My Bestfriend’s Husband Chapter 27


#Mystery_Triller_Romantic_Drama
🥀Step PoV
Ang mabait na Stephanie.
Kalalabas lang ni Chairwoman at naiwan lang kami ni Andrew sa kwarto ito. Naakward ako pero wala na akong magagawa pa.
“Kasalanan mo to eh. ” Galit na sabi saakin ni Andrew
Hindi ko sya pinakinggan at nahiga nalang ako.
” Ayaw kung maki pag away sayo. Kaya matutulog nalang ako. ”
“Bakit pa kasi Hindi mo pa maalala kung saan ang kaibigan mong si Megan. Para tapos na ito para hindi na ako nahihirapan ng Ganito.”
Mainit parin ang ulo ng lalaking ito. Nakakainis na.
” wag kang atat jan. Nagloloading pa ang memorya ko. Hintay hintay lang pag maytime. Okey. Eh sa wala pa akong maalala eh. ” Pikon kong sabi kay Andrew. Ang kulit kasi nya nitong mga nakaraang araw. Pinipilit parin nyang maalala ko ang lahat. Anong magagawa ko hindi ko parin maalala ang lahat.
“Idi palabasin mo yung sumasapi sayo. Para masabi nya saakin kung saan nagtatago si Megan. ”
Ayan nanaman ang kakulitan nya.
“Diba sinabi ko Hintayin mo nalang sya. Bigla bigla lang yun susulpot pag naka idlip ako. Kaya patulogin mona ako para naman magpakita na sya sayo . Sigi good night.” Inis kong sabi at tinalikuran sya sa pagkakahiga ko.
” tutulogan mo ako?” Inis ding sabi ni Andrew
” Sabi mo gusto mong makausap si Tiffany. kaya matutulog ako. Para maka usap mo sya. Naiintindihan mo?”
“Dalian mo matulog kana . para lumabas na si Tiffany” sbi pa nya .
Hindi na ako kumibo pa at pinilit kong makatulog.
😡Andrew POV
Napa upo lang ako para hintayin na magpakita si Tiffany.
Magtatatlong oras na pero hindi parin nagigising si Stephanie habang naghihintay ako ay diko namalayan na nakatulog na pala ako.
Pero ng maka idlip ako ay may naramdaman akong lumabas. Kaya bigla akong bumangon. Wala na sa higaan si Stephanie. Saan sya nagpunta? Di kaya nagising na si Tiffany? Ung isa pa nyang personality?
Agad ko syang sinundan pero hindi ako nagpahalata na sinusundan sya. Saan naman kaya sya pupunta? Ano ba ang pinaplano nya bakit sya pupunta sa rooftop?
Paakyat sya sa rooftop ng hospital hindi parin ako nagpapahalata sa kanya. Pero bigla akong kinabahan dahil parang tatalon sya sa rooftop.
Sa subrang takot ko ay nagmadali akong hilahin sya at nyakap sya ng mahigpit.
“Ano ba! nahihibang kana ba? Magppakamatay kaba?”
Galit kong sabi kay Stephanie at kita ko sa mga mata nya ang mga luhang kanina pa nya pinipigilang pakawalan.
” Bakit mo ba ako pinigilan! ” Sigaw nya saakin. At ramdam ko ang bigat na nararamdaman nya ngayon. Bakit ba sya nagkakaganito?
“Bakit mo ba ito ginagawa? Anong dahilan at gusto mong tumalon sa Rooftop. Bal*w kana ba? Nasisira*n kana ba ng bait? Bakit magpapakamatay ka?”
Sigaw ko nnaman sa kanya para matauhan sya sa binabalak nya.
” Ano naman ang paki mo. Kung mawala na ako sa mundo” naiiyak na sabi ni Stephanie. Hindi ko masiguro kung sino itong kinakausap ko ngayon? Step ba ? O si Tiffany. Pero kanina mahinahon lang si Step. Ibig sabihin si Tiffany ang kasalukuyang kaharap ko ngayon.
