My Girl:The Beginning Chapter 01


My Girl:The Beginning
Status:On going
Chapter 01:Transferee
Cj’s POV
Knock!Knock!Knock!
Aghh!ang sakit ng ulo ko.
“Miss Cj bumaba na daw po kayo sabi ni Miss Nicole,nakahain na po ang umagahan!”sigaw ng maid namin habang kumakatok.
Umupo ako sa higaan ng hindi minumulat ang mata.Kinuha ko ang cellphone ko sa gilid ng kama saka pasimpleng nagmulat.
‘8:01’
Ang aga pa huhuhu.
“Manang bakit daw po?!”sigaw ko pabalik at nagsimula ng humiga ulit para matulog.
“Malalate na daw po kayo!”
Malalate wala naman kaming pupun-
“First day niyo daw po ngayon sa Aleria!”
Aleria?ah ngayon pala-
Napabalikwas ako Ng bangon at mabilis na tiningnan ang date”Shit!”bumangon agad ako at dinampot ang towel.
“Manang pakisabi po susunod Nako!”
Pumasok nako sa banyo at sinimulan maligo at mag-ayos,pagkatapos ay dumeretso ako sa walk in closet.
“Nasan na ba kasi yun?!”tarantang sambit ko habang naghahalungkat.
Nawawala uniform ko!pota yan.Teka..
“Ayy stupid me”Sabi ko at napa facepalm, naghanap na lang ako ng ibang maisusuot.
Naalala kong Hindi ko nga pala nakuha kahapon dahil niyaya ako ng mga barkada ko sa bar.Binilisan ko lang ang pagbihis at kinuha na ang bag ko.
Humarap muna ako ng madali sa salamin saka nagayos ng buhok.
Pagbaba ko naabutan ko si Cole na nagbabasa ng libro habang umiinom ng kape,napansin naman niya ako kaya mabilis siyang humarap sakin at lumapit.
“Morning lazy head”bored niyang bati at may inabot na papel habang nakatingin sa libro.
“Morning,what’s this?”
“Your schedule and the things you need to buy”
Ahh hihi ang sweet talaga ng best friend ko.
Ngumiti ako ng malaki sa kaniya at akmang yayakapin ng bigla siyang tumalikod,napasimangot naman ako.
Bastos na bata.
“Thank you ha ang sweet mo!”sarkastikong sabi ko.
Humarap siya sakin saka ngumisi at taas noong nag welcome habang hawak ang salamin niya sa mata at saka tumuloy sa paglabas.
Tss,pwet mo.
Kumuha muna ako ng hotdog at saka tinapay bago lumabas,naabutan ko naman siya na nasa tabi ng sasakyan ko at tutok na tutok sa binabasang libro.
“Anong bang binabasa mo at parang ayaw mong maistorbo?”tanong ko habang pasakay ng kotse,ako magdadrive.
“Obviously words bhie”she said and rolled her eyes.
“Gaga!alam kung words ang binabasa mo,what I mean is tungkol saan ang binabasa mo!”I said half shouting and started the engine.
She sighed.
“It’s about a woman who suffered from trauma,when she was 7 her mom and dad died because of a car accident..”
Car accident?hmm..why do I feel uneasy with that thought..
Patuloy parin si Cole sa pagkwento pero Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi niya.
Agh!I feel dizzy,Hangover pa rin ba to??
Until unting lumalabo ang paningin ko and my head is spinning like a wheel.
“C!What’s wrong?!C!”I heard Cole said but I can’t look at her.
I looked back infront and suddenly an image of a street light showing the red sign and a truck coming from the left side of our car driving towards us.
Agh!stop!!
BOGSH!
Bigla ko na lang naapakan ang preno,narinig ko ang pagsigaw ni Cole at ang malakas na pagbunggo ng isang kotse sa likod.
Agghhh!
Naramdaman kong niyoyogyog ako ni Cole at may sinasabi siya pero hindi ko naririnig,malabo din ang imahe niya hanggang sa bumalik ang lahat sa dati.
Binalik ko ang tingin sa harap at nasa subdivision pa kami,wala ding red light and the truck..
