MR SEBASTIAN AND MAXINE STORY.
“Ah-aray!” Mangiyak ngiyak na saad ni ni john.
“Hahahaha loko ka kase eh kita mong nagrarambulan yung dalawa sumingit singit ka ayan tuloy na pala mo” Tawang tawa na turan ni Ivan habang hawak hawak ang Tiyan neto.
“john sakit ba” Mangiyak ngiyak na tawa ni Kevin dahilan upang lumubo ang sipon neto.
“Kadiri!!!” Sabay sabay na sigaw ng apat.Ka agad na tumakbo si Kevin papuntang banyo dahil sa kahihiyan.
“Pasensya na talaga john” Paghingi ng paumanhin ni maxine,tinarayan na lamang sya ni Sebastian.
“Kapag ako nasaktan gustong gusto pero kapag iba halos mamatay kakahingi ng tawad tsk” Mahinang Bulong ni Sebastian ngunit narinig ng kaibigan nyang si Ivan.
“Bro selos ka ba” Pang-aasar na tugon ni Ivan rito.
“Shut up Ivan!” Sigaw rito ni Sebastian at Umalis na sa kusina upang tumungo sa lamesa nya.
“Ayos lng, kasalanan ko nman eh” Nahihiyang turan ni john kay maxine.
“Ay hala ang niluluto ko!” Tarantang sigaw ni maxine at pinatay ang kalan.
“Sunog na ba?” Tanong nman nu Ivan habang papalapit dito.
“Mukhang hindi nman Buti na lng at na-alala ko” Pakamot kamot na lamang si maxine sa batok nya.
Nag handa na ang dalaga, nag set na rin sya ng pinggan, kutsara baso upang makakain na sila.
“Hoy mga brad si seb tawagin nyo ” Saad ni Kevin habang nagsasandok na agad ng kanin binato sya ng kutsara ni Ivan ngunit nakailag rin ito.
“Katamaran mong taglay Kevin eh noh!” Saad nman ni Ivan,habang umiinom ng tubig.Magbabatuhan na sana ang tatlo ng magsalita si maxine.
“Kapag kayo hindi tumigil wag na kayong kakain ng niluto ko!” Saway ni maxine sa tatlo habang hawak hawak ang bowl na may lamang ulam.
“Hehehe max di ka nman mabiro” Saad ni ivan habang nakangiti dito napairap na lamang si maxine dahil sa taglay ng hangin sa ulo ng tatlo.
“Oo nga maxine masakit pa ang ilong ko kahit ako na lng ang bigyan mo”Agad nmang binatukan ng dalawa si john dahil sa sinabe neto.
” Aray baket nyo nman ako binatukan!” Reklamong saad ni John sa dalawang kaibigan.
“Napaka damot mo kase!!” Sabay sabay na sigaw ng dalawa.
Napatakip na lamang ng tenga si john dahil sa pag sigaw sa kanya ng dalawang kaibigan.Napairap na lamang si maxine sa tatlo at dinala ang ulam at kanin kung Nasaan si Sebastian.
“Max saan mo dadalhin yan” sigaw ni Kevin ng makitang naglakad ito palayo hindi sya pinansin ng dalaga at diretsong naglakad patungo kay Sebastian. Nakita nya itong seryoso ang mukha kaya tinawag nya ito.
“Psst Mr Suplado” Agad syang nilingon ng binata at tinaasan ito ng kilay.
“Anong ginagawa mo rito?”...
paano i continue yong story na binabasa ko?