MY KNIGHT IN SHINING ARMOUR♥️♥️
.
CHAPTER 13
.
Sa pangyayari sa pagitan nila ni Alvin, nagtagumpay si Katelyne sa mga plano niya na akitin si Alvin. Nagising si Katelyne na wala na sa tabi niya si Alvin, naghalo halong emosyon ang nadarama niya kaba, saya, at hiya, bumangon na si Katelyne at nagpunta na siya sa banyo upang maligo, pagkaligo ay bumaba na siya dahil tinawag na siya ni Abby at mag-aalmusal na daw sila ni Alvin.
.
Kate : hi Abby, (bati niya sa kaibigan)
Abby : hi, magandang umaga sa pinaka-maganda kong kaibigan.
Kate : hindi naman masyado! Nasaan si Alvin?
Abby : nasa Garden siya, hinihintay ka na niya..doon daw kayo mag-aalmusal.
Kate : ganun ba! Eh ikaw nag almusal ka na?
Abby : hindi ayokong mag almusal, diet ako, naiinggit kasi ako sa body shape mo, gusto kitang gayahin, sige na puntahan mo na si Sir alvin.
.
Nagpunta si Katelyne sa may garden, habang papalapit siya sa kinaroroonan ni Alvin ay, nanginginig siya at tumatambol ang puso niya, at hindi siya makatingin ng diretso kay Alvin, at noon nga ay nagkaroon na sila ng kaganapan ng nagdaang gabi, at ng makarating na siya sa may lamesa, ay tumayo si Alvin at pinaghila siya ng upuan, at ng makaupo na si katelyne ay naupo na din si Alvin sa upuan niya.
.
Alvin : kumusta ang pakiramdam mo?
Kate : H-ha, o-okay lang!!
Alvin : sige kumain na tayo, dahil mamaya magpapakasal tayo.
.
Nabigla si Katelyne sa sinabi ni Alvin, ayon na nga yong hinihintay niya, napagtagumpayan na niya ang plano na akitin ang binata dahil alam niya, at kilala niya si Alvin na hindi nang-aagarabyado ng tao, eto na nga at inaaya na siyang magpakasal.
.
Kate : Hindi naman kailangang magpakasal tayo kung—–
Alvin : magpapakasal tayo Kate!!!,(malakas na sabi niya)please no more protest, and that’s final..(madiin niyang sabi) ayokong masira ang buhay mo na noon pa man ay iningatan ko na, kaya magpapakasal tayo!(ma- awtoridad na sabi)
.
Hindi na kumibo pa si Katelyne, bakit pero sa puso ni Katelyne ay hindi siya masaya, hindi kasi ganoon yong inaasahan niyang sasabihin ni Alvin, ang gusto sana niyang marinig ay, kaya sila magpapakasal ay dahil mahal siya nito, pero hindi ganoon ang pagkakasabi ng binata sa kanya, ah nasasaktan na ang kalooban niya..iba kasi ang gusto niyang marinig sa binata.
.
Alvin : kumain na tayo, tinawagan ko na si Judge Coronel, hihintayin niya tayo sa Opisina niya.
.
Halos hindi malasahan ni katelyne ang pagkain niya, dapat sana ay masaya siya, pero hindi.. Madalas sa isip niya at pinapangarap niya na sana balang araw ay mahalin siya ni Alvin, at alukin siya ng kasal, gusto niya yong tatanungin siya ni Alvin ng WILL YOU MARY ME at ibibigay niya ang matamis na YES, I WILL MARRY YOU ALVIN at susuotan siya ng singsing, pero hindi ganoon ang nangyari sa kanila, sa isip niya ay napilitan lang ang binata na papakasalan siya ng dahil sa may nangyari sa kanila at dahil nga si Alvin ay may word of honor at hindi nang-aagarabyado ng kapwa, ayon nga at sila ay magpapakasal na walang pag-ibig.
.
At hanggang sa naroon na sila sa opisina ni Judge Coronel, naroon na din ang mga kaibigan ni Alvin na sina Marlon, Brando at Garry,.
.
At samantalang si Erica ay papunta ngayon sa bahay ni Alvin, gagawin na din daw niya ang pinaplano niya kay Alvin na Pikutin ito at para daw ay mapasa kanya na din daw ang binata, at ang hindi naman niya alam ay naunahan na siya ni Katelyne.
.
Abby : bakit ka nandito?
Erica : wala kang paki-alam nasaan si Alvin?
Abby : wala siya dito, kaya makaka-alis ka na!
Erica : aba, sino ka para paalisin ako, umalis ka nga diyan sa pinto at papasok ako.(mataray na sabi niya)
.
At tuluyang pumasok sa bahay. At naupo sa may sopa sa sala..
.
Erica : ikuha mo ako ng Juice, bilis!!
