NANG DAHIL SA MALL CHAPTER 8


NANG DAHIL SA MALL”
+CHAPTER 8+
KINABUKASAN!
.
.
–nandito ako sa bahay at iniisip ko parin mga sinabi ni ashley, gusto kong malaman kung sino yung lalaki na gusto nya pero ayaw nya sabihin, maya-maya ay may natanggap akong text galing kay ashley–
.
.
“uyy, kamusta kana?” tanong nito sakin.
“ok lang naman, may iniisip lang ako” saad ko sa kanya.
“ahhh ganun ba? nag almusal kana ba?” tanong nito sakin.
“hindi pa, wala kong gana ehh” saad ko sa kanya.
“bakit? may problema kaba?” tanong ulit nito sakin.
“hmmm, wala naman” pag da-dahilan ko sa kanya, ayokong malaman nya na sya yung iniisip ko at yung mga sinabi nya sakin kahapon.
“o sige mamaya nalang” saad nito sakin.
“huh? bakit naman?” tanong ko sa kanya.
“mukha kasing may problema ka na di mo sinasabi sakin or ayaw mong malaman ko” saad nito sakin.
nagulat naman ako kasi nahahalata nya pala yun kahit nagte-text lang kami.
“hysss, punta na nga lang ako dyan” saad ko sa kanya.
“hmmm, may ginagawa pa ko, dun nalang tayo magkita sa mall mamayang 2PM” saad nito sakin.
“o sige” saad ko sa kanya.
.
.
FAST FORWARD!
.
.
–nandito nako sa mall kung saan kami magkikita at kung saan kami unang nagka-kilala, kaso anlaki ng mall nato di ko alam kung saang banda kami magkikita, hindi...


kaya dun sa inupuan namin kung saan kami unang nag-usap?, nang makapunta ako ay di nga ako nagkamali, andun sya–
.
.
“zupp” saad ko sa kanya.
“upo ka muna dito, may itatanong kasi ako sayo” saad naman nito sakin.
napa-isip naman ako kung ano yun.
“ano naman ang gusto mong itanong?” tanong ko sa kanya.
“may nagugustuhan kana bang babae?” tanong nya sakin na may kasamang ngiti.
“h-ha? b-bakit?” nauutal kong tanong sa kanya.
“wala, nai-tanong ko lang, nakita ko kasi sa mukha mong may dinadala kang problema” saad nito sakin.
“w-wala naman” saad ko sa kanya.
nagulat naman akong tumayo sya bigla at hinawakan ang kamay ko, bigla nyakong hinila na parang may nais syang puntahan.
“saan tayo pupunta?” takang tanong ko sa kanya.
“saan paba? edi sa quantum” saad nito sakin.
“ano naman ang gagawin natin dun?” tanong ko ulit sa kanya.
“diba nung una nating pagkikita sabi mo sakin nun pumupunta ka dito para makalimutan mo mga problema mo? kaya wag kana maraming tanong, sumama ka nalang” saad nito sakin na nakangiti ang mga labi.
natulala ako sa mga sinabi nya, dahil naalala nya pa yun at napansin ko namang nakita nyang di ako gumagalaw at nakatingin lang sa kanya nang bigla naman syang lumapit at hinawakan ang kamay ko at bigla nya nanaman akong hinila.
“tara na” saad nya sakin.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top