THE MAN WAS WILLING TO SACRIFICE HIS LIFE
“Sabay tayong magmimilitar,” he said wholeheartedly.
That line made me think I wanted to join military service. Suot ang itim na toga nang parehas kaming kinuhanan ng litrato na hawak ang diploma habang ang isa naming kamay ay nakahawak sa aming mga kamay.
“Hindi na diploma ang hawak natin balang araw, kundi mga baril na.”
Napangiti ako sa kanyang sinabi. Matagal nang pinapangarap ni Castriel na maging bahagi ng military service. Castriel has been my longtime boyfriend since highschool. We have been in a relationship for six years. Pareho naming gustong magsundalo dahil aaminin kong takot din ako sa digmaan.
I couldn’t help but be scared. But because of Castriel, mas lumalakas ang loob ko sa tuwing sinusuportahan niya ako.
I want to fight my fears. Alam niyang may mapait na nakaraan ako. Pero magiging walang silbi ang pagiging duwag ko kung habang buhay akong dadalhin ng takot ko.
SIX MONTHS LATER, we were declared as a Philippine Army.
“GILLIAN!” That shout shocked me after she called my name. Napatingin ako sa kapwa ko militar na halos hingal na hingal sa pagtakbo. “Nabaril si Cristeal sa bandang braso niya,” aniya na muntik nang matapon ang kape ko sa uniform ko. Nagulat ang ilan sa mga nakarinig at napasulyap pa sa ‘kin.
Ilang segundo akong naging natulala bago tumayo at biglang tumakbo sa campgrounds. Narinig kong tinawag ako ng mga kaibigan ko pero wala akong balak lingunin sila dahil punong-puno ako ng pag-aalala sa boyfriend ko.
Unti-unting bumabalik sa isip ko ang mga nangyari noon na hindi ko na gustong maalala. The memories made me cry and traumatized me.
Bago pa man ako makalabas ng gate ay naaninag ko na agad ang mukha ni Castriel, ngayong inalalayan siya ng ibang mga sundalo. Tumakbo ulit ako para makalapit sa kanya.
“Castriel!” sigaw ko at napatingin siya sa akin saka natigilan. I immediately gave him a tight hug so that some of the soldiers suddenly retreated. “Alam mo bang tanga mo! Gusto mo na bang mamatay?!”
He laughed softly before staring at me. “Takot ka, Babe?”
Bigla ko siyang sinuntok ng mahina sa dibdib.
“Putngina mo. Tinatanong pa ba ‘yan?! May girlfriend bang matutuwa kapag nabaril ang kanyang kasintahan? Utak mo nasa elementary pa rin.”
“Bakit ka galit?”
“Dahil muntikan na akong maiyak sa sobrang takot, Striel!” sigaw ko at natigilan siya. “You know what happened before, don’t you? Sobra akong nag-alala sayo noong sinabihan ako ng masamang balita tungkol sayo. Pakiramdam ko, hindi pa rin ako ayos—”
“Naalala mo pa rin?” napahinto ako nang magsalita siya bigla dahil alam niya agad ang tinutukoy ko. Napatango agad ako sabay tumulo ang luha ko, na agad namang napansin ni Cristeal.
I still can’t forget to this day what happened then. Three years ago, my father was a chief of the army staff while my older brother was an air force. Sinugod kami ng mga terrorist sa aming bahay at hinahanap si papa. Kasama ko ang pamilya ko noong araw na ‘yon dahil nagday-off muna sila para makasama nila ako. I still remember how my older brother was shot in the head while the terrorists mercilessly raped my mother before they killed her. Simula nang kuhanin nila ang papa ko, wala na akong balita sa kanya kung nasaan na ba ang papa ko. Mahirap para sa ‘kin na kalimutan ang nangyaring ‘yon dahil ako lang ang binuhay nila—na sinadya nilang patayin sa harapan ko ang pamilya ko at mahirapan ako na mamuhay nang walang pamilyang makakasama ngayon.
“Sorry..” niyakap ako ni Cristeal bago niya ako hinalikan sa sentido. “Nakita lang namin ng kasamahan ko ang isang terorista sa bangketa kaya sinubukan naming hulihin siya ngunit inulanan kami ng bala, kasama rito ang kasabwat niya. Sorry ulit, Babe..” paliwanag niya.
Hindi man lang niya napansin ang sugat sa braso niya na patuloy pa rin sa pagdurugo. Napatingin si Cristeal sa mga sundalo at nginitian niya ang mga ito matapos bigyan ng makahulugang tingin.
Castriel and I spent three days in Palawan to celebrate our anniversary during our vacation day.
THREE MONTHS LATER, the news of the terrorist attacks in Mindanao has spread. The soldiers prepare to take part before they fight in the war, along with my boyfriend, while the female soldiers remain stranded.
Nagpumilit akong sumama, na halos lumuhod na ako sa harap ng Army officers. Wala silang nagawa kundi ang isama ako sa mga iba dahil magdadala rin sila ng ilang female soldiers para tumulong sa mga nurse na gagamot sa mga sundalo kung sakaling tamaan ang mga ito ng bala.
Buong oras lang ako naging tulala sa byahe hanggang sa makarating kami ng Mindanao. Pagbaba naming lahat sa military trucks, nagulat ako nang bigla akong hilahin ni Castriel at hinalikan ako sa noo.
He sparingly smiled at me as he looked at me. “I love you..” he whispered before he followed the soldiers.
Hindi ko man lang nagantihan ang linya na ‘yon bago siya umalis. Mayamaya ay tinawag ako ng kasamahan ko para pumunta sa mga nurse. Naghintay kami ng ilang oras sa area kung saan hindi kami aatakehin ng terorista. Rinig na rinig namin ang putukan ng baril, ilang pagsabog ng bomba at mga usok sa ulap. Hindi ko maiwasan ang kabahan.
Ilang sandali pa, may naaninag kaming ilang duguan at sugatang sundalo na papalapit rito. Agad kaming tumayo at naghanda ng medical kit.
“Dahan-dahanin niyo lang,” utos sa amin ng nurse habang inaalalayan namin ang mga sundalo. Nagulat kami nang biglang sumigaw ang isa sa kanila.
“I saw General Juan Ramos! He‘s already a terrorist! I can see in my eyes that he is!”
When I heard that I almost let go of the hand of a bloody soldier. I saw the simple glance at me of others.
“He’s your father, isn’t he?” tanong ng isang army officer sa ‘kin nang tingnan niya ako. Nagdulot ito ng bulungan sa paligid. Hindi ako nakasagot agad dahil may isang sundalo na tumakbo papunta rito.
“Bumalik ako rito kasi ang dami nila, Sir! Kasama ko si Castriel kanina kaso sa dami ng sumugod sa amin, hindi ko naman sinasadyang iwan siya dahil naubusan ako ng bala. Pasensya na po—” Hindi ko na naituloy pang pakinggan ang sunod niyang sasabihin nang humablot ako ng sandata sa isang sundalo...