Nerdy Cinderella


Isang nerd, iyan kung ilarawan si Carla ng mga kaibigan. Hindi siya mayaman, naka pasok lamang siya sa sikat at pribadong eskwelahang iyon dahil sa kanyang scholarship. Matalino siya at sa palagay niya ay ito lamang din ang dahilan kung bakit mayroon siyang kaibigan.
Malaking eye glasses, gusot na uniporme at buhok na mukhang bihirang masuklay. In short, pangit siya. Palaging library ang kanyang tambayan, wala siyang panahon sa ibang bagay. Tanging pag-aaral lamang ang inaatupag niya, gusto niyang makatapos agad at matulungan ang ama sa pagtataguyod ng kanyang mga kapatid.
Ngunit kahit pangit siya at priority niya ang makapag tapos, mayroon siyang lihim na nagugustuhan. Si Troy. Mayaman, guwapo, sikat na varsity player, kaya alam niyang hanggang pangarap na lamang ang binata.
Summer vacation na, uuwi siya sa probinsya para tumulong sa mga magulang, ang amo kasi ng mga magulang ang nagbigay ng scholarship sa kanya. Kailangan daw ng mga ito ng dagdag na kasambahay ngayong bakasyon dahil darating ang bunso nilang anak.
Isinama siya ng ina sa mansion, ito ang nagsisilbing mayordoma roon. Ang kanyang ama naman ay katiwala ni Don Patricio sa hacienda. Matagal nang naninilbihan ang magulang sa pamilya kaya hindi na iba ang turing ng mga ito sa kanila. Natatandaan niya, noong bata pa ay sa mansion siya madalas maglaro, mayroong pilyong bata noon na lagi siyang pina-iiyak. At kapag umiiyak na siya ay aaluin siya nito at sasabihing ‘tama na, hindi bale at pakakasalan kita paglaki natin’, lalo naman siyang iiyak at magsusumbong sa nanay niya.
Itinalaga siya ng kanyang ina na ihanda at linisin ang kuwarto ng bunsong anak ni Don Paricio. Hindi pa niya nakikita ang bunso at nag-iisang lalaking anak ng Don. Sa Maynila na ito lumaki at bihirang umuwi ng...


Cebu.
Kinagabihan, humahangos na pumasok sa maid’s quarter ang ina, may dala itong kahon. Isang napakagandang gown ang laman niyon. Mabilis na ipinasuot sa kanya, utos daw ni Don Patricio. Natataranta naman ang mga kapwa kasambahay na inayusan siya ng buhok at nilagyan ng kaunting pulbos at lipstick.
Kinakabahan, naguguluhan siya habang naglalakad, ang alam niya ay welcome party lamang ito para sa bunsong anak ng Don.
Sinalubong siya ng matanda. Inilahad nito ang palad para alalayan siyang maglakad. Nagtataka man ay naki-ayon na lamang sa mga pangyayari.
Nagulat siya nang makarating sila sa malawak na hardin kung saan ginaganap ang party ay naroon si Troy, naka ngiting nakatingin sa direksyon niya. Tila nawala sa puwesto ang kanyang puso, bahagya siyang nanginig dahil tila napakaraming paru-parong nagliliparan sa kanyang sikmura.
Halos himatayin siya nang hiningi ni Troy ang kanyang permiso para maging nobya nito. Dahil ito raw ay sumpaan nila nang sila ay mga bata pa. Hindi naman siya ipokrita para tumanggi pa, isinuot ni Troy ang isang infinity silver ring sa kanyang daliri at hinagkan ang kanyang noo. Tila nasa alapaap siya nang mga sandaling iyon. Sa isang iglap ay natupad ang akala niya ay sa panaginip lamang mangyayari.
Si Troy pala ang nasa likod ng kanyang scholarship. Ito rin ang pumili ng iskwelahan para sa kanya, para lagi niya itong nakikita.
Pagkatapos ng summer break ay balik-eskwela na ulit si Carla. Tulad ng dati ay ugly nerd na naman ang kayang itsura. Mas gusto pa nga ni Troy na ganito ang kanyang itsura para raw wala siyang magiging kaagaw. Kahit tarpaulin ng tukso ay hindi ikinahiya ni Troy na isang ugly nerd ang kanyang nobya.
Marami naman ang nainggit sa mala- Ciderella’ng kuwento ni Carla.





1
Share On Whatsapp

Leave a Reply






top