NINAKAW KO ANG MANOK NI MANG KANOR


NINAKAW KO ANG MANOK NI MANG KANOR”
One shot Story
“Oh tinatanga tanga mo dyan bakit hindi kapa maghanap ng pwedeng mauulam natin”pasigaw na sabi nitong si mama habang nakapamay awang pa
“Mama naman eh binbili na ngayon ang ulam wala kanang makikita dyan sa tabi tabi pahinge nalang ng pera”ani kopa sabay lahad ng kamay kay mama para humingi ng pera
“Aba aba wala na nga akong pera maghanap ka dyan hindi puro pataba kanalang”galit ulit nitong sabi sa akin si mama talaga barat pang bingo nanaman nya yun
Lumabas naman ako naglakad lakad, hanap hanap hayst saan naman ako makakahanap
“Tiktolaok”
napatigil naman ako ng may makinig na tilaok ng manok pero naalala ko sinabi ni mama maghanap daw ako ng mauulam ito na ba yung sinasabi ni mama
Nagtingin tingin naman ako sa paligid nice walang tao
“Oh kiko nandyan ka pa_”
“AY KABAYONG LUMIPAD!”gulat kung sambit napatingin naman ako sa nasa likod ko ngumiti lang ako sa kanya aalis na sana ako ng bigla nyang hawakan ang damit ko
“Mang kanor ikaw pala hindi kita nakilala ang gwapo nyo kasi ngayon,”pambubola kopa dito
“Ikaw talaga kahit wag mo ng sabihin matagal ko nang alam yan”nakangisi nyang sabi mahangin din pala sya katulad ng mga tambay sa kanto
“Aalis napo ako”pagpapaalam kopa pero hinawakan nanaman nya damit ko
“Gusto ko sanang bantayan mo tong mga alaga kong manok kiko may pupuntahan lang kasi kami ng mga pare ko”
“Ako po? Ah sige sige po ako po bahala sa mga manok nyo!”masaya kung sabi pa dito umalis naman sya na para bang nagmamabilis
Ilang minuto narin akong nagbabantay dito naalala ko nga pala sinabi ni mama panigurado walang ulam sa bahay nagtingin tingin naman ako sa paligid tiningnan ko rin yung mga manok
Palihim akong kumuha ng isa at nilagay sa damit ko wala dali...


dali akong tumakbo papunta sa bahay naggayat na ako ng mga rekado inumpisahan ko namang tagkalan ng mga balahibo yung manok
~nakalipas ang isang oras~
Kain lang ako ng kain dito ng niluto kung adobong manok
“Kuya ang sarap naman ng ulam natin saan mo binili yan?”patanong pa nitong kapatid ko sa akin
“Adobong manok ? Bakit ang kunat kunat parang matanda nayang manok nayan ah”pagrereklamo naman nitong isa
“KIKO!!!”napatayo naman ako bigla ng makinig ang boses na iyon si mang kanor gagi tatago ba ako oh lalabas
“Oh kuya si mang kanor yun diba ,tinatawag ka”
“Sshhs wag kayong maingay sabihin nyo wala ako dito”pabulong kopa dito
“Mang kanor nasa loob po si kuya!”napasapok naman ako sa noo ko ng marinig ko ang boses nayun masyado syang tapat bakit nya sinabi na nadito ako wala na akong choice kundi ang lumabas
Pagkalabas ko na pagkalabas kita ko ang mga mata nito na nanlilisik na para bang lalamunin ako ng buhay may dala syang dos por dos na kahoy lagot
“Oh mang kanor bakit po kayo nandito?”kinakabahan kung tanong dito
“Diba sabi ko nama sayo bantayan mo mga manok ko bakit nawawala si LAKAS!”
“Ah kasi po ano_ nagluto ako dito sa bahay ng ulam namin kaya po ako umalis diko alam kung nasaan si lakas”pagbubulaan ko pa
“Kuya may nakuha akong ulo ng manok dito”napatingin naman ako sa kapatid ko ng sabihin nya yun paktay yung ulo ng manok hindi ko nasama sa pagluto
Sumama naman lalo ang tingin ni mang kanor sa akin
“M_mali po k_kayo ng iniisip yung aso yung aso ang may kagagawan”mautal kung pagpapaliwanag
“KIKO!! KINATAY MO SI LAKAS!!”
“isa..dalawa …tatlo..TAKBO….”sigaw kopa sabay takbo ng mabilis kita ko ang pagsunod ni mang kanor nakasalubong kopa si mama
“hindi ko ninakaw si LAKAS!!”sigaw kopa may pantaga sya takbo!
@END
written by— Ella Manunulat






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top