MY HEARTLESS MAN CHAPTER 1


Mr.Sebastian
“Hoy anak gumising kana!!”Sigaw ng ina ni Maxine nag unat unat muna si Maxine bago nagpasyang bumangon.
“Eto na nga ma ano ba yan makasigaw ka nman parang katapusan na ng mundo”Inis na singhal neto sa ina.
“Hay nako max ang tanda tanda muna tulog mantika ka pa rin”Nakapa meywnag na tugon ng kanyang ina.
“Mama nman ih ang ganda ng panaginip ko oh sayang tuloy muntik nako halikan ng prince charming ko eh” Pagmamaktol neto sa INA habang kinakamot ang batok.
“Ay nako Maxine manang mana ka Talaga sa papa mo, 25 kana jusko maghanap kana kaya ng trabaho max ng sa ganun matulungan mo kmi ng papa mo”. Saad ng kanyang INA habang tinutulungan syang magligpit ng higaan.
” Mama nman maghahanap nako bukas,sige na magliligo na ako”.Saad neto at tumalikod sa ina at dumiretso sa banyo.
“Bilisan muna Jan at aalis tayo!” Sigaw ng INA nya bago lumabas ng kwarto neto.
Inis na naligo si Maxine dahil sa kanyang INA, kung sino sino kase ang nirereto ng kanyang INA dahil daw sa 25 na taon na sya ngunit wala man lng boyfriend ni isa.
Bumaba na si Maxine at ka gaya ng lagi nyang sinusuot kapag alam nyang irereto na nman sya ng mama nya.Sumusuot lamang sya ng T-shirt at isang jeans pinarisan nya rin iyon ng magkabilang sapatos ng sa ganun hindi sya magustuhan ng lalake na nirereto ng kanyang ina.
“Jusme marimar!Maxine ano kaba Baket ganyan na nman ang suot mo magpalit ka ngang bata ka, Nako baka tumanda kang dalaga dahil sa pinag gagawa mo!” Nahihigh blood na sigaw ng kanyang INA ng makita ang kanyang porma.
“Hay Nako ma nagsasayang lng kayo ng oras, wala akong balak mag-asawa ano magtatrabaho na lamang ako sige na Tara na saan ba ang lakad nten”. Tugon ni Maxine habang umiinom ng gatas na galing sa ref.
” Hay nako bahala ka sige na Tara na hinihintay na tayo ni Range”.Maktol na tugon ng kanyang INA at hinila sya palabas ng bahay.
“Sino nmang range yan ma?” Takang Tanong ni Maxine sa INA ngunit hindi na lamang sya pinansin nito at nag-abang ng taxi.
Pumunta sila sa isang restaurant, halos lahat ng nadadaanan nila ay panay tingin kay maxine sino ba nmang hindi mapapansin ito dahil magkabilaan ang sapatos na kanyang suot.
“Tignan mo pinagtitinginan ka tuloy nila” Bulong ng kanyang ina.
“Sus wala akong pake sa knila, deadma lng saka diko type yang nirereto mo” Pataray na tugon neto sa kanyang INA.
“Nako Tara na nga!” Hinila na lamang sya ng kanyang ina papunta sa bakanteng upuan kung saan naroon ang lalake na naghihintay sa kanila.Kumaway pa ito sa kanyang ina ngunit bigla ring nawala ang ngiti neto ng makita si Maxine.Tinarayan...


na lamang sya ng dalaga.
“Magandang tanghali po tita-” Pilit na Ngiting bati nito sa ina ng dalaga.
“Walang maganda sa tanghali” Pamimilosopo nman ni Maxine rito.Agad syang kinurot ng kanyang ina dahil sa inasal nya sa binata.
“Ma!” Suway neto sa kanyang ina.
“Umayos ka nga!” Nilakihan sya ng mata ng kanyang ina.
“Oh Range iho mauna na ako hah kayo na bahala rito,pstt umayos ka!” Saad ng INA ng dalaga at Umalis na.
“Ahmm” nahihiyang tugon ni range sa dalaga.
“Mag-order ka na sempre libre mo, nagugutom nako” Walang ganang saad ni Maxine sa binata.
“Ah eh sige” Ilang beses napalunok ang binata dahil sa inaasta sa kanya ng dalaga.
“Waiter!” Sigaw ng dalaga.
“Ano po yun ma’am ?” Tugon ng waiter sa kanya.
“hmm gusto ko ito Turo nya sa pasta, chicken, pork, ice cream at coke”. Ngiting Turo ni Maxine sa waiter .
” Sis madami nman yata yan”Biglang na pa ubo si maxine dahil biglang nag boses babae ang kaharap nya.
“Seryoso bakla ka pala!-” Hindi na naituloy ng dalaga ang kanyang pagsasalita ng takpan ng binata ang bunganga neto.
“Wag kang ma ingay sis ginagawa ko lng ito para sa daddy ko, actually girl binabae talaga ako kaso nga lng hindi ibibigay ni dad ang pamana nya saken kung hindi ko mapapatunayan na lalake ako” Mahinang tugon neto at Umalis ang kamay sa bunganga ng dalaga.
“Taray nman sis hah eh bket nakikipag blind date ka kung kanino kanino?” Kunot noong Tanong ng dalaga.
“Ma’am sir eto Na po ang order nyo have a nice day thank you” Nakangiting saad ng waiter habang inalalapag ang pagkain.
“How much?” Boses lalakeng tugon ni range bigla na lamang napatawa si maxine dahil sa pag Arte neto.Biruin mo yun kahit sya naniwalang lalakeng lalake talaga ang nirereto sa kanya ng ina.
“2500 sir” Ngiting turan ng Waiter.
“Here 3000 pesos yan keep the change” walang ganang tugon ni range at inabot ang pera sa waiter.
“Thank you sir ma’am ” Tugon ng waiter at Umalis na.
“Wow sis hah lalakeng lalake” Pang-aasar ni maxine rito tinarayan na lamang sya ni range at Kumain na.
“So nice to meet you sis” Ngiting Pahayag ni range habang inaabot ang kamay at malayang tinanggap nman ng dalaga.
“Nice to meet you too by the my name is Maxine you can call me Max for short” Turan sa kanya ng dalaga at Kumain na.
“So eto Na nga kailangan ko kaseng mag ka girlfriend kahit fake lng para nman hindi na maghinala ang daddy ko” turan nman ni range sa dalaga.
“Hmm so saglet pag-iisipan ko muna sempre Abah mahirap na girl kahit sabihin mong bakla ka eh dika type noh saka nbsb ako” Pagtataray ni maxine rito.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top