STRIP SERIES 1: SAVANA


STRIP SERIES 1: SAVANA
Author: me
Genre: romance
Wattpad: @eut_channn

SYNOPSIS
Altair Coldwell, A thirty-four year old well-known aircraft pilot who loves tall girl with big booty and boobs.
Not until she met this girl named Savana Isla. A cute size,flat chested girl who gives him different kind of sensation.
He wants to be with her but he needs to save his country first.
He left her to finish his mission but when he came back she’s not his Savana anymore.
@eut_channn

(C H A P T E R 1)
SAVANA’S POV
“EARTH TO SAVANA ISLA!!!” Matinis na sigaw ng dalagang si Avelea. Ang matalik na kaibigan ni Savana mula ng siya ay bata pa.
Tiningnan niya lamang ito ng masama sabay inismiran. Masama ang timpla niya ngayon sa kadahilanang nagmahal na naman ang presyo ng gulay sa kaniyang pinagkukuhanan.
Siya at ang kaniyang matalik na kaibigan na si Avelea ay may mumunting puwesto sa palengke ng Mabini. Ang puwesto niya ay hindi permanente hindi kagaya ng kay Avelea na pamana pa ng magulang nito.
Siya ay ulilang lubos at hindi na rin nakapag tapos ng dahil sa ang pera niya ay kinapos. Kung siya sana ay nakapag tapos nang pag-aaral isa na sana siyang isang sikat na journalist ngayon.
Napabuntong hininga na lamang siya at napatingin sa kawalan ng maalala ang kaniyang pangarap at kabataan. Well, bata pa naman siya lalo na ang height niya na siyang kinaiinisan niya.
Napabalik na lamang siya sa realidad ng may tumama sa kaniyang mukha. Tiningnan niya iyon at isa lang naman iyong kalamansi at alam na rin niya kung sino ang salarin.
Agad niyang binalingan ng tingin ang may sala at iyon ay walang iba kundi ang kaibigan niya pang si Charise na kasalukoyang tumatawa.
“Ano?” Naka ismid at taas kilay niyang tanong dito na mas lalo nitong ikina-halakhak.
Sila ni Charise ay bago pa lamang na magkakilala. Si Charise ang anak ng may ari ng palengkeng pinag pupwestohan nila ni Avelea, may kaya ito at ang balita niya’y malaki ang kinikita nito sa trabaho.
Actually curious siya kung anong klaseng trabaho ang ginagawa nito pero sinasarili niya na lamang sa kadahilanang mapagkamalan pa siyang Marites nito.
“Ang haba kasi ng nguso mo mukha kang pato” Pang asar ni Charise sa kaniya na agad namang ginatungan ng kaibigan niyang si Avelea.
“Hoy, wag ka nga Charise pag iyan umiyak baka mapa-DSWD pa tayo. Tingnan mo namang ang height niyan pang elementary kagaya ng mga bata sa kanto” Dugtong ni Avelea na siyang ikinatawa nang iba pang mga tindera.
Halos umusok ang ilong niya ng dahil sa sinabi nito.
Oo, maliit lamang siya. Kasalanan niya bang hanggang 5’2 lang siya? Sabi nang mga nakaka kilala sa mga magulang nila sa Inay niya siya nagmana dahil kagaya niya cute size din ito.
“Tigilan niyo nga ako!” Naiijis niyang ani at bahagya pang pumadyak na mas lalong ikina-tawa ng lahat.
“Tigilan niyo si Savana baka umiyak” Ani ni Mang Tasyo na naka puwesto sa dulo.
“Mang Tasyo naman e!” Ungot niya.
Hindi niya na lamang pinansin ang mga pang-aasar ng kaibigan at ibang mga tindera. Sa loob ba naman ng limang taon niyang pag titinda dito wala siyang ibang natanggap mula sa mga ito kundi ang walang humpay nilang pang-aasar at pang bobola.
At hindi lang ‘yon, may sama ng loob pa!.
And speaking of nagapasama ng loob nandito na nga siya.
“Good morning byutipol” Ani ng isang tinig na kahit hindi niya lingonin ay kilala niya na kung sino ang may-ari.
Napa-ikot na lamang siya ng mata at hinarap ito sabay ngiti ng pilit.
“Magandang umaga din Guryo” Aniya habang pasimpleng iniikotan ito ng mata.
Kita naman niya sa peripheral vision niya na pigil na pigil ang tawa ng walang hiya niyang kaibigan na si Charise at Avelea.
“Ang gand mo talaga Savana, ur so byutipol layk plawers” Ani ni Guryo habang may papikit-pikit pa.
Muntik na siyang maduwal sa baho ng hininga...