” oh! Eh bakit mo sya isasama? May kanya kanya kayong buhay. Kung magpapakamatay ka paano ung isa, paano si Step na gusto pang mabuhay,
baka gusto nyang mabuhay. Nag iisip kaba? Wag kang maging makasarili. At saka hindi mo pa nasasabi saakin kung saan ko mahahanap si Megan. ”
Galit kong sigaw sa kanya.
“paano kung nasa harap mona si Megan , Anong gagawin mo?” Seryusong sabi saakin ni Tiffany.
Hindi ako makapag isip. Ang dami kong gustong itanong kay Megan kong sakaling magkita na nga kami..
“Sabihin mo anong gagawin mo kung nasa harap mona ang asawa mong si Megan”. Inulit pang sabi nya saakin.
“tatanungin ko sya kung bakit nya ako iniwan? Bakit ituturo mona ba saakin kung nasaan si Megan.”
Tanong ko sa kanya.
“Paano kung ako si Megan? Maniniwala kaba?”
Seryusong sabi nya saakin at nakatitig pa sa mga mata ko. Maniniwala ba ako sa sinabi nya? Pero imposibling sya si Megan. Niluluko ba nya ako. Malabong maging sya si Megan.
” Nababal*w kana ata. Nakadr*gs kaba? Bumaba na tayo. Halikana wag monang balaking magpakamatay. Baka multuhin ka ng may ari sa katawang yan.”
Pabiro kong sabi sa knya kahit hindi naman nakakatawa ang bero ko.
Hinila ko na sya pababa ng Rooftop hindi ko sya binitawan pa. Baka magtangka syang umakyat ulit at ihulog ang sarili sa Rooftop.
” eh kung malaman mong Magkapated tayo? Anong gagawin mo?”
Sabi nanaman nya saakin habang pababa na kami sa hakdan.
Ano ba ang pinagsasabi nya. Malala na ba...


ang sakit nya sa utak. Ano tong pinagsasabi nya.
“May say*d kana ba sa utak. . Isusumbung kita kay lola sa ginawa mong tuh. Paano nalang kung nakatulog ako ng tuloyan. Ano na ang mangyayari sayo? Kung di ako nagising pinaglalamayan kana ngayon. ”
Pag iiba ko ng usapan kasi naman kung ano ano na ang mga sinasabi nya.
” seryuso ako sa sinasabi ko!” Sabi pa nya saakin.
” seryuso din ako! Kaya wag mo na itong uulitin pa.”
Pasigaw kong sabi kay Tiffany.
“Ikaw ang hindi sumeseyuso” (dagdag ko pang sabi) ” paano mo ako mapapaniwala na ikaw si Megan. ovious naman na hindi ikaw si Megan dahil ikaw si Stephanie. at hibang kaba paano tau magiging magkapated? Nasisira*n na ba yang utak mo at kung ano ano na ang pinagsasasabi mo? ”
Naiinis kong sabi.
“Totoo ang sinasabi ko. ” Pamimilit paring sinasabi ni Tiffany.
“wag mo ulit sasabihin saakin na magkapated tayo. At lalong wag na wag mong sasabihin na ikaw si Megan. Dahil malabong mangyari na ikaw si Megan. itulog monga lang yang kapraningan mo. ”
Nakabalik na kami sa kwarto at pinahiga kona si Stephanie
“Matulog kanalang bukas na kita kakausapin. ”
Sabi ko sa kanya.
” Bakit hindi mo parin ako binibitawan?”
Napansin ko rin na hindi ko nga pala nabibitawan ang mga kamay nya.
” Baka kasi tumakas ka at ituloy ang pagpapakamat*y mo ako pa ang sisihin ni lola. Bakit kasi naisipan mo pang magpakamat*y. Nagsasawa kana ba sa buhay mo? ”
Galit galitan kung sabi. Pero ang totoo natatakot ako sa ginawa nyang pag papakamatay.
