Kung ano ang sinasabi ko ay ito rin ang itinitibok ng aking puso


Kung ano ang sinasabi ko ay ito rin ang itinitibok ng aking puso.
Genre: Romance/Action/Humor/Drama
Written by: RJay II
Chapter 1
Flynn Ganedan IV’s Pov.
“Hannah…” Pabulong kong banggit sa kaniyang pangalan habang nakapupok ako sa aking kwarto. “Mahal kita…”
Hindi ko alam kung paano ko ibigkas ang salitang mahal para sayo dahil tuwing nakakaharap at nakikita kita, nawawalan ako ng lakas-loob. Ikaw ang kahinaan ko.
Si Hannah Mendez ang nag-iisang laman ng aking puso. Siya ay may malusog na pangangatawan, ang kaniyang mukha ay talagang maaakit ka dahil sa taglay niyang kagandahan.
Simula noong ikapitong baitang siya, noong nalaman ko na kasama rin pala namin na sumasakay sa service namin papauwi at papuntang paaralan, nag-iba agad ang tibok ng aking puso.
Hindi ko mapigilang tumabi sa kaniya sa loob ng sasakyan sa tuwing kami’y pauwi na at binubuksan ang bintana sa tapat ko dahil alam kong naiinitan siya pero ‘pag alam kong ayaw na niya ng malamig na hangin para magpapresko ay isinasara ko ng walang imik.
Palagi ko siyang tinitignan at tinititigan kapag iba ang kaniyang tinitignan para maging masaya ang araw ko.
Crush ko siya pero hindi ko masabi dahil tahimik ako pagdating sa kaniya.
Nahihiya ako sa kaniya dahil ang tahimik din niyang tao pero alam kong isa siyang mabuti tulad ng kaniyang ate.
Masayahin ang kaniyang ate at maraming kaibigan.
Mas nauna ako sa ate niya kaya malayo ang agwat namin ni Hannah, mayroon akong kapatid na dalawang babae at ako ‘tong panganay.
Ang bunso namin ay mas nauna kay Hannah pero mas nauna si Hannah ng baitang.
May kumatok ng malakas sa may pinto kaya napa-angat ako ng tingin.
“Pasok!” Malakas kong sigaw kaya nagbukas ng pabalibag.
Napatigil ako dahil nakita ko na naman ang salubong...


na kilay ni Francis, ang babaeng pangalawa sa aming magkakapatid.
“Flynn, pahiram nga yang cellphone mo.” Tawag niya sa akin pero hinayaan kong lumapit.
Sanay siyang tawagin ako sa aking pangalan pero hinahayaan ko kahit na nagmumukha siyang bastos sa iba.
“Sige na.” Tuloy niya at lumakad palapit sa akin.
“Ulo mo.” Salubong ang kilay kong sumbat.
“Ang damot mo, may titingnan lang ako, sige na.” Paliwanag niya.
Kinuha ko ang aking cellphone sa bulsa at ibinato sa kaniya.
“Yabang neto.” Reklamo niya nung nasalo.
“Ibalik mo sa akin ‘yan ng hindi nalow-lowbat.” Paalala ko dahil umalis na sa aking harapan.
“Oi, kuya!” Rinig kong tawag ni Gabby na papasok sa aking silid.
“Mayroong nagbebenta ng pagkain sa labas yung tita ni ate Hannah.” Sabi niya na itinuturo sa labas.
“Tapos anong gusto mo?” Kunot-noo kong tanong.
“Hihingi ako ng pera mo, konti lang dahil sabi ni ate Hannah siya na mambabayad sa kulang ko.” Saad niya na ikinagulat ko.
“Ipapabayad mo sa kaniya?! Gabby may hiya ka pa ba?!” Halos magwala kong tanong dahil nahihiya ako kay Hannah.
“Kakasabi niya lang dahil nasa harapan ng bahay natin, bilisan mo na, mahiya ka naman, pinaghihintay mo pa sila.” Diretso niyang sabi.
Ano?
“Nasa labas s_si Hannah__ay ano? N_nasa labas yung nagtitinda?” Nauutal kong tanong.
“Syempre alangan na papasok sila, hahaha.” Tawa niyang sabi kaya umusok ang aking ilong.
“Bastos neto.” Parinig ko at mabilis na lumabas sa kuwarto bago dumeretso sa labas at napatigil ako dahil sa aking nakita.
Nakagat ko na rin ang aking pang-ibabang labi para pigilan ang ngiting gustong sumiwalay sa aking labi dahil nakikita ko ang maganda niyang ngiti habang kinakausap si Francis.
Anong tamis ng ngiti mo na nakakapalambot ng aking puso, oo, mahal kita Hannah.





1
Share On Whatsapp

Leave a Reply






top