Abby : aba, hindi mo ako utasan ha, wala kang karapatan na mag-utos sakin at hindi kita amo!!
Erica : aba! Matapang ka ah, tingnan lang natin ang tapang mo sakin. Kapag kinasal na kami ni Alvin, palalayasin kita dito!! Tandaan mo yan!!(mataray niyang sabi)
Abby : talaga lang ha. Nakakasiguro ka na pakakasalan ka ni sir, hoy sa panaginip mo lang iyon mangyayari, dahil si Sir Alvin at Katelyne ay kinakasal na ngayon!!!!(mataray din niyang sabi)
.
Natigilan si Erica sa sinabi ni Abby.
.
Erica : no! Hindi totoo yan!
Abby : huh!! Bakit naman ako magsisinungaling, ano naman ang mapapala ko, bahala ka kung ayaw mong maniwala, basta si Sir at kate ay kinakasal na sa mga oras na ito!
.
Tumayo na si Erica sa pagkakaupo sa sopa, at naalala niya ang narinig niya sa kwarto ni Katelyne, galit na galit siya ng umalis sa bahay ni Alvin..at samantala sa Opisina ni Judge Coronel, tapos na ang kasal nila Alvin at Kate.
.
Judge Coronel : Congratulations Mr.&Mrs.Sarmiento..(kinamayan ang bagong kasal)
.
Alvin : thank you ninong sa oras nio, kahit na malilate na kayo sa flight nio, eh nandito ka para ikasal kami..
Judge/ninong : syempre naman inaanak, sa wakas ay natuloy din ang kasal mo.masaya ako para sayo, anak. Sigurado ako kung nabubuhay lang sina kumpare at kumare matutuwa din ang mga iyon..o siya sige paano, mauuna na ako sa inyo ha, at baka maiwan ako ng eroplano.
Alvin : sige po ninong, ikumusta nio po ako kay ninang ha, ingat po kayo!
Ninong : sige, matutuwa yong ninang mo kapag nalamang nag-asawa kana. Kaya lang magtatampo yun, dahil hindi mo siya na-invite.. o sige, saka na tayo uli mag-kwentuhan, iha, alagaan mo si Alvin ha!(baling niya kay kate)
Kate : o-opo.
.
At tuluyan ng umalis ang ninong ni Alvin na nagkasal sa kanila ni Kate, ninong niya iyon noong binyag niya, matalik na kaibigan ng tatay niya iyon..
.
Mga kaibigan ni Alvin : congrats sa inyong dalawa!!
Alvin : salamat, sa inyo mga pare.
Garry : Yes!! si Alvin Sarmiento, nakatali na din sa wakas!!
Alvin : kayo talaga, tayo na nga lang sa restaurant at kumain na tayo!
Marlon : naku, pare hindi ako pwede at may meeting ako eh, kayo na lang siguro muna.,
Brando : ako din pare, susundo ako sa Airport, ngayon kasi ang dating ng Girlfriend kong si Aileen.
Garry : ako din may date ako!!
Alvin : ganun ba, sige salamat sa inyo ha!!
Marlon : wala yun pare!
Brando : sige pare mauuna na ako sa inyo, baka malate ako sa pagsundo kay Aileen..sige kate, bahala ka na sa kaibigan namin ha.
.
Ngiti lang ang sagot ni katelyne.
.
Garry : ako din pare, sisibat na din ako, congrats uli sa inyong mag-asawa..
Alvin : sige salamat!!
.
At naghiwahiwalay na silang magkaka-ibigan, ang mag-asawang Alvin at kate naman ay nagpunta na sila sa restaurant, at hanggang sa matapos na silang kumain ay umuwi na din sila, madilim na din silang nakarating sa bahay nila.
.
Abby : magandang gabi po sir alvin at mam kate..ipaghahanda ko na po ba kayo ng Dinner nio?
Kate : (nilakihan ng mata ang kaibiga)..mam ka diyan!!!
Alvin : hindi na abby, busog na kami ni Kate, kumain na kami sa labas.
.
Alvin : Kate, umakyat na tayo sa taas!!
.
Nakaramdam ng kaba si Katelyne, sasabihin niya sanang mamaya na siya aakyat dahil gusto pa niyang makipag-usap sa kaibigang si Abby, hindi na lang siya nakakibo, sinundan na lang niya ang papaakyat na si Alvin, at hanggang sa nakarating na sila sa taas at akmang bubuksan na niya ang kwarto niya.
.
Alvin : hindi ka na diyan mag-kukwarto,, simula ngayon dito ka na mgatutulog sa kwarto ko!!
.
