SEÑORITA Chapter 4


Their entourage climbed up the stairs and was ushered to a round table near the buffet table. Kumuha na sila ng pagkain.
“So, Lisbeth, kailan natin pag-uusapan ang mga iniwan ni Ramses?” tanong ni Luchie sa kanyang mama.
“May iniwan ba siyang will?” tanong naman ni Laila. It still fascinated her the way the two other wives deffered to them, especially to her mother.
Sumubo siya ng Peking ducks. “There’s no will.”
Laila shrugged. “I won’t ask much. ‘yong property lang sa Tagaytay ang gusto ko para kay Jonathan. He needs a place to work at maganda ang klima sa Tagaytay.”
“I want to open my own clothing line. I would need about… just a million bucks. Si mama na ang bahala with the rest,” wika naman ni Cresta. “May karapatan naman kami ni Jonathan bilang mga anak, ‘di ba? Besides, legal na mga anak kami.”
Biglang humalakhak ang kanyang mama sa pagkagulantang ng lahat ng kumakain. Inihampas pa nito ang hawak na chopstick sa mesa, tila isang tambol.
“Mama, ano ba? Did you forget to take Prozac again?” pabulong na tanong niya rito.
Nagpatuloy sa pagtawa ang kanyang mama. Maluha-luha na ito at parang drummer ng rock band na gigil na gigil na pinapalo ng chopsticks ang edge ng mesa.
“Tita, you’re making a scene,” wika ni Jonathan.
Gamit ang hawak na chopsticks, dinuro ng kanyang mama si Laila. “Gusto mo ang lupa sa Tagaytay? Sige, tubusin mo sa Bumbay!” Bumaling ito kay Cresta.
“Kailangan mo ng puhunan? Mangutang ka sa Bumbay!” At tumawa na naman ito.
“W-what do you mean, Tita?” tanong ni Cresta. Buwan lamang ang pagitan ng kanilang mga edad.
“Oo nga, Mama. Ano ba’ng sinasabi mo?” segunda niya.
Isa-isang matamang pinagmasdan sila ng kanyang mama. “Walang will na iniwan si...


Ramses. Hindi siya gumawa ng will dahil wala naman siyang ilalagay ro’n.”
“Anong wala?” tanong niya.
Naghalungkat ang kanyang mama sa bag nito? Sangkaterbang sobre ang inilabas nito. “Hayan! Iyan ang pesteng will!” Isinaboy nito sa mesa ang mga sobre.
she took one and opened it. Subpoena iyon. Estafa ang kaso. Two hundred fifty thousand pesos ang halaga ng tumalbog na tseke na in-issue ng kanyang papa.
Kagaya niya ay namangha rin ang lahat ng mabasa ang mga laman ng sobre. Subpoena pala ang lahat ng mga iyon.
Tumingin kay Cresta ang kanyang mama. “Gusto mong magkapera? ‘Yan, i-refund mo ang mga pinampiyansa niya sa mga kasong iyan!” Kung saan-saang lupalop ng Pilipinas nakasampa ang mga kaso.
“Patay na siya kaya wala nang kaso,” wika ni Jonathan.
“At wala na rin siyang natitirang ari-arian,” sabi ng kanyang mama. Tumingin ito sa kanya.” “Nada.”
“W-what do you mean, ‘Ma?”
“Just like I said, there’s nothing left. “Parang na drain bigla sa baterya na sumandal ito sa upuan. “Pati ang bahay at lupa natin,Pajero,vacuum cleaner,at iba pang gamit ay nakasangla.”
“Sigurado ka, Lisbeth?” wika ni Laila. “Pwede kong i-check ang lahat ng ito.”
“I-check mo hanggang gusto mo. Iisa lamang ang madidiskubre mo. Pulubi na kami ng anak ko.”
“Mama!” angal niya. That could not be true.
“Totoo ‘yan, Tilde.” May kinuha nanaman ito mula sa bag nito. Mga resibo ang mga iyon. “Yan ang mga ginastos sa ospital at sa pagpapalibing hanggang cremation ni Ramses. Bayaran ninyo ako ng kaparte ninyo para matubos ko ang mga nakasanglang alahas ko.”
Inagaw niya ang bag ng kanyang mama at kinalkal din iyon. “It’s not here somewhere. I told you to take Prozac before we leave the house.” Baka epekto lamang iyon ng hindi nito pag inom ng medication.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top