Munting Pangarap ni Esang” Kabanata 8.2


Kahit ako’y naguLat din sa tanong ko kay Jino. Hindi nman kase talaga yun ang dapt ay tanong ko.. Iwan ko ba pagkaharap ko si Jino natataranta ako..
Gulat na tumingin sa akin si Jino..
“Hahaha’ui ano ba Joke lang! ” paLusot ko kse dapat MAY KRAS KA NA BA? ang tanong ko sana kaso iba ang lumabas sa bibig ko.
“hahaha. Loko ka kinabahan ako “,sabi nya sabay tawa
Tumahimik ako pero bigLa syang nagsalita.
“Krash ko si Marie.,Esang “sabi nito “Gusto ko nga sana ikwento sayo kaso ayaw mo ko kausapin.”Dagdag pa neto.
Di ako nakaimik. Yung Puso ko parang sinaksak kaya ngayon ay umiiyak.
“ouch” sigaw ng umiiyak kong puso na hindi ko namalayan ay napunta na sa mata ko ang mga luha neto.
“Hala! Ano to? Bulong ko sa sarili ng may naramdamang mainit sa gilid pisngi ko. “Umiiyak ako pero bakit? “tanong ko pa sa sarili ko.
Di nakita yun ni Jino kase nakayuKo ako habang nagkukulay ng project naming dalawa. Palihim kong pinunasan ang mata ko. Ayaw kong ipakita sa kanya na Kras ko sya. Trese anyos palang ako pero bakit ganito? Natural lang ba yun sa tao. Mga tanong sa utak kong di ko rin mahanapan ng sagot .
“Nako’ Esang naturaL lang yan sa isang teenager ang magka kras pero sana wag mong seryusuhin at bata ka pa..alam mo namang malaki ang tiwala ng tito at tita mo sayo. Wag mong kakalimutan na kapag nasira na ang tiwalang binigay sayo ay napakahirap ng ibalik. Maibabalik man pero matagaL ” mahabang pangaral ni Ate Liza sa akin .
“Opo ate Liz. Alam ko nman po yun ” sabi ko dto bilang pagsang ayun.
Naiopen ko kase sa ate Liza ko si Jino. At di na ko nagLihim. Mahirap kaseng wala kang mapagsabihan. Sa tulad kong bata na first time kong makaramdam ng ganito ay napaka HIWAGA para sa akin.
Mahirap nman kaseng magsabi kela ApriL at Mariz. Sa halip na sekreto ay lalo lang akong natatakot mabuking. Pag anjan kse si Jino panay siko nila sa akin.at obyus nman na gusto nila akong ibuking. Minsan tatawagin pa nila si Jino at kapag palapit na sa kinaroroonan namin si Jino ay agad akong aalis. Kunyare may bibilhin o mag ccr ako mga palusot ko.
December na at malapit na ang chrismas party. Kaya todo practice kame ng mga klasmeyt kong sina ApriL, Maris, Marie at...


ako sa pagsasayaw ng HALUKAY UBE.
Ayaw ko nman talaga sumali kaso namn to si ApriL pahamak sa lahat. Ipinalista kay Sir DODO (tawag namin sa adviser naming si Sir Dominic Domino)😂 ang pangaLan ko. Nagulat nlng ako talaga at kasali na ko sa sayaw.. Lahat ng Year sa school namin ay sa labas ng Campus mag ki Chrismass Party. Kaya para daw masaya lahat ng classrooms ay maglalabas ng lamesa para sa paglalagyan ng mga Handa at regalo at dapat daw may Representatives para sa Dance Number.
Si heto na nga kame ..Panay Giling giLing ng Balakang kahit matigas makuha lang ang ritmo sa pagsayaw ng HALUKAY UBE
Christmas party na.
Nakangiti ang Lahat ..lahat nakasuot ng uniform. Yung kase ang sabi ng PrincipaL. Dpat uniform ang isusuot para sa X’mas party. At magbibihis lng ng costume ang mga may Dance numbers at pagkatapos ay magpapalit din agad ng uniform pagkatapos.
“Oh ano? Ok na ba ang mukha ko? Wala ng puLbo? tanong ni ApriL na humarap sa akin.
“Oo. Wala na. Maganda ka na. “sabi agad ni Maris dto.
“Bilisan na natin. Tayo na ang sasayaw. “sabi ko sa kanila.
Andito kame sa CR at nag aayus ng sarili .nakasuot kame ng TUBE NA ITIM AT PANTALON NA PINARISAN NG SANDALS .yun kase ang Costume namin at ang may gusto? Syempre si Marie. Yung kras ni Jino. At iwan ko kung asan na sya. Nauna na syang lumabas kanina kse siguro para magpapansin dun sa labas.
Tinawag na yung section namin at lumabas na kame.
Nag umpisa na ang togtog.medyo kinakabahan ako kase napakadaming estudyante ang nakatingin sa amin..
Hinanap ng mga mata ko si Jino habang nsa gitna kame ng Playgroud para sumayaw. Napansin ko syang nakatingin sa akin ay mali dun sa babaeng nsa likod ko. Syempre ako ang sa harap kse pandak ako.
Nag umpisa na ang togtog. NagsimuLa na kaming sumabay sa indak ng togtog. Helow kahit pangit at pandak ako mas magaling akong gumiling pataas baba kesa sa Muse naming kras ng kras ko. 😂 Ginalingan ko. Para kahit dun mas mahigutan ko si Marie.
Tapos na ang Xmas party namin at sumabay ako sa ate Ron at Ate Liza ko umuwe sa boarding house.
Pagdating namin ay naguLat ako…
Di ko talaga inaasahan to 😭
WAKAS .
Salamat po sa lahat ng readers ni Esang. Dito na po nagtatapos ang kwento.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top