Fvck!what’s happening..
“C?!hey girl are you ok?!”nagaalalang sabi niya.
Dahan dahan naman akong tumango at ngumiti sa kaniya.
“Y-yeah ok n-na ako”I said at umayos ng upo.
“Thank God!”sabi niya niyakap ako at inayos ang salamin sa mata niya.
Magdadrive na ulet sana ako ng may marinig akong magsalita sa likod.
“Fvck!Bad trip!”sambit ng isang lalaki.
Dun ko lang din naalala na may naramdaman akong bumunggo sa likod ng kotse.Mabilis akong lumabas,narinig ko pa na tinawag ako ni Cole pero do ko na pinansin yun.
Potangina ang kotse huhuhuhu,my baby!
“D*MN it!”sigaw ko at lumingon dun sa lalaki habang nakakunot ang noo na ginantihan naman niya ng naiiritang muka.
Tss,pogi sayang.
Naglakad siya papunta sakin kaya ganun din ang ginawa ko habang hindi inaalis ang tingin sa kaniya.
Magsasalita na sana siya ng unahan ko siya.
“Hoy ikaw!tingnan mong ginawa mo sa kotse ko!..”panimula ko.
“Ahh mi–“singit niya.
“Nakuuu!Alam mo bang bagong bili to at ang mahal ng bili dito ng ate ko tas bubungguin mo lang!..”
“Miss hin–“singit ulit niya.
“Hindi!tumahimik ka tatawag ako ng pulis”sabi ko at nilabas ang cellphone pero bago pa ako makatawag inagaw na niya agad yung cellphone ko.
Tinaas niya iyon at pilit ko namang inaabot.
What the heck?akala ko ako na Ang pinakamatangkad na nilalang nakilala ko…meron pa pala iba?
“Hey!ano ba?!”inis kong sabi at tumigil sa pagtalon.
Napansin ko din na pinipigilan niyang matawa.
Ms Alle tingnan mo tong lalaki to nangiinsulto!>:/
Author:Pag untugin ko kayo gulo niyo-_-
Ay ok po Ms Author ehe.:,>
“Then what about my car?”tanong niya.
“Sino bang nangbunggo!?”sigaw ko.
“Look hindi ko sinasadya,eh ikaw itong bigla bigla na lang magpepreno eh!”
“Eh nakared light malamang hihinto ako!”mabilis kong depensa.
Natigilan siya at tumingin sa likod ko,sinisigurong totoo nga ang sinasabi ko.
Nanlaki ang mga mata niya at biglang na lang tumawa ng malakas.
Argh!*ss*ole!!
Biglang kumulo ang dugo ko at naginit ang ulo ko Hindi ko na napansin nasuntok ko na pala siya.
“Aww!what the hell?!”he said at pinunasan ang gilid ng labi.
Badengdeng pala to,tss.
“Babae ka ba?ang lakas mo manuntok!”
Dagdag Niya at tumayo.
“Anong nakakatawa?!”I shouted again.
“Eh paano magkakaroon ng red lights eh nasa loob tayo ng subdivision!”he shouted at my face.
Eww diskasting shet..
Bigla akong natigilan at napatingin sa harap ng kotse ko.
Tss,so stupid of me!
“L-lo siento!(I’m sorry!)”mabilis Kong sigaw at pumasok sa kotse saka pinaharurot ito paalis.Hindi ko na pinansin Kong naintindihan niya ang sinabi ko.
Nakakahiya!waaaa.
Ng makalabas sa subdivision hininto ko muna ang kotse sa may gas station.
“WAAAAA!!NAKAKAHIYAAAA!”sigaw ko habang nakayuko at nagpapapadyak.
“Hey quit shouting!”sita ni Cole at hinawakan ako sa magkabilang balikat at hinarap sa kaniya.
Tumingin naman ako sa kaniya na parang maiiyak.
“Hoy umayos ka nga!malalate na tayo,start the car then talk,jeez why does everyone seems to be over reacting”sagot niya at pailing iling habang binubuksan ang libro at magbabasa.
