Munting Pangarap ni Esang” Kabanata 4


Tanghaling tapat. Maingay sa likod bahay. Andun kase ang mga batang tulad ko at nagLalaro ng Shatong (yung bubutasan yung lupa at ilalagay yung maiksing sanga ng kahoy. At ginagawa namang pamaLo yung mahabang putoL ng sanga ng kahoy).Basta masaya ang Larong ito. Gustong gusto din naming maglaro ng ganito ng mga kapatid ko kaso ayaw ng tito tita ko at delikado daw baka matamaan kame sa uLo ng kahoy.
Masaya kameng nanonood ng mga kapatid ko sa maliit na siwang ng dingding naming gawa sa kawayan sa mga batang naglalaro aa labas. Nakakainggit sila malayang nakakapaglaro samantalang kami heto pinipilit patulugin ng tito tita namin para daw lumaki kame agad. Pinipilit nman naming makatulog kaso di talaga namin kaya ang pagwawalang bahala sa mga tawanan ng mga batang nsa labas. Mahapdi narin naman kase ang mata namin kakapikit at pilitin ang sariling makatulog pero hindi talaga kame makatulog.
“Tara laro tayo. ” yaya ni Long sa amin.Sya lng nman ang mejo may katigasan ng ulo sa amin. Magkapareho sila ng ugali ni Marya kaya siguro magkasundo silang dalawa.
“Wag magagalit si Tita at tito “sabi ni Boboy (ang pinakamabait sa amin)
“Nako! Di nman tayo papahuLi. Dadaan Lang tayo jan sa bintana. “pangungumbinsi pa neto.
“Ayaw ko,”sagot ko agad.
“Ang duduwag nyo”iritang sabi nito
Bigla kameng natahimik ng may naramdaman naming may mga yabag papalapit sa kinaroroonan namin. Agad kameng humiga sa sahig na kawayan(bali may silong po yung bahay) at nagkunyare kaming apat na tulog.
“Alam ko gising pa kayo, matulog na kayo kesa pabangunin ko kayo jan at pagbasahin ng Bible. “sabi ni Tita Sisa
“Bakit kaya Ganun ?di mo maloloko ang mga matatanda haha. “Naibulong ko sa sarili ko habang nakapikit.
Bkit nga pla Bible ang babasahin namin?ah oo nga pla sinauli na ang mga libro sa paaralan dahiL bakasyon na..
Madami pa kong pagmumuni muni at di ko namalayang nakatulog na pla ako.
“Gising na kayo,Hapon na mga Anak ” Yugyug sa bawat isa sa amin ng Tita ko.
“Mag asikaso ka na ng babaonin ng tito at mga kapatid mo para sa pagpapalaot mamaya....


” dagdag pa neto.
Oo nga pla kameng mga babae nLang ang maiiwan sa bahay mamayang gabi dahiL papalaot ang mga lalaki sa amin. Alam ko na kapag masaya si Tita kase pagkatapos naming kumain ay Pupunta kame sa kapitbahay naming may Generator (makinang pinapaandar para pansamantalang magkailaw).. Meron din kase silang tv at may cd player at Dvd. Mga pelikulang pinapalabas tuwing sasapit ang gabi. Kaya nagmamadali akong kumilos para magsaing.
Gabi na at nakaalis na ang mga kapatid at tito ko para maghanap buhay. Tapos narin kameng maghapunan at naghuhugas na ko ng plato
“Marya ‘pumunta ka dun sa AngkeL Mar mo. Tingnan mo kung may palabas sila ngayon”utos neto kay Marya
Agad tumakbo si Marya. Alam na kapag di na bumalik yun ibig sabihin may palabas. Pero kapag agad umuwe yun walang palabas ngayon. Lumipas ang ilang minuto bumalik sya kaya akala ko walang palabas. Nalungkot pa ko kunti. Ngayon nlng kse kame ulit makakapanood. Kapag kase may Pasok kami bawal kaming makinood ng tv sa kapitbahay kase nakakasira daw ng pag aaral ang pagpupuyat sabi ng Tito ko.
“Meron at maganda ang palabas si Sharon Cuneta at Denis Padilla”sabi pa netong nagmamadali at atat na atat ng bumalik.
Mejo natawa ako.
” Loveteam na pla si Sharon at Denis,siguro Maging sino ka man ang pamagat ng palabas’.. sa loob loob ko.sa totoo lng naka 20 replay ko na ata yun sa kakananood. Halos paulit ulit lang nman ang pinapalabas sa kapitbahay namin.
Umalis na kame ng tita ko pagkatapos isara ang pinto ng bahay.. Sabay kaming pupunta sa kapitbahay namin para makinood. Pagdating doon ang daming tao halos di na ko makapasok sa loob. Gusto ko sa loob para mapanood ko ng mabuti ang palabas. Nakapasok naman ako pero bago pa ko makaupo ay nagsalita na si mikmik ang Maldetang pamangkin ng may ari ng bahay.
“Wag kang uupo jan. Ako jan at wag na nga kayung makinood dito ..masyado ng masikip dagdagdag pa kayo” mataray na sabi nito sabay dura sa mukha ko ..
Itutuloy..
last update ko na po muna to ngayong araw.. 🙂






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top