Monteviere Academy


Monteviere Academy
Genre: Teen Fiction
Author: Gegebells
Prologue
“Noon pa man ay pangarap ko na ang makatuntong sa isa sa mga prominent school dito sa bansa. Oo, alam ko na challenging pero kahit na anong mangyari, hindi ako susuko, na makakamit ko rin ang aking mga pangarap kung magsisikap at magtyatyaga ako. Na dapat kahit ano pang ang pagdaanan, walang sukuan. Ako nga pala sa Moon, 15 years old at kasalukuyang nag-aaral sa Domdang highschool. Sa katunayan ay mahirap lamang kami, hindi rin kalakihan at kagandahan ang bahay namin. Hindi rin magara ang mga kasuutan namin. Simple living kumbaga. Pangarap ko talaga ang makapasok sa Monteviere Academy dahil alam ko sa sarili ko na special ako sa natatangi kong kakayahan na hindi lamang ordinaryo ang kaya kong gawin, na may ipagmamalaki rin ako sa mundo, sa mga humuhusga sa aming mga mahihirap. Naniniwala ako na mas lalo akong huhusay at gagaling sa aking special skills na ipinagkaloob sa akin ng may kapal at naniniwala akong every person has it’s special gift to itself, kaya magtiwala lang sa sarili. Ang Monteviere ang magiging tulay ko sa tagumpay. Mahirap at really challenging pero kakayanin ko ito. Wala rin sa bokabularyo ko ang sumuko at hindi ako tinuruan na sumuko na lamang sa hamon ng buhay dahil alam ko na may mabuti akong future sa hinaharap. Maraming salamat.”
Clap! Clap! Clap!
My inspiring speech sa graduation ceremony para sa mga fellow students ko na ngayon ay malapad ang ngiti sa labi habang nilalasap ang matamis na prutas ng tagumpay na sa wakas ay natikman rin pagkatapos ng tatlong taon na challenging moments na nangyari sa panahon ng aming pag-aaral at ngayon ay tapos na. Tapos na ang highschool days namin at ito, medyo nalulungkot na magkakahiwalay na ang school year na ito, specially ang mga naging classmates ko sa gifted class. After ng mga nangyari, heto na kami, masaya kasi sa lahat ng hamon na hinarap namin bilang gifted, simula sa training,struggles, at conflicts, heto, still standing infront of everybody and very proud of our big successes and achievements.
Bumuntong-hininga muna ako bago bumaba ng stage at nakangiti akong sinalubong ng mainit na yakap ni Mama pati ng kapatid kong si Kobe. Nakapout na naman si Kobe. Mula sa pagkakayakap kay Mama ay naagaw ng aking atensyon si Prexie na todo ang kaway sa kin kaya kinawayan ko rin sya. Masarap sa pakiramadam na nakikita mong nakangiti ang mga taong naging bahagi at kasama mo noong panahon ng unos at problema. Ang saya sa pakiramdam at nakakaproud sa sarili!
“Ma, puntahan ko lang po sila roon. May sasabihin po...


ako.”
Agad namang tumango si mama. ” okay sige,doon lang kami ni kobe.” ani Mama at hinawakan si kobe at naglakad sa papunta sa mga nagkukumpulan at naguusap na staff ng school.
“Ang ganda nung speech mo ah? Grabe, very inspiring.” ani Prexie na nariyan na pala sa likod ko. Ngumiti na lamang ako dahil diko na alam ang sasabihin ko. Naghahalo halo ang mga emosyon ko ngayong araw. Pakiramdam ko ay mahihimatay na ako sa sobrang sya.
“Maraming salamat sa lahat, Moon. Salamat sayo dahil iniligtas mo kami. Malaki ang utang na loob namin sa’yo. Tatanawin namin na isang malaking utang na loob ang ginwa mo para sa buong school at sa gifted class.Salamat.” ani Pharah. Ngumiti ako.
“Hindi lamang dapat kayo sa akin magpasalamat, kundi… Sa mga sarili ninyo. Dahil naging parte rin kayo ng success na ito…kaya lahat dapat pasalamatan ang sarili. Okay?”
“Hmm..” pagtango ni Pharah. Ngumiti ulit ako sa kanya .
“oh? Ano bang pinag-uusapan nyo jan? Mukhang seryoso ah? Pasali naman oh?” biglang singit ng kadarating na si Nutchart. Umiling -iling na lamang ako. Sa masamang tingin pa lamang ni Pharah ay alam ko na ang mangyayari.
“Moon!!” boses ni Prextie mula sa likuran. Nilingon ko ito.
“tara! Doon tayo oh?” at wala sabi-sabing hinila nya ako kaya i go with the flow. Nakarating kami sa catering area kung saan naroon ang pagkain. Hay! Ang hilig kumain nitong si Prextie pero di naman tumataba. Hayst! Tsk!
“kumakain ka na naman Prextie? Tsk! Ang takaw talaga nito.” ani Paul na inirapan lang ni Prextie.
“eh ano naman? Wala ka na don! Tche! Hmp!”at tsaka umalis kasama ang plato nya. Napailing na lang ako.
“By the way, congrats pala Moon.” ani Paul at inilahad ang kamay nya pero tinitigan ko lamang iyon at tsaka tumungin sa kanyang mga mata halatang naghihintay pero di ko iyon tinanggap instead ibinaba ko ito. Nagtaka sya.
” hindi Paul, congrats sa atin because of our success. And we all do it.” pareho na rin kaming natawa dahil sa mga iniisip namin. Hanggang sa hindi na lamang namin namamalayan na nakisali narin ang iba naming mga classmates at nakisaya sa min.
I should say that naging masaya ang mga taon ko rito lalo na sa mga classmates ko tumanggap sa kin sa kung ano at sino ako at laging nakaalalay sa lahat ng panahon. Dito ko rin nakita at naranasan ang teamwork.
Very blessed to have them and i will treasure this friendship forever.
Bago ang ako nakarating dito, paano nga ba nagsimula ang Lahat?
•G O I N G B A C K. T O T H E P A S T•
Pa approved po!😉






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top