MY MOM IS THE BEST ADVICER FOR ME!!!


MY MOM IS THE BEST ADVICER FOR ME!!!
***
Sobrang hirap na hirap na ako sa mga problemang dumadaan sa akin at pilit akong ibinabagsak! Hindi ko alam pero unti-unti akong naapektuhan at halos lamunin na ng mga problema ko.
Problema sa school!
Mental health problem dahil sa pandemic!
Mga dapat sagutan na modules!
Mga dapat asikasuhin at unahin!
At kung ano-ano pa! Nilalamon rin ako ng sobrang kalungkutan at hindi maipaliwanag na damdaming naglalagi sa aking dibdib. Alam mo yung feeling na ultimo ang saya-saya ng okasyon tapos hindi mo magawang magsaya?!
Haysstttt!!!!
Is this a signed of anxiety?!
Tapos dumagdag pa yung mga nangongopya ng gawa ko?! Iniisip ko kung paano ko poprotektahan sa mga PIRATANG MAGNANAKAW yung mga gawa kong storya?!
Kung paano ko haharapin ng maayos yung mga basher ko ng hindi ‘nagbibitaw na masasakit na salita sa kanila gayung ‘halos pagsalita na nila ako ng kung ano-ano.
Tapos may mga taong ang hilig ‘i-report yung account ko na naging dahilan nang pagkawala ng mga ito sa timeline ko at nabura na!!!!
Then, isang gabi…
Nakita ako ni Mama na halos mabaliw ng sinasambunutan ang sarili ko. Na para akong tangang nakatulala habang inaalala ang mga dapat kong gawin. Lumapit siya sa akin at inabutan ako ng tubig…
” Anong problema?” takhang tanong niya at umupo sa tabi ko. Although, hindi ko naman ugaling mag-share ng problema hanggang kaya ko itong hawakan. Pero parang may sariking utak yung labi ko at kusang nagsalita…
” Ma, pagod na ako.” pagtatapat ko.
” Saan?”β€”siya.
” Sa lahat. Sa pagiging estyudyante. Sa pagiging manunulat. Sa pandemya. Sa mga problema kong kinakaharap ngayon.” pinilit kong huwag ipakita ang pagod sa mga mata ko pero wala ‘eh! Hindi ko kaya!
Kusang tumulo yung mga luhang hindi ko pinapakawalan at pilit na ikukubli ng hindi ko namamalayan.
” Nak, kailangan ‘eh. Kailangan mong magtapos ng pag-aaral para magkaroon ka ng magandang kinabukasan. Hindi...


naman para sa amin ‘yan ng Papa mo. Para sayo yan…
Yung problema mo naman sa pagiging manunulat ‘eh alam kong kaya mo yan. May tiwala kaming lahat sayo tsaka diba pangarap mo yan? Ang pangarap, hindi dapat basta magiging pangarap lang. Kailangan mo yung pagsipagan at pagpaguran para makamtam mo. Hindi ko pinipilit sayong maging magaling na manunulat dahil sapat na sa amin kung nasaan ka ngayon.
Kasama rin sa pagtupad ng mga pangarap, ang mga problema gaya ng mga basher, mga nagre-report sayo, at mga piratang nangongopya ng mga gawa mo. Hayaan mo lang sila! Kopyahin at i-bash ka lang nila. Huwag mo silang pansinin at hayaan sila kasi wala silang magawa sa buhay.
Huwag mong ikulong ang sarili mo sa hawla ng kalungkutan. Maging malaya kang ibon sa himpapawid at ibuka mo ang mga pakpak mo para abutin ang pinaka-rurok na nais mong liparin. Basta huwag mong kakalimutan na narito lang kami at laging naka-agapay sayo.
Kapag pagod ka ‘edi magpahinga! Pero huwag kang basta-basta susuko! Lagi ka lang manalig sa itaas at paniguradong pakikinggan ka niya.” mahaba ngunit may lamang saad ni Mama sa akin.
Na-realize kong tama si Mama…
Na tama nga yung sinasabi nilang ‘mother’s know the best for their child…
” Thanks, ma… Sobrang na-appreciate ko yung mga payo mo.” paglingon ko sa kanya sabay yakap ng mahigpit.
” Oh siya! Gabi na. Magpahinga ka na dahil yun ang kailangan mo. Basta yung payo ko sayo, huwag mong kakalimutan.”β€”mama bago itong nagpaalam na mahihiga na.
Doon ko na isip na…
Kailangan kong ikalma ang sarili ko. Dahil kung mas lalo kong iisipin ang problema ‘may posibilidad na hindi ko ito masusulusyunan. Kung mas ito-torture ko ang aking sarili ‘edi ako lang ang kawawa in the end!
Hayssttttt!!!!
Thanks talaga kay mama…
She’s my best advicer in the world!
Wala talagang tatalo sa Ina pagdating sa mga ganung bagay.
#end
Have a great night everyoneeeeeeπŸ’–






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top