My husband cheater


Kabanata 49

——Laking pasasalamat ng mga magulang ni zara na buhay siya. At naibalik sa kanila ang inakala nilang anak na matagal ng patay.. ipinaliwanag dito ni mateo, kung paano niya natagpuan ang asawa nito. At ipinaliwanag din dito na kailangan nilang itago muna si zara, para maiwasan ang kapahamakan sa buhay nito. Lalo na at hindi pa siya naibalik sa dati niyang alala. Umaasa sila na hindi magtatagal na babalik si zara sa dati..

“Kung maalala na niya tayo, saka natin isipin kung anu ang tunay na nangyari sa kanya.” Ani mateo. Sumang ayon naman ang mga magulang nito.

“Kailangan ko munang babalik sa maynila. Dami pang trabaho na naghihintay sa’akin.”dagdag pang sabi nito.
“Sige, salamat at naibalik mo saamin ang aming anak. At umaasa ako na mabigyan lingaw din kung anu talaga ang tunay na nangyari sa kanya.” Pag alalang sabi ni mang leandro.
“Bukas ng umaga kailangan kunang bumalik sa maynila zara. Hayaan mo at babalik ako dito.” Aniya.
“Sige, para naman dika nila pagdudahan.” Anito.
“Umaasa ako na sa pagbabalik ko maging maayos na ang lahat.”

Pagkaraan ng ilang oras. Kinausap ni mang leandro si mateo. Dahil kahit na nasa probinsya sila, alam nilang kinasal na siya kay elane. Minabuti nilang itago iyon kay zara.
“Ayaw kung pagbalik ng kanyang alala ay muli na naman masasaktan ang anak ko mateo, katulad ng ginawa mo sa kanya nun?” Seryosong turan ng matanda. Habang nasa labas sila ng kubo. At busy naman ang mag ina sa loob sa pagluluto.

“Itay, makipag hiwalay po ako kay elane. Pero sa ngayon, gusto ko munang alamin kung sino ba talaga ang naka away ni zara. At bakit niya gustong mawala si zara.”
“Umaasa ako sa mga sinabi mo mateo. Dahil kilala mo ako.”
“Itay,’gagawin ko po ang tama. At saka mahal na mahal kuna po ang anak niyo?” Aniya habang napatingin siya sa loob na kubo kung saan naroon ang asawa..

Maaga pa lang nasa airport na si elane, pabalik ng maynila. Halos dina ma ipinta ang mukha dahil sa pagkabigo niyang makita niya ang asawa. Kaya pinili nalang niyang bumalik sa maynila kaysa para siyang timang sa cebu na hindi alam kung saan ang direction.

Pagkatapos magpaalam ni mateo sa kanila. Nagsimula na siyang nagdrive. Habang papalayo na ang sasakyan ng asawa. Bigla siyang kinausap ng ina. Tungkol sa nangyari sa kanya.

“Inay, wala po akung matandaan.” Aniya habang malungkot ang mukha.

“Huwag mo muna siyang pilitin agnes.” Ani mang leandro.

Maya’t maya pa isinama siya ni aling agnes sa may ilog kung saan madalas silang naliligo dun. Para kahit papaano ay makatulong sa kanya.

Mga ilang sandali pa, nakatanggap siya ng tawag mula kay flour. At ibinalita dito na may natagpuang bangkay ang mga coast guard. At hindi pa confirm kung sino iyon.

Labis naman ang pag alala niya para sa kaibigang si flour.

“Sana matagpuan na ang diego na iyon, at para malaman natin kung sino ang taong gusto kang mawala?” Ani aling agnes.
“Sana nga inay?”

“Finally, bro” you come home?” Ani ethan at sabay hug dito.
“For the business kuya?” Ngiting sabi nito na yumakap din sa kapatid.
“Anyway, yung asawa mo panay tawag dito kung dumating kana.?”
“Fuck!!!”
“Fuck! Bro!!” Sabay tawa naman ni ethan dahil sa turan ng bunsong kapatid.

Kabanata 50

Hindi pa nga siya naka upo, biglang nag ring ang mobile nito at biglang nag iba ang reflection ng mukha nito.
“yes!!!” Anito.
“Finally!!! Sumagot ka rin! Where are you been! Sigaw nito dahil sa sobrang galit sa kanya.
“Trabaho ang nilakad ko sa cebu.” Mahinaong sabi niya dito.
“Trabaho! O’ babae!!!...


