
Primo- okay
Rep- totoo bang ama nyo ang matanda sa Video?
+ ang aga naman ng tanong na yun?
Primo- Yes.
+ nagsimula na silang mag ingay at magunahan magtanong.
Reporter- kung ganun, totoong hindi nga si Don Enrico ang ama nyo. Bakit nyo ho tinago sa publico. Dahil ba hindi mayaman ang tunay nyong ama?
Primo- hindi totoo yan.
+ ano ba yung tanong na yun, grabe naman.
Primo- its personal. Family matters pero hindi ko sya tinago.
+ nakatitig lang ako sa kanya.
Primo- I cant say kung anong naging dahilan pero, I am sincerely apologizing to all of you. Hindi ko tinago si Daddy, it is his request na mabuhay ng simple at walang kahit anong atensyon galing sa ibang tao, kaya patago lagi kaming nag bobonding, I never expected the accident. Sorry for the commotion, as you all know hindi parin sya gumigising for weeks sa hospital, i dont need your symphaty, pero sana respetuhin natin si Daddy hanggang sa magising sya.
+ tahimik lang sila lahat.
Primo- As you all know, hindi madali sakin lahat to, natatakot ako, kinakabahan pero para kay daddy at sa kaayusan ng lahat, I am telling you all the truth I have because this is my responsibility.
+ tapos tumingin sya sakin, nginitian ko sya at tumango.
Reporter- we look forward sa pag galing ng daddy nyo Mr. De Chavez.
Primo- salamat.
+ mabilis lang ang pangyayare pero malaman ang mga tanong at sagot. Nagpalakpakan ang lahat ng staff ng agency para sa kanya, kaya ganun din ako, nag thumbs up na lang ako sa Kanya, lalapit sana kami ng biglang nag ring ang Phone ko. Kaya sinagot ko muna.
Aya- Hello.
– Maam pasensya na po, hindi ko po kasi Macontact si Sir Primo eh.
+ yung nurse pala na nagbabantay kay Sir Luis.
Aya- bakit? Anong problema?
– Si Sir De Chavez po kasi naghihingalo, nasa operating room na po uli.
+ muntik ko ng mabitawan ang cellphone ko.
– Maam hindi po maganda ang lagay, pumunta na po agad kayo dito.
+ hindi ako naka alis sa pwesto ko at nahagip ng mata ko si Primo, hindi ko alam ang gagawin ko lalo at nakita kong nakangiti sya sa harap ng tao. Para akong napako sa kinatatayuan ko.
Itutuloy…….






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top