Tae mo,sabihin mo nerd ka lang!
Inistart ko na ulit ang kotse at nagsimulang magkwento,kinuwento ko lahat maliban dun sa dahilan kung bakit ako biglang nagpreno.Nagdahilan na lang ako na hang over tas biglang nahilo ako.
Mukang naniwala naman siya sa dahilan ko kaya nakahinga ako ng maluwag,naisipan kong magpatingin ulit sa doctor ko pag free time ko,Hindi naman ako takot na malaman kung ano ang nangyari ng araw na yun.
“So that is where the teacher’s room,and here is your room,just 4 blocks away to my room..”she explained while we are walking in the hallway.
Tumango tango lang ako.
Maya maya ay huminto siya sa paglalakad kaya ganun din ang ginawa ko.
“Before I forgot wait me in your room,let’s go to lunch together ok?”
“Sure”i replied.
“Sige go na”she said at pumasok na sa room nila mukang nandiyan na yung teacher nila dahil tahimik na.
Hindi kita ang ginagawa sa loob dahil may kurtina ang salamin kaya Naman Hindi kami napansin ng mga tao sa loob.
Tumalikod nako at humarap sa direksiyon papuntang teachers room,hindi kalayuan sa room nila Cole.
Habang naglalakad na pagmasdan ko ang paligid at masasabi Kong bago ang school sa unang tingin dahil sa mga pintura nito na walang bahid ng dumi o lumot.Wala ding nagkakalat ng mga basura o kaya mga tuyong dahon sa paligid, organized den lahat ng basurahan,parang lahat ng gamit sa paligid maayos ni walang bahid ng mali.
So dito pala nag-aaral si hermana…
Naputol ang pagiisip ko ng napansin ko habang naglalakad ako ang paglabasan ng mga babae sa kani kanilang room,meron silang pinagtitilian at tinitingnan.
Tumingin naman ako sa direksiyon na tinitingnan nila,isang lalaking matangkad ang naglalakad hindi ko maaninag ang muka dahil ang daming nakaharang pero base sa atensiyon siguradong sikat siya.
Lumingon naman ang lalaki dun sa mga babae at saka kumaway,na naging dahilan naman yun para lalong magtilian at...


magkagulo sa hallway ang mga babae.
“STUDENTS! PUMASOK NA KAYO!”sigaw ng isang babae sa likuran ko kaya naman nagulat ako at napaharap sa kaniya.
“Hala! ayan na si Ms. Cayogyog,Tara na!”
“Si Ms. Single!”
“Arat na mga girl baka magalitan tayo isumbong pa tayo Kay headmistress!naku!”
Mabilis naman na nagsipasukan ang mga students at nawala Ng parang bula.
“Ehem”
Napalingon naman ako sa likuran ulit at nakita ko yung teacher na nakatingin sakin at nakataas ng kilay.
“A-ahh miss!b-bakit po?”tarantang tanong ko.
“You must be the transferee?”she asked.
“Ahm yes po..”nagaalangan kong sagot.
“Oh…then come with me in the office please..”
Napansin ko naman na nasa harap nako ng teachers room kaya mabilis akong tumabi para makadaan siya.
Pagkapasok niya ay sumunod ako at saka tumungo sa pupuntahan niya,maraming table with pair of chair ang nakahanay,wala ng teacher sa loob,pumasok kami sa isa pang pintuan may isang table lang dito with a swivel chair,umupo siya at saka kinuha ang isang papel sa ilalim ng lamesa.
Inisa isa niya yun at kumuha ng isa at binigay sakin,inaabot ko naman yun at saka niyapos sa kanang braso.Tumayo naman siya at pumunta sa tapat ng isang cabinet at may kinuha sa loob,pagtingin ko ay uniform.
“Diyan sa papel na binigay ko lahat naka lagay ang mga books na kailangan mo,ipakita mo na lang sa librarian para maibigay niya sayo..and it says that your advisor will be Ms. Zaragosa on Section A…aquí está su uniforme señorita Cassandra”(here’s your uniform miss Cassandra)she said at inabot sakin yung uniform,dun ko lang din napansin na maamo na ang pagkakatingin nito sakin di katulad ng kanina.
w-wait..did she just spoke in spanish?!
