OUR LOVE STORY


“Juan!” Hinampas ko ang kamay nito at sinamaan ng tingin. May balak atang kumupit ng niluto namin, para sa grades ‘yun!
Ngumuso ito. “Isa lang naman.”
“Edi maghintay ka, okay?”
“Hindi ko kayang maghintay kapag pagkain.” Lalong humaba ang nguso nito. “Baka sa’yo, pwede pa,” balewala at tuloy-tuloy na sambit nito.
“Yiee, rinig namin ‘yun.”
“May naghihintayan na po dito!”
“Yawa, sana all naman!”
At iba-iba pang side comments ng mga ka-grupo namin. Mukhang sila lang din ang nakarinig dahil mahina ang boses ni Juan.
“Magtigil ka nga diyan,” may inis pero nahihiyang ani ko at lumayo ng kaunti dito. Bakit ba dire-diretso ang bibig niya?
“Totoo naman,” pahabol nito.
Hindi ko na lang ito pinansin at hinintay na makalapit ang guro namin. At sa wakas ay natapos na din kami. Kahit papaano ay ayos naman ang ibinigay sa aming grades.
“Pwede na–”
“Oo na, kumuha ka na diyan.” Kinuha ko na mismo ang plato at iniabot sa kaniya. Alam ko namang gusto na niya talagang tikman ‘yun.
Pinanood ko lang itong kunin ang plato sa pagkakahawak ko. Nangunot ang noo ko ng ibaba niya ‘yung muli sa lamesa.
“Akala ko ba gusto–”
“Kita.” Ha?
“Pinagsasasabi mo?” tanong ko.
Ngumiti ito at umiling. “Gusto ko lang sabihin na pwede na–”
“Oo nga, ayun na eh,” medyo naiinis ko nang putol dito. Iniabot ko na nga sa kaniya!
“Pwede na bang manligaw kako?” Umiling-iling ito saka kumuha ng isang piraso saka ako iniwan do’n kasama ang iba naming ka-grupo.
Pinagmasdan ko pa itong makipagkwentuhan sa iilang kaibigan niya. Akmang lalabas na ito ng sumigaw ako.
“Oo!” Feeling ko ay pulang-pula na ako dahil sa lalo pang kantyawan ng mga nakarinig sa tanong niya.
He looked back at me and smiled. His smile…

“Argh! Nakaka-stress!” sigaw ko saka nag-unat. Ang dami na kasing projects ngayong patapos na ang sem. Sunod-sunod!
“Huwag.”
Nilingon ko ito at sinamaan ng tingin. “Anong huwag?”
“Huwag mo akong iiwan ha.” Gagi…
“Potchi ka Juan! Anong connect ng mga pinagsasasabi mo?!” Patuloy ko itong pinaghahampas at ito naman ay mahinang tumatawa habang sinasangga ang mga hampas ko.
Nang mapagod ako ay tinigilan ko ito at sinamaan ng tingin. ‘Yung sobrang sama! ‘Yung kasing sama ng amoy nung nakatabi ko dati… charr!
“Ewan ko sa’yo,” gigil na sambit ko at lumayo dito. Pero narinig ko pa rin ang tawa nito at kaunting pang-aasar kaya inirapan ko ito.
Mas mabuting nandito na lang ako sa sarili kong upuan, tahimik!
Hindi na ito nakasunod sa upuan ko dahil pumasok na din naman ang sunod naming guro, kaya naupo na lamang ito sa upuan niya at nginisian ako.
“Okay class, bago tayo magsimula magtatanong lang ako ng random question.” Ngumiti ito ng matamis sa amin. “At kung sino ang matawag ko at makasagot ay may bonus points sa akin,” dagdag niya.
Nagsimula na itong magtanong at magtawag ng kung sino sa amin. Lahat naman ay nakaksagot dahil madali lang ang mga tanong at sobrang random thoughts lang talaga.
“Ito last na tanong bago tayo magsimula sa talagang topic natin.” Umikot ang mata nito sa buong classroom at tumigil sa akin.
Kinabahan naman ako dahil ngumiti ito ng malawak at hindi inalis ang tingin sa akin.
“Anong gagawin niyo kapag na-lock kayong dalawa ng crush mo sa isang kwarto?” tanong muli ng guro namin habang nakatingin sa akin.
Sasagot na sana ako ng bigla itong nag-iwas ng tingin. “Ikaw Juan?” Akala ko ba ako? Scam si mam!
“Dre, nakatingin si Nica mo.” Agad na tumalas ang pandinig ko ng marinig ang pangalan kong binanggit ng kaibigan niya.
Pero hindi ito tumingin sa akin at naga-alinlangan kung sasagot ba sa guro namin. At sa huli...


ay sumagot pa rin ito.
“Magtatanggal po ng barong?” patanong na sambit niya pero mukhang sigurado naman siya sa sagot niya ah