ONE NIGHT WITH A STRANGER❣️ ❣️Chapter 3❣️


ONE NIGHT WITH A STRANGER❣️
❣️Chapter 3❣️
“Si Havoc po?” Hindi rin alam ni Syl kung bakit siya nagbunta sa mansyon nila Havoc. Dahil ba gusto niya itong makita? O dahil namimiss niya na ito? O kaya naman dahil di na ito mawala sa isip niya.
“Nasa kwarto pa niya Iha namimiss mo na ba ang fiance mo? Mukhang nagkakamabutihan na kayo ng anak ko.”Pagbibiro sa kanyang ginang. Kaya pasimple lang siyang tumawa.
Naisipan niyang puntahan niya na lang ito sa kwarto.It was weekend kaya wala silang pasok may dala rin kasi siyang breakfast at gusto niya sabay silang kakain. Ewan niya ba parang nahuhulog na siya agad sa lalaki.
Kumatok siya sa pintuan ngunit walang sumasagot kaya inisip niya na baka tulog pa ito kaya ganon na lamang ang gulat niya ng makita itong kalalabas lang banyo at tanging tuwalya lang ang nakatapis ss baywang.
“Syl.”Nagulat din ito ng makita siya kaya mabilis siyang nag-iwas ng tingin.” May kailangan ka ba? Bakit ka napunta dito? “May himig ng panunukso ang boses nito. Bakit ba biglang sumagi sa isip niya ang mga naganap sa kanila ng gabing iyon.
” Ahh wala… Kala ko kasi tulog ka pa. May dala kong breakfast… Baba ka nalang..”Ewan niya ba kung bakit muntik na siyang magkautal utal. Narinig niya naman ang mahinang tawa nito.
Lalabas na sana siya ng kwarto pero hinawakan nito ang braso niya at sinandal siya sa pader.” Miss mo ko noh? “Mabilis naman siyang umiling.Kahit alam niyang nagsasabi ito ng totoo.
” Asa! Bakit naman kita mamimiss? Meron bang tayo? “Kaya ang kaninang ngiti ay nawala sa labi nito at biglang naging blanko ang ekspresyon ng mukha. Tinalikuran siya nito at ito na rin ang nagpalabas sa kanya.
“F*ck! Why is she so stubborn? Bakit hindi niya na lang aminin na may nararamdaman na rin siya para sa akin. Mahal niya pa rin ba ang lalaking yon?” Pagkausap ni Havoc sa sarili. Bakit ganon ang bilis niya ng magselos.
Pagkababa niya. “Talaga Tita?” Nadatnan niyang nag-uusap si Syl at ang mommy niya. Makita lang ang maaamong mukha ni Syl ay kumakalma na siya. And when she look at him doble doble ang saya niya.
“Sige maiwan ko na muna kayo. Enjoy your time love birds.” Nakita niya kung paano ito pamulahan ng pisngi. “Ang bait talaga ng mommy mo.” Sabi nito siguro dahil natetense na rin dahil iba ang klase ng pagtitig niya.
“So when do you plan to leave?” Mahina niyang tanong pero sapat na para marinig nito. Kita niya ang pagguhit ng sakit sa mukha nito. Gusto niya lang naman malaman ang reaksyon nito.
“Ahh… Ngayon… Dinala ko lang yung breakfast na gawa ni mommy.” At tumayo na ito. Bigla tuloy siyang naguilty. Syl is sensitive as ever lalo na ang damdamin nito. Bakit niya ba nakalimutan iyon?
“Wa-“May sasabihin pa sana siya pero umalis na ito. He curse himself for hurting her feelings. Alam niyang nasaktan niya na ito by his own words. Why kind of fiance is he? Sinasaktan niya na ang babae kanyang pakakasalan.
———–
” Ang kapal ng mukha niya! Ako nga itong nagmamagandang loob.I hate you Havoc! Hinding hindi na ko babalik sa mansyon niyo!” Nagwawala si Syl sa loob ng passengers seat kaya napatingin na lang sa kanya ang driver niya.
“Kuya Roel ano na umalis na tayo dito. ” Kaya wala itong nagawa kundi paandarin na ang kotse. Naisipan niya munang dumaan muna sa mall para bumili ng art materials. May kinalaman din...


