My Husband Treated Me as His Mistress Kabanata 1


My Husband Treated Me as His Mistress
*****Kabanata 1*****
[Raquel P.O.V]
“Ano pong ginagawa niyo, Manang? Bakit niyo po nililipat ang gamit ko sa ibang kuwarto?” Tanong ko kay Manang Kuring nang makita sila, bitbit ang mga damit at unan, at huli ang comforter ko. Tinignan ko ang ginagawa ng mga ito. Nililipat lang naman ng mga ito sa harapan ng silid namin ng asawa ko ang mga gamit na pagmamay-ari ko.
Umalis ako ng ilang araw para puntahan ang magulang ko. Dahil may problema raw sa bahay namin. Kaya ano’t nililipat ng mga ito. Kung maglilinis lang din sila, hindi na kailangan na tanggalin pa nila at lalong ilipat.
“Ah kase Ma’am pinapalipat ni Sir.” Halos hindi makatingin niya pang sabi.
“Pinapalipat? At Baket naman po?” Tanong ko.
Pinapalipat ng asawa ko? May problema ba? Wala naman kaming problema. Walang problema dahil ng tinanong ko ito kung okay lang bang manatili ako sa bahay ng magulang ko upang tulungan sila. Hindi naman ito huminde. May tiwala din akong wala itong masamang gagawin. Dahil nawala man ang alala ala niya. Lalo na ako na nag iisang hindi niya maalala. Ganun parin ang asawa ko sa akin. Mabait, Matulungin, Mapagmahal at lalong Responsableng asawa.
“Hindi ko alam, Ma’am. Sorry..”
“Nasaan po si Pierre?” Tanong ko.
“Nasa loob ng kuwarto niyo. K-kasama si Ma’am Francheska.”
Kasama? Ba’t naman magkasama ang mga ito?
Nagpasalamat ako at pinuntahan na si Pierre sa silid namin at halos madurog ang puso ko nang madatnan na naghah*likan ang asawa ko at si Francheska.
“Anong ibig sabihin nito?!” Tanong ko at unti unting pumatak ang luha.
Akala ko ay makikitaan ko ng gulat, pangamba ang mata ng asawa ko dahil sa nahuli kong naghah*likan sila. Pero hindi dahil wala itong emosyon ako nitong tinignan.
“Paanong..baket?” Tanong ko..
“Sabihin mo, hindi mo naman ginusto diba?”
Hindi sumagot ang asawa ko sa akin.
Siya ang dahilan kung bakit kami nagkaaway bago ang aksidente. Kaya baket Pierre, ano ang ibig sabihin ng nakita ko.
“Umalis ka.” Utos ko at tinuro si Francheska.
“Umalis kang babae ka bago pa kung anong gawin ko sa’yo!” Sabi ko pa sa babaeng nakataas lamang ang kilay sa akin at mukhang tuwang tuwa pa
“No, dito lang siya. Baka nakalimutan mo na pagmamay-ari ko ang mansyon na ‘to. Kaya kung sino man ang pwedeng magpaalis sa kaniya. Ako lang ‘yon.” Malamig na sabi ng asawa ko.
“May problema ba tayo, Pierre? Bakit mo pinapalipat ang mga gamit ko sa ibang kuwarto? Mas lalo ng bakit mo rin hin*likan si Francheska?” Sunod sunod kong tanong.
“Dahil si Francheska na ang lilipat rito.” Sagot niya. “and I k*ss her because I k*ss her. You don’t need to know the real reason.”
Ibig sabihin ay ang asawa ko mismo ang humalik.
Naiyak ako sa harapan nilang dalawa lalo na sa sagot ni Pierre sa mga tanong ko.
Wala pake ang asawa ko. Walang pake ang asawa ko sa akin.
“Pumayag akong manatili siya, Pierre. Pero hindi ako pumayag sa mga nangyayari ngayon. But why? Baket? Baket biglang nagbago, anong problema? Sabihin mo naman at nang maayos natin.”
“Maayos nga ba? Niloko mo ako.”
“Niloko? Eh ikaw nga itong nanloko! Hinal*kan mo si Francheska! May asawa ka na Pierre, at ako ‘yon! Pero wala lang sa’yo na makita ko kayong naghah*likan! Wala lang din sa’yo na makita ako na luhaan dahil sa mga nakita ko at sa mga sagot...


mo!”
“May asawa? Pinagloloko mo ba ako?” Bigkas niya at umigting ang panga.
“Pierre, umalis lang ako ng ilang araw. Pagbalik ko ganto na. Ano ba talagang problema? Please tell me para maayos natin.” Nagmamakaawa kong sabi. Pinunasan ko ang luha at tinignan ito.
Tumayo siya galing sa pagkakaupo sa kama at tinitigan ako sa mata.
“Hindi ako makikinig sa babaeng sinungaling. Hindi dahil wala akong maalala. Lolokohin mo na ako, Raquel.”
“Aalis na ako. May trabaho pa ako. Subukan mo lang paalisin si Francheska, Raquel baka hindi mo magustuhan ang gagawin ko sa’yo.”
“Pierre! Sandali! Hindi pa tayo tapos mag-usap.”
“Kung reklamo at kasinungalingan lang ‘yan. Please, Raquel h’wag ka ng magsalita.” Huling sabi ng asawa ko bago ako iwan sa kuwarto kasama si Francheska.
“Anong sinabi mo sa asawa ko?” Tanong ko sa babae na nagsusuklay ng buhok niya ngayon.
“Sinabi ko lang naman ang totoo.”
“Anong totoo?”
“Na ikaw ang dahilan nang aksidente niya. Na ikaw ang dahilan kung bakit kami naghiwalay noon.” sagot niya sa akin, hindi ako tinitignan.
Naaksidente, oo pero ang hiwalayan ng mga ito.
“Ikaw ang may dahilan kung baket. Dahil ikaw mismo ang nakipaghiwalay sa kaniya nang gusto niyang makipagbalikan noon.”
Nagkibilit balikat ito sa akin at lumingon, ngumiti pa ito sa hindi malamang dahilan. Wala naman akong sinabing nakakatuwa. “Tama ka, the latter ako nga. Ngunit paano ba ‘yan, Raquel he believed me and I will make him believed me more para iwan ka niya at maging sa akin siya.”
“Hindi ako papayag sa gagawin mo! Sasabihin ko ang totoo sa asawa ko na ikaw talaga ang nagsisinungaling!” Sikmat ko.
“Sa tingin mo papaniwalaan ka pa ni Pierre ngayon? Hindi ka niya maalala. Lalong hindi niya alam kung nagsasabi ka ng totoo. Ngayong wala siyang maalala pagdating sa’yo. For sure, ako na ang panalo. Halimbawa na lang ‘yung kanina.”
“Nabab*liw ka na! Bakit sa tagal ng panahon saka ka pa bumalik. Alam kong dahilan mo lang na wala kang maibayad sa rentang inuupahan mo.”
“Oo na! Tama ka na!” Umikot ang mata ni Francheska sa akin.
“Dahil sa’yo kaya kami naghiwalay. Nice reason to make him hate you. Tutal kawawa ka na rin. Sasabihin ko sa’yo ‘to. I told him you brainwashed me in everyone noong college. Na masama akong tao etc..kaya nakipaghiwalay ako sa kaniya noon and tinago ang anak namin ay dahil sa’yo. And you know how he loved me before kaya nga antagal namin. And maybe he still loved me.”
Napaupo ako ng pumasok ito sa comfort room.
Ang dahilan kung bakit naaksidente ang asawa ko. Dahil sa away namin tungkol kay Francheska. Nang malaman ko at ng asawa ko. Na babalik na itong Pilipinas. Unti unting nagbago ang pakikitungo nito sa akin.
Pinagdudahan ko kung mahal nga ba talaga ako nito or si Francheska parin dahil sa pakikitungo niya.
Ngayon ang asawa ko naman ang nagdududa sa akin. Na ako ang may kasalanan ng paghihiwalay nila ni Francheska. Kung naniniwala talaga ito kay Francheska malamang ay mahihirapan ngavako.
Si Francheska lang ang naalala nito kaysa sa akin, may anak sila, at naghiwalay lang sila.
Habang ako, isang stranger sa asawa ko.
Walang maalala si Pierre sa akin, ang asawa ko.
Kaya anong laban ko kay Francheska?
Anong laban ko sa babaeng yon na minahal niya ng matagal at naalala niya sa Asawa niyang minahal lang niya sa kaantay ko at hindi niya na maalala ngayon?






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top