“T-tú me conoces ?!”(y-you know me?!)gulat kong tanong.
Bigla naman siyang ngumisi”sí señorita”.(yes miss)
WTF?!i thought know one knows that im here?ugh!
Nang may maalala akong tao na maaaring nagsabi sa kanila na nandito ako ay saka ulit ako nagsalita.
“Puedo saber quién eres??”(may i know who are you??)
“My name is Ysabelle Cayogyog and im the secretary of the headmistress, señorita”she answered and bow.
Nang magpakilala siya ay nagbago bigla ang emosyon ko at naging seryoso..
“Ahora que sé que conoces mi identidad, te ordeno que finjas que no me conoces y que solo soy una estudiante ordinaria de Aleria, ¿entendido??”I seriously said.
“Entiendo señorita”mabilis niyang sagot habang nakayuko.
Ngumiti ako at umaktong wala akong sinabi”Thank you Ms. Ysabelle”maglalakad na sana ako palabas ng bigla niya akong harangan.
“Let me accompany you to your room”
“Pardon?”
“Your dad told as to accompany and help you while doing you-”
“Si dad nga?!”
I knew it!
Bigla naman bumukas ang pinto at pumasok ang isang magandang babae,base on what she’s wearing I can say that she’s a teacher but she looks younger than Ysabelle.
“Miss Ysabelle I’m really sorry I’m late!”sigaw niya at tumungo sanadali saka humarap kay Ysabelle.
“I think I don’t need to accompany you”sabi ni Ysabelle”This is Ms. Zaragosa your adviser”pakilala niya sa babae sakin”and this is Ms. Hermosa your new student.”pakilala naman niya sakin kay Ms. Zara.
Zara na lang ang haba kasi.
Ngumuti naman ako at nilahad ang aking kamay sa kaniya”Nice to meet you Ms. Zara”i said.
Inabot naman niya ito at nakipagkamay.
“Nice meeting you too,Ms. Hermosa”nakangiti niyang sinabi.
“I think you two should go now..it’s already late..see you around Ms. Hermosa”Ysabelle said,sat on her chair and start reading papers.
Humarap ako ulit kay Ms. Zara,tumango naman siya sakin at nagsimula na kaming maglakad paalis.
Habang naglalakad sa hallway ay sinabi ni Ms. Zara na alam ng lahat ng teachers and staffs,pati ng Headmistress ng school na dadating ako kaya wag na daw ako magtaka kung bakit kilala siya ng mga ito.Sinabi din ni Ms. Zara na si dad ang nagsabi sa lahat na dadating ako at dito mag-aaral.
Tss,kahit kelan talaga…
Nang makarating kami sa tapat ng pintuan ng room ay naunang pumasok si Ms. Zara at naghintay naman muna ako sa labas,hindi naman ako nagtagal sa labas dahil tinawag niya na ako.
“You may come in”
Huminga muna ako ng malalim at saka dahan dahang pumasok sa loob.Pagkapasok ko ay agad kong nilibot ang aking paningin at ngumiti sa mga magiging kaklase ko.
Habang nililibot ko ang tingin may napansin akong lalaki na nakangiti sakin habang nakapose na parang model.
Eww..ggss to,siguro Hindi nasabihan ng nanay niya nung bata siya na muka siyang siraulo pag nakangiti…
Napangiwi naman ako at nahagip ng mga mata ko ang isang pamilyar na tao,ilang beses akong kumurap hanggang sa mapagtanto ko kung sino siya.
“IKAW?!”sabay na sigaw namin habang nakatingin sa isa’t isa at gulat.
Bigla namang nagpalitan ng tingin ang mga kaklase namin sa akin at dun sa lalaking bumunggo sakin kanina.
Nagsalita naman si Ms. Zara.
“So you guys already know each other?”
“No!”
“Yes!”
Nagkatinginan ulit kaming dalawa at nangunot ang noo dahil sabay kaming sumagot pero magkaiba ng sagot.