” Gusto mo bang ituloy ang batang nasa sinapupunan ko?” Tanong saakin ni Tiffany na may lungkot sa mga mata nya.
Hindi ako makasagot sa tanong nya.
Hindi ko alam ang isasagot ko?
” Bakit gusto mo ba yan ipalaglag? Ang tanong gusto rin bang ipalaglag ni Step ang batang nasa sinapupunan nya? ” tanong ko din sa kanya
Umiling si Tiffany.
” oh! Ayaw naman pla nya. Eh bakit ikaw ang nagdedesisyon? Iisa lang kayo pero wag kang maging makasarili. Naghahati kayo sa iisang katawan pero sana man lang wag kang ganyan may sarili ding buhay si Step kagaya mo! ”
Mahinahon kong sabi sa kanya.
“Tinatanong kita kong gusto mo ba ang batang tu?” Biglang tanong ulita.
Natahimik nanaman ako ano ba ang isasagot ko? Hindi ko alam kong tanggap ko ba ang batang dinadala nya? Hindi ko alam kung anong isasagot.
“Bakit ako ang tinatanong mo. Sigi pag ilaglag mo yan lagot ka kay lola. Gustong gusto pa naman nyang makita ang apo nya sa tuhod.”
Yun nalang ang nasabi ko wala akong maisagot eh.
“Ang tanong ko kung gusto mo ang batang nasa sinapupunan ko? Bakit dinamay mo pa sa sagot mo si Lola.”
Inulit pang tanong nya saakin. Hindi ko parin alam kung gusto ko ba ang batang yan kung tanggap ko ba ang bata.
“Ang batang nasa sinapupunan mo, karapatan nyang mabuhay. ”
Yun nalang ang naisagot ko kay Tiffany.
” kung ganon gusto mong mabuhay ang batang to?” Tanong nanaman nya saakin.
“sempre naman gusto ku syang mabuhay. Dahil karapatan nyang mabuhay kaya ikaw alagaan mo sya sa sinapupunan mo. Maliwanag!”
Galit kong sabi.
” Bakit?” Bakit ba tanong sya ng tanong.
“Bakit tanong ka ng tanong? Gisingin mo nalang kaya si Step. Mas gusto ko pa syang kausap kesa sayo. Nakakatakot kang kausap.”
Pagrereklamo ko kay Tiffany. Totoo naman lahat nalang ng lumalabas sa bibig nya napapa isip ako at nakakatakot pa ang mga sinasabi nya.
Nakita kong ngumiti sya pero matipid na ngiti yung sapilitan pa.
“Alamo pariho kayo ni Vensent , ang dali dali nyong mapikon.”
“Speaking of vensent alam ba nya na dalawa kayong nabubuhay sa katawang yan. Siguro naiisip nya na nababal*w ka. ”
Kita kong natatawa sya.
” oh! Anong nakakatawa! Kanina para kang namatayan ng pusa sa kakaiyak mo tapos tatawatawa ka na? Di kaya totoong bal*w ka?” Pang aasar ko sa kanya
” Sa tingin ko nga nababal*w na ako dahil pinaabot ko pa sa ganito ang setwasyon. Dahil sa kabaliw*n ko umabot sa ganito ang lahat. ” nging seryuso nanaman sya.
“Anong ibig mong sabihin?” Bigla akong nalito sa mga sinabi nya. Ano ba ang ibig nyang sabihin?
“wala matutulog nalang ako. Good night. ”
Umayos sya ng pagkakahiga. Hindi ko parin binibitawan ng kamay nya.
Natatakot ako na baka ulitin nya ang ginawa nya kanina. At ayaw kong mangyari yun.
Dahil sya ang daan para makita at makasama ko ulit si Megan. Sya lang ang pag asa ko para mahanap si Megan.
To be continue.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top