kasi sa arts ang course niya and she loves it.
“What’s with that face?” Tanong ng mommy niya ng makauwi siya sa manyon. “Ask that bastard.” Sagot niya sa ina at umakyat para makapunta sa kwarto niya at gugulin ang oras niya sa pagpapaint o pagdadrawing. That’s her past time.
Before doing somethings she opened her laptop to see kung may mga nagmemessage sa kanya and holyshit nagmemessage si Jace parang kahapon lang ay narinig niya ang masasakit na salitang binitawan nito.
“Im sorry Syl I still love you…”
“Bumalik ka na sakin Syl wala na kami na realize kong ikaw lang ang mahal ko…”
Para namang hindi niya narinig ang mga pinagsasabi nito tungkol sa kanya.Sabagay hindi siya nito nakita.
“I will make up to you please come back to me, babe.” Kaya inis niyang isinarado ang loptop. “Pero bakit ganon parang wala na sa kanya agad ang lahat? Nalipat na ba talaga ang nararamdaman niya kay Havoc? She doesn’t like what she feels.
” Iho nag-away ba kayo ng anak ko? “Tanong sa kanya ng mommy ni Syl ng pumunta siya sa mansyon ng mga ito. Hindi niya tuloy alam ang sasabihin.
” Its nothing Tita nag-asaran lang po kami. “Kaya pasimpleng tumawa ang ginang. Sinabi nitong nasa kwarto si Syl pero ng puntahan niya ito doon ay wala namang tao. Ng tanungin niya ang kasambahay ay nasa garden daw ito.
” Yaya ano bang sinabi ko? I want to be alone so just go. “May bahid ng inis ang boses nito. Nakatalikod ito sa kanya. Dahan dahan siyang naglakad papalapit rito.
“F*ck I hate that Havoc akala mo naman kung sino.”Rinig niyang bulong nito habang nagpapaint.”Im sorry babe. I know na mali yung nasabi ko sayo kanina. I was just hurt nung sinabi mong walang tayo.” Kaya humarap na ito.
“What?! Did you hear it? Lahat ng sinabi ko. You bastard bat di mo sinabing nandoyan ka pala!” Gigil na nitong sigaw.Pinigilan niya lang tawa.”Bakit ikaw pa ang naging fiance ko. I hate you!”
“By the way the food is delicious naubos ko..” Pag-iiba niya sa usapan. “Of course! Duh ako ang nagluto at nagprepare non!”Sabi nito na ikinagulat niya. Napansin niya ang pinapaint nito. Siya ba yon?
“Ma’am Syl may tumatawag po. Jace daw po ang pangalan gusto daw po kayong makausap.” Sabi ng kadadating lang na kasambahay kaya nasira ng moment nila ni Syl.
“Sabihin mo wala ako! At wag na daw siya kamong tatawag ulit.” Mataray nitong sagot sa katulong. Iba talaga ito. Minsan mabait minsan sobrang taray. “What now? Umalis ka na!” Pagtataboy nito.
“Meron ka ba bakit ang sungit mo?” Pang-aasar niya. Kahit alam niyang siya ang dahilan ng pagsusungit nito. He hurt her feelings because what he said earlier.Sabi nga nila words cut deeper than the knife.
“You know your a bastard! I can’t believe it na ikaw ang lalaking pakakasalan ko.I can feel it already na sasaktan mo lang ako.Katulad ka lang ng ibang lalaki diyan!”
“What you feel to me? I know that just lust! Nagtyatyaga kang gawin ang lahat ng iyan para lang maikama ako ulit. Pare-” Bago pa nito matuloy ang sasabihin ay kinabig niya ito sa bewang at hinalikan.
At tumugon naman ito. Hanggang sa-
“omy! Magkakaapo na ba ako nito?” Dumating ang mommy ni Syl. “mukhang honeymoon muna ang mangyayari bago kasal. ”
Palike po kung gusto niyo yung story. 😍
Good day po sa inyo,mamaya ulit hehehe may isa pa kong online class, enjoy reading! 😂






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top