Gulo diba…
“So alin ang totoo?”Ms. Zara at ng iba pang students.
Magsasalita sana si lalaki pero inunahan ko na siya.
“A-ah miss nagkabungguan po kami dati ng Hindi sinasadya pero di ko po siya kilala and Hindi kami close”paliwanag ko dahil baka sabihin nung lalaking kapre yung katangahan ko.
Napahiya na nga ako sa gwapo,mapapahiya pa ba naman ako sa classmates ko??No way!
Pilit naman akong ngumiti at binigyan ng makahulugang tingin si miss para magets niyang hindi ko gustong pag-usapan pa,binigyan naman niya ako ng ok na tingin bago humarap sa lahat.
“Nevermind..let’s get back to the topic..”
Habang nagsasalita si Ms. Zara ay pasimple ulit akong tumingin dun sa lalaki at salubong na ang kilay niya habang nakatingin sakin.
Tss,dukatin ko Yan mata mo.
Umiwas naman ako at tumingin sa ibang dereksiyon,napansin ko Yung ibang mga babae na nasa likod masama ang tingin sakin.
Tinaasan ko lang sila ng kilay at nakinig na kay miss.
Mukang may makakaaway na agad ako sa unang araw pa lang..tss bahala sila pakain ko sila sa alaga kong leon kapag ginambala nila ko.
“..so ikaw na ang maunang magpakilala..”Ms. Zara said at umupo na habang ako naman ay nakatayo sa harap nilang lahat.
Huminga muna ako ng malalim saka nagsalita habang nakangiti.
“Hi everyone,my name is Cassandra,Im from Spain,Im 16 years old and i hope i could get along with everyone,eso es todo, gracias!”(thats all,thank you!)pakilala ko at nakangiting bumaling sakanila na nagpapalakpakan.
“You can sit now Miss Cassandra”sabi naman ni Miss Zara habang nakaturo dun sa upuan na..katabi nung kapre.
Nagaalinlangan man ay dahan-dahan akong naglakad,tumingin ako dun sa lalaki at nakita kong nakatingin din siya sakin.
Poker face ang loko,lol..bagay.
Hindi pa man ako nakakalapit sa tapat ng upuan ko ay naririnig ko na Yung bulungan ng iba namin babaeng kaklase.
“How lucky,makakatabi pa niya si Kyle”
“Yeah,like I want to hila her hair and subsob her face on the floor”
“Shut up,maririnig tayo”
Tsk,tsk,tsk mga Bratz na mukang clown..
Hindi ko na sila narinig dahil nakalapit nako sa tapat ng upuan ko kaya naman nilapag ko na ang bag ko at umupo.
Nakita ko pa na sinamaan ako ng tingin nung kapre pero hindi ko na pinansin dahil ayaw ko ng gulo.
Nagsimula naman na mag salita si Ms. Zara sa harap ng mapansin ko Yung lalaking nasa kanan ko na nakatitig sakin,yung may hawak na salamin at suklay tapos naka pose na parang model ng magazine kaninang sinasabi ko.
Tsk..alam Kong maganda ako.
Huminga ako ng malalim at dahan dahang humarap sa kaniya, kapagkuwanan ay napalunok ako saka pilit na ngumiti.
Pakshet!ang creepy niya ngumiti!!parang si momo.
Yung babae na malaki ang mata tapos malaki din ang bibig,kamuka Niya yun pramis.
Inalis ko agad ang tingin sa kaniya at humarap na kay miss.Ilan minuto din ang lumipas,nagsusulat ako ng bigla na lang may nag tapon ng gusot na papel sa lamesa ko.
Lumingon ako sa kaliwa at nakita Yung kapre na patay malisya nakikinig habang nilalaro Yung ballpen sa kamay.
Binuklat ko naman Yung papel at binasa ang nakasulat dun,bigla naman kumunot ang noo ko sa nabasa.
“Let’s meet in the cafeteria,at lunch time”
Ano naman kailangan nito?






Share On Whatsapp

"1" Comment
  1. part 2😊

Leave a Reply


top