nito na tumatama sa mukha niya.
Jusko! mas mabaho pa ata sa imbornal ang amoy nito.
Isang pilit na ngiti ang iginawad niya dito at bahagyang lumayo dahil baka hindi niya na matiis at maduwal na lamang sa harapan nito.
Si Guryo lang naman ang isa sa mga masusugid niyang manlikigaw kuno. Isa itong trabahante sa pagawaan ng kabinet sa baryo at madalas itong gumagawi dito sa palengke upang pasamain ang loob niya– este bigyan siya ng bulaklak.
“he he salamat” Ani niya kasabay ang pekeng pagtawa.
“Jusko naman Guryo maawa ka, umalis kana sa harapan ko kasi wala pa akong nabebenta.” Ani niya sa kaniyang isipan kasabay ang pagdarasal.
Isa talaga itong sumpa sa kabuhayan niya.
Kahit na may gustong bumili sa kaniya ay walang nagtatangkang lumapit sa kadahilanang takot ang mga ito kay Guryo, barumbado din kasi ito at hindi lang iyon! Madami itong kaibigang kabilang sa paru-paru gin gang. Na kahit umaga pa lang ay tumatagay na.
“Alam mo ba Savana kung sinagot mo lang ako paniguradong hindi kana nagtitinda sa mabahong palengke na ito” Hirit pa nito na siyang ikina init lalo ng kaniyang ulo, gayon din ng ulo ni Charise na anak ng may-ari ng palengkeng ito.
Isang mahabang talong ang tumama sa likod ni Guryo na siyang ikina daing nito at ang salarin ay walang iba kundi si Charise na kasalukoyang umuusok na ang ulo.
Mukhang maagang makaka alis ngayon sa palengke si Guryo,mabuti na lang.
“Hoy Guryo! Huwag mong masabi sabihang mabaho ang ang palengkeng ito e sa totoo lang naman ay mas mabaho ka pa!” Gigil na gigil ma sigaw ni Charise na sinundan pa ng ibang mga tindera samantalang siya naman ay nag c-cheer sa utak niya.
“Go Guys! Kaya niyo ‘yan. Patalsikin nyo ang imbornal sa palengke!” Malakas na sigaw ni Avelea na siyang muntik niya ng ikina-tawa.
Magkaibigan nga silang dalawa,iisa lang kasi ang nasa isip niya at ang mga binitawan nitong salita.
“Huwag ka ngang mangialam dito pango!” Sigaw ni Guryo kay Charise na siyang ikinabigla ng lahat.
Ramdam na ramdam niya ang tensyon sa paligid.
“You press the wrong button,boy.” Seryosong ani ni Charise habang dahan dahang lumalapit kay Guryo habang may hawak na bagong hasang kutsilyo sa kanang kamay.
“Huwag mo akong ini-ingles ingles dyaan Charise! Huwag kang umastang nakaka taas ka dahil isa ka lang din namang bayaran!” Sigaw ni Guryo kay Charise na siyang ikinakulo ng dugo niya.
Bayaran? Anong karapatan nitong sabihan ang kaibigan niya ng ganyan? Kapalastanganan.
Lumabas siya sa kaniyang mumunting tindahan at hinampas niya si Guryo ng tsenilas niyang size 6. Sinigurado niyang malakas ito at babakat sa balat nitong makunat.
“Huwag mong pagsasalitaan nang ganyan ang kaibigan ko Guryo. Wala kang karapatan!” Ani niya dito at dinuro-duro ito ng tsenilas niya.
Tiningnan siya nito ng masama at sinbing,”Tama naman ako e! Isa iyang bayaran bakit hindi siya ng tanongin mo?” Pag pupumilit pa nito.
Tiningnan niya ito ng masama at hinila ang kwelyo ng damit na suot suot nito at agaran niyang hinampas nang pagkalakas lakas ang tsenilas niya sa makapal at nakaka inis nitong mukha.
“Isa pa Guryo. Hindi na ako magtitimpi pa’t babasagin ko iyang nasa pagitan ng hita mo. Huwag ka ng pupunta dito, nagkaka intindihan ba tayo?” Seryosong ani niya dito habang marahan at paulit ulit niyang idinadampi ang tsenilas niya sa mukha nito.
Napalunok naman ito ng mariin at paulit-ulit na tumango at pagkalaon ay umalis na rin na siyang umani ng masigabong palakpakan mula sa mga tinderang nanonood.
Ngumiti naman siya ng malapad at bahagyang yumukod.
“Salamat. Salamat. Tapos na ang palabas” Ani niya at nilapitan si Charise.
Agad itong yumakap sa kaniya ng napakahigpit na siyang kaniyang sinuklian.
“Maraming salamat Savana” Sensirong ani nito habang naka tingin sa mga mata niya.
“Wala ‘yon, kaibigan kita kaya ipagtatanggol kita.” Ani niya at muli itong yinakap.
Ako si Savana, isang munting tindera sa palengke at sabi nila ako ay maganda.
—-
-end.
@eut_channn






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top