MY FIRST LOVE


MY FIRST LOVE”
“Babe anong course ang kukunin mo?” tanong sa akin ng girlfriend ko.
She’s Kishea, mag 3 years na kaming mag-jowa. Ganon pa rin ka strong ang relationship namin tulad ng dati, walang nag-iba sweet pa rin sa isa’t isa.
“Ako? Hmm…”
“Ano nga? Pinag-iisipan pa eh.”
“I want to be a doctor.” I said and smiled at her.
“Why do you want to be a doctor?”
“Dahil gusto ko magka-anak ng babae at lalaki.” tumawa na lamang ako at siya naman ay biglang nawala sa mood nya.
“Sa tingin mo nakakatawa yun?” seryoso nyang sabi.
“Sorry na po!”
Hindi naman talaga ganon ang rason kung bakit gusto kong maging doctor. Gusto ko maging doctor dahil para makatulong ako sa may mga taong may sakit at yun talaga ang gusto kong kurso nung una pa lang.
“Ikaw ano gusto mong kunin na kurso?”
“I want to be your nurse.”
“Nurse? Why?”
“Gusto ko mag-nurse para makasama kita, para mabantayan baka may lumandi sayo sasapakin ko pa.”
Hindi ko maiwasan na tumawa sa kanya, gusto nya maging nurse para mabantayan ako at baka may lalandi sa akin. I’m happy because I have a girlfriend like her, sobrang kulit.
“Kaka-overthink mo yan babe.” I hugged her.
“Don’t worry babe, hindi naman ako magpapalandi sa kanila noh. Syempre may girlfriend akong selosa.”
Alam ko naman kung bakit sya nagseselos at ang lagi nyang sinasabi…
“Alam ko na ako ang una mong gf at ikaw ang first bf ko. So, be my last and stay with me.”
Yan ang dahilan kung bakit ayaw kong...


makikita ang gf ko na nagse-selos.
10 years later…
I’m a doctor now. I have my own house and my own clinic. All my dreams come true except one.
“Dr. Enriquez, emergency po. May manganganak na babae sa labas, kailangan ka po.” nagmamadaling sabi ng nurse sa akin.
“Okay papasukin mo sya sa delivery room.” dali-dali akong nagbihis at pumunta sa delivery room.
Pagpasok ko, agad akong nagsuot ng gloves at hinanda namin ang mga gamit para sa mga baby. Nalaman ko na kambal ang kanyang anak, lalaki pa at babae.
Makalipas ang ilang oras, nagising na din ang babae at agad na hinanap ang kanyang anak na kambal.
“Doc, nasaan ang kambal ko?” tanong nya sa akin.
“Misis magpahinga po muna kayo, nasa NICU po ang anak nyo.”
Napatitig na lamang sa akin ang babae.
“May problema po ba misis?” tanong ko sa kanya pero wala man lang syang sinabi. Aalis na sana ako nang biglang may sinabi sya…
“Michael? Is that you?”
“It’s been a long time, Kishea. It’s nice to meet you again.” I smiled to her even it’s hurt seeing your girl before with someone at makita mo na sa iba nya tinupad ang mga pangako nyo dati.
“By the way, congrats Mrs. Santiago, malusog po ang kambal. Mauna na din po ako, congratulations again.” I walked out and my tears started to flow.
Masaya ako dahil natupad nya ang mga pangarap nya pero hindi nga lang ako ang kasama nya. She’s my first and my last. I will never love again.
Words by: Avianna Schyx
Enjoy reading!






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top