Nagulat si Kate sa sinabi ni Alvin, nawala sa isip niya, asawa na nga pala siya ni Alvin, kaya simula ngayon ay katabi na niyang matutulog ang asawang si Alvin, nakaramdam siya ng kaba, kaya, sumunod na lang uli siya kay Alvin sa kwarto nito.
.
Kate : kukuha lang ako ng damit ko!
Alvin : sige bilisan mo!
.
At kumuha nga si Kate ng damit na pagbibihisan niya sa kanyang closet, kumuha siya ng Pajama at T-shirt at pumasok na din agad siya sa banyo upang maligo..kinakabahan man siya ay may konting excitement din naman siyang nararamdaman..at samantalang si Alvin ay naligo na din naman ng mga oras na iyon, at ng matapos maligo ay nagsuot lamang siya ng boxer hindi na siya nagsuot ng pang-itaas, excited na siya sa mga sandaling iyon dahil simula ngayon ay makakatabi na niya sa pagtulog ang babaeng minamahal, inaalala pa ni Alvin yong mga naganap sa kanila ni kate kagabi, naiimagine pa niya yong ganda ni Kate kagabi na suot ang pantulog na manipis, iniimagine niya yong mga halikan nila ni Kate, at ngayon nga asawa na niya ito, masaya siya dahil simula sa araw na ito ay magkasama na sila, at kailanman ay hindi sila mag-hihiwalay, at hindi sila mapaghihiwalay nino man!! At hanggang sa narinig na niyang may kumakatok sa pinto..natawa sa isip si Alvin at kung bakit kumakatok pa si katelyne.
.
Alvin : pumasok ka na bukas yan.
.
Habang pinipihit ni Katelyne ang doorknob ay bumibilis ang tibok ng puso niya, nanginginig ang kamay niya at hanggang sa mabuksan na niya ang pinto, at lalong bumilis ang pintig ng puso niya ng makita niyang ganoon lang ang suot ni Alvin, samantalang si Alvin naman ay napanganga sa suot niyang Pajama at t-shirt, at ang inaasahan sana ni Alvin na suot ni Kate ay yong kagaya ng suot ni katelyne nang nagdaang gabi, pero hindi, kundi ay balot na balot ito, at hanggang sa nakalapit na si Kate sa kama ng asawa, at dahang dahang naupo si kate sa kama, pinagmamasdan naman siya ni Alvin.
.
Alvin : masama ba yong pakiramdam mo, at balot na balot ka?
Kate : hindi naman ako balot na balot ah!!
Alvin : eh bakit naka-pajama ka pa, at T-shirt!
Kate : ah, parang gininaw kasi ako ng matapos akong maligo, kaya ito yong sinuot ko.
Alvin : ganun ba, wag kang mag-alala maaalis na ang ginaw mo.(malmbing niyang sabi)
.
at niyakap na ni Alvin si kate, si Kate naman ay nagra-rock en roll ang kanyang puso sa bilis ng tibok, Hanggang sa ginawaran siya ng masuyong halik sa kanyang labi ng asawa, ginapangan ng kuryente ang buong pagkatao ni Katelyne, hindi niya alam kung bakit ngayon siya nakaramdam ng hiya kay Alvin, samantalang ng nagdaang gabi ay ang lakas ng loob niya pero ngayon halo haling emosyon ang nararamdaman niya, pero lamang ang kilig sa puso niya dahil ang lalakeng minamahal niya ang nagkakaloob sa kanya ng mga matatamis na halik, at ang halikan nila ay nagiging mapusok at maalab na muli ay pinagnanais na muli nilang ipadama sa isat isa ang kanilang lihim na pag iibigan sa isat isa, at nilasap muli nilang dalawa ni Alvin ang mga naganap sa kanila ng nakaraang gabi..at yoon na nga ang simula ng buhay nila bilang mag-asawa, madami beses nilang pinagsaluhan ang tamis ng pag-ibig na lingid sa kanilang kaalaman, na silang dalawa pala ay nagkakatugma ang nararamdaman para sa isat isa..at lumipas ang magdamag ay masayang bumangon si Alvin, dahil nasilayan niya ang magandang mukha ng asawa, na ngayoy tulog na tulog pa at balot na balot sa kumot at nakahiga sa kanyang kama..hinalikan muna niya sa noo ang asawa bago tuluyang bumangon, at nang maka-bangon ay nagtungo agad siya sa banyo upang maligo at kailangan niyang pumunta sa opisina..at hanggang sa naka-alis na si Alvin ng bahay ay hindi pa din nagigising si Katelyne, masarap pa din ang tulog, gawa ng napuyat siya kagabi..nagulat na lang si Katelyne ng marinig niya ang malalakas na katok, napabalikwas siya ng bangon.
.
Abby : Ma’am katelyne..ma’am katelyne, bakit po hindi pa kayo bumabangon, ala una na po ng Hapon, humihinga...