Aniya pa. Na parang nagpagting ang tainga ni mateo.
“Mag usap tayo sa bahay.?” At sabay pinatay ang phone nito. Na labis naman ikinagalit ng babae.
“Aahhhh!! Hayooopp ka mateo!!!” Sabay tapon ulit sa kanyang mobile phone. At lahat ng mahahawakan niya sa loob ng kuwarto nito ay kanyang binabato..

Dali dali naman pumanhik sa taas si aling veronica upang tingnan kung anung nangyari sa taas.

“Elane, anung ginawa mo.? Anung nangyari?” Sabay sabay na tanong dito.
“Leave!!!” Sigaw nito sa matanda na halos masindak sa takot dahil sa panlilisik ng mga mata ni elane.

Napa iyak nalang si aling veronica na umalis sa silid nila, lalo na at agad binalibag n elane ang pinto na halos masira na ito.

“Sama ng ugali ng babae na iyon.” Anito na umiiyak.

Paglipas ng isang oras, dumating na din si mateo at nakita niya ang ina na parang may nangyari ito sa kanya.

“Inay, bakit po? Bakit kayo umiyak?” Anito na labis ang pag alala para sa ina.
“Ang asawa mo mateo.”
“Nasaan si elane inay?” Agad niyang sabi dito at mukhang galit.
“Nasa kuwarto niyo, lahat ng gamit niyo ay kanyang binasag.” Nang masabi iyon ni aling veronica, ay agad siyang umakyat sa taas at hinarap si elane.
“Elaneee!!!” Sigaw niya habang paakyat ng hagdan. Pagbukas sa pinto, isang malakas na sampal ang sumalubong sa kanyang mukha.

“Ginawa mo akung tanga!!! Hayop ka!!! Galit niyang sabi habang pinagsasampal ang asawa. At agad naman nahawakan niya ang kamay nito.

“Sinabi ko ba sayo, na puntahan mo ako sa cebu?”aniya na galit din

“Bitawan mo ako mateo! Nasasaktan ako?” Anito na namimilipit sa sakit dahil sa lakas ng pagkakahawak sa kanya ng asawa.
“Anung ginawa mo kay inay, bakit siya umiiyak!!”
“Haharang harang kasi ang inay mo!! Pakialamera!! Anito. Na hawak hawak parin siya ng lalaki at ramdam niya ang matigas na palad ng lalaki na mahigpit na nakahawak sa kanya.

“Bitawan mo ako!! Nasasaktan ako!!” Lalo pang lumakas ang pagkakahawak ng lalaki nang makitang lahat ng kanyang mga gamit ay nabasag lahat. Dahil sa ginawa ni elane.

“Ayaw kuna sa ugali mo elane! Matagal na akong nagtiis sayo. Pero patuloy kapa rin kumakapit.! Kaya ngayon. Gusto kunang makipag hiwalay sayo?” Agad niyang sabi sa babae. Na ikinagulat naman ng babae.

“No!! Ayaw ko!! Hindi mo maaring gawin saakin ito mateo!!” Sabi nito na nabigla sa turan ng asawa.

“yes! i’am! Gusto kunang tapusin na natin ito!!” Giit pa niya.
“No! Hindi ako papayag sa guato mo? Dahil di ako papayag na may ibang babaeng umangkin sayo?” Giit din niya.
“Bakit? Dahil siguro may iba kana, kaya ka tumagal ng ilang linggo sa cebu, dahil may ibang babae ka!!!” Hiyaw pa niya.

“Wala kanang pakialam kung may babae man ako?” Anito.

Agad siyang pinagtabuyan ng lalaki at lahat ng gamit nito ay ipinadala sa kanya. Kahit anung pilit niyang huwag umalis, pero sadyang malakas ang lalaki.

“Anak, huwag na kayo mag away?” Ani ng matanda.
“Hindi inay, ayaw kuna po? Lalo na at pati kayo hindi niya iginagalang?” Aniya pa.

“Pero anak, ayusin niyong dalawa ang hindi niyo gusto. Kesa magsakitan kayo? Huwag mo akong alalahanin.”

“Pasensya na po inay!” Giit pa niya.
“Inayy!! Tulungan mo ako, ayaw ko pong umalis?” Sabi pa niya habang bitbit ang mga bag nito at ilang maleta.

Habang si mateo ay isinasakay naman niya ang mga gamit ng asawa sa loob ng sasakyan nito.
Pagkatapos niyang isakay lahat ang mga ito.. Agad niyang pinaalis si elane sa bahay nila at pinagbuksan pa niya ito ng gate.——-






Share On Whatsapp

"2" Comments
  1. nice story nxt chapter plsssss

Leave a Reply


top