MY HOMOPHOBIC FAMILY


MY HOMOPHOBIC FAMILY
AUTHOR: AJ
GENRE: BASTA MAGANDA
PROLONGED
“Umalis kana lang sa bahay nato kung hindi mo ako susundin!” Saad ng ama ni akheela.
“Wala kaming kapatid na bakla!” Saad ng mga kuya ni andres sakanya.
“Anak sundin mo nalang ang mga kuya mo at papa mo” malungkot na Saad nila kay Andres.
Andres Montes, Sya ay may pamilyang kinamumuhian ang mga kagaya nyang bakla. Pamilyang ‘MONTES’ Isa sa ang pamilya nila sa mga nagmamay ari ng malalaking istraktura dito sa pilipinas, nagmamay ari din sila ng mga Resorts.
AndresPov.
Simula pa nung bata pa ako kontra gusto yung pamilya ko sa kung ano ang kasarian ko, bakla ako at paninindigan ko ang pagiging bakla ko. Sabi nila gwapo daw ako kaya kailangan ko daw maging lalake Kasi nakakahiya daw sa pamilya namin, dahil ako lang daw ang nag iisang bakla sa lahi namin. Tsk… Wala akong pake sa mga paninindigan nila kung hindi nila ako susuportahan sa kung ano ang kasarian ko. Handa akong itaguyod ang sarili ko sa mga pagsubok na dadating sakin.
I’m Andres Montes eighteen years old first year college na ako sa Isang pribadong paaralan.
Aalis ako sa bahay na puno ng panglalait at pang aapi sakin.
“Kung yan ang gusto nyo Aalis ako dito at kung hahanapin nyo ako mas mabuti pang wag nalang kaya kong...


buhayin ang sarili ko” Natahimik silang lahat sa pagsalita ko sakanila, Kita ko sa mata ng mga kuya ko ang pagkabigla at ang nag iisa kong ama.
Umalis ako sa harapan nila at tinungo ang kwarto ko, hindi ko kailangan ang pera nila. Kinamumuhian nila ako dahil bakla ako tan*nang dahilan yan! Dahil sa reputasyon ng pamilya nato! I will make sure na yayaman ako at ang una kong gagawin ay palitan ko ang pangalang binigay nila sakin. Hindi ako makakapayag na Isa akong ‘Montes’. Mabubuti at mababait sa panglabas na anyo at hayop din sa pang loob na anyo.
“Anak andyan kaba?” Tanong ng mabuti kong ina sa labas ng kwarto ko at eto ako nag iimpake sa mga gamit ko.
“Talaga bang may gana ka pang magtanong nyan ma?” Tanong ko sakanya. Pumasok Sya at umupo sa kama ko.
“Sorry anak kung hindi Kita maipagtanggol” umiiyak na saad nito sakin.
“Alam nyo ma noon pa kayo ang may gusto na baguhin ako! Dahil sa pangalang ‘MONTES’ Nayan tang*na Naman, ako pa sayo ma umalis kana lang wag nyo na akong intindihin kakayanin kong mabuhay ng wala kayo! At Isa pa hindi ko kailangan ang pangalan at pera ng pamilyang ito!” Umiiyak na saad ko kay mama, at umalis na Sya na may luha sa mukha.
Naguguilty ako sa mga sinabi ko






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top