NINAKAWAN AKO NG HALIK NI KUYA


NINAKAWAN AKO NG HALIK NI KUYA
Written by: Steffy Craige
Medyo nahihilo pa ako ng lumabas sa C.R ng isang Mall
“Aray!” muntik na akong matumba ng biglang may bumunggo sa aking lalaki.
“Sorry Miss” nag sorry sya pero hindi sya tumigil at diretsyo lang sa paglalakad
Naamoy ko ang pabango nya habang paalis sya —Shit ang bango nya hehe. Kaya nilingon ko sya, nakita kong may nahulog na bracelet galing sa kanya
“Kuya wait lng yung bracelet mo nahulog!” sigaw ko pero hindi nya narinig kaya sinundan ko na lang kahit medyo nahihilo pa ako ng dahil sa alcohol
“Kuyang mabango!” sigaw ko ulit sa kanya ng maabutan ko sya
“Ako ba tinatawag mo Miss?” nagtatakang tanong nya
“Ay hindi, hindi ikaw ang tinatawag ko. Wala naman ibang tao dito diba? Malamang ikaw” pag pipilosopo ko
“Bakit tinatawag mo ako? Anong kailangan mo sa akin Miss?” suplado nyang tanong, ayaw nya atang pinipilosopo sya
“Sayo itong bracelet diba?” pinakita ko sa kanya yung bracelet
“Pano napunta sayo yan?” aagawin na sana nya ito pero nailayo ko agad
Mukang mahalaga sa kanya ito dahil nagulat sya nang makita nyang nasa akin ang bracelet nya
“Sige bibigay ko ito sayo pero pwede bang malaman ko muna kung ano ang pangalan mo?” pang-aasar ko sa kanya, lakas ata ng tama ko
“Miss bigay mo na lang sakin yan akin naman yan eh, kaya akin na” inaagaw nya sa akin yung bracelet
Di’ko binibigay ang bracelet nya dahil mukang mag eenjoy ako sa pamimikon
“Ano muna nga ang name mo tapos bigay mo nadin sa akin number mo” sabi ko habang tumatawa
“Nahihibang kana ba? Ang lakas ng tama mo Miss, lasing kana kaya umuwi ka na lng pero bago ka umuwi bigay mo muna sakin yan
“Sige uuwi na...


ako pero sakin na lang ito ah, thank you” aalis na ako pero pinigilan ako nito at hinawakan nya ang braso ko
Dahil ayaw nya ako paalisin sumigaw ako para mas lalo syang mainis at pakawalan na nya ako
“Tulong binabastos po ako ng lalaking ito!” habang sumisigaw ako ay di’ko namalayang mga tao palang naka tingin sa amin
“What the— hey stop it! Ano bang pinagsasabi mo dyan hinawakan lang kita di kita binabastos no” sabi nya habang sinusubukan nyang takpan ang bibig ko at para pigilan ako
“Bitawan mo nga ako” sagot ko
Dahil dipa rin nya ako binabitawan kaya sumigaw pa ako
“Tulong!”
“Stop it! Ang daming taong nakatingin sa atin oh”
“Heheh pasensya napo kayo sa girlfriend ko lasing lang po kase sya!” sabi nya sa mga taong nakatingin sa amin
“Anong girlfriend ang pinagsasabi mo dyan? Hindi nga kita kilala eh” sagot ko naman habang pinag-aagawan namin ang bracelet nya
Sa sobrang likot ko di’ko namalayan nakayakap na pala sya sa akin
“Tulungan nyo ako hinaharas nya po ako!” muling pag sigaw ko
“Pag dika tumigil hahalikan kita” pag babanta nya
“Bakit kala mo natakot ako, imposible naman gawin mo eh” sagot ko sa kanya tas sumigaw ulit ako
“Tulungan nyo—” diko na natuloy sasabihin ko ng mabilis nyang hawakan nya ang pisngi ko at hinalikan nya ako
Di ako maka galaw sa kinatatayuan ko at natameme na lang ako
“Cassy!” nagulat ako sa sigaw ng kaibigan ko ilang minuto na pala ako nakatayo lang dun.
Naka alis na pala si Kuya at nakuha nadin pala nya sa kamay ko yung bracelet nung hinalikan nya ako
“Omg besh” muling pag salita ko
“Ohh bakit anong kabaliwan na naman ba ang ginagawa mo?” tanong ng kaibigan ko
“t*ngina besh ninakawan ako ng halik.”





1
Share On Whatsapp

Leave a Reply






top