KATE’s POV:
BINUROL na si Michael.
Binural ko siya sa mismong bahay na tinirhan namin dati.
Yung bahay na sinalba ni David kasama ang bahay ng mga taga-rito.
Oo, hindi ito tuluyang sinira dahil nga binayaran ng lalaki ang lupa para mapaalis ang mga tao.
Noon, halos kabutihan lang ang nakita ko sa kanya. Ito ang naging hudyat para mahalin ko siya.
Pero dahil sa nangyari sa mga anak ko, yung pagmamahal ko biglang nawala at napalitan ng galit.
Nakaupo lang ako malapit sa kabaong ng bata.
Pinagmamasdan ko ang nakangiti niyang litrato.
Kahit anong pilit ko na maging matatag, kusang pumapatak ang luha ko sa tuwing iniisip ko na hindi na babalik ang anak ko.
Hindi na babalik si Michael.
Hindi ko na siya makakasama pa.
Hindi ko na siya makakausap pa.
Hindi ko na siya mahahalikan pa.
Hindi ko na maaamoy ang kili-kili niya kapag napapawis ito.
Yung mga dati kong nakasanayan, biglang naglaho na parang bula.
Tahimik na sana ang burol ni Michael.
Tahimik na sana ang paligid, kaso may dumating na mga armado.
Nagsialisan ang mga tao nang magwala ito. Yung upuan, sinisipa nila.
Pati yung pagkain na dapat sana sa lamay, tinapon nila.
“ANO BA?! TUMIGIL KAYOOOO! TIGILAN NIYO NA AKO!”, malakas kong sigaw habang pinipigilan sila.
Hanggang dito ba naman, sisirain nila ang huling araw ng anak ko.
Hanggang dito, patuloy nilang sinisira ang buhay ko.
“SABI NG TUMIGIL NA KAYO! KAHIT MAN LANG SA ANAK KO, TIGILAN NIYO NA! HINDI BA KAYO NAAWA HA?”, turan ko ulit.
“Pasensya na Missis, pero sinusunod lang namin kung ano ang utos sa amin.”, wika ng isa.
“S-sinong nag-utos?”, tanong ko sa kanila.
“Si Sir David ho. Siya mismo ang nagsabi na paalisin ang mga tao dito.”, sagot niya dahilan para mapaatras ako ng konti.
Si David?
Si David ang nag-utos?
Bakit niya ba ginagawa ‘to sa amin?
Akala ko ba mahal niya si Michael?
Akala ko ba mahal niya ako?
PERO P*TANGINA! BAKIT?!
“Hayop. HAYOP KA DAVID! HAYOP KAAAAAAAA! HAYOPP KAYONG LAHAT! HAYOP! MGA HAYOP KAYO!”, bulyaw ko na may malutong na mura.
Ako na mismo ang kusang nagwala dahil tuluyan ng sumiklab ang galit ko.
Nababaliw na ako.
Parang gusto kong pumatay ng tao.
“Saan niyo dadalhin ang anak ko ha? Bitiwan niyo siya!”, bigkas ko nung buhatin nila ang kabaong.
Pero hindi nila ako pinakinggan dahil tuloy-tuloy pa rin sila sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa gilid ng kalsada.
Ibinaba na nito ang kabaong at iniwan kami.
Wala akong choice kundi ang mapaluhod.
Hindi ko na mabilang kung ilang beses nila akong pinasakitan.
Lahat sila, walang awa! Lahat sila, walang puso! Kahit patay na ang anak ko, hindi pa rin sila tumitigil.
“Pangako anak, ibabalik ko sa kanila ang ginawa nila...
nakita ko ang paano ang pag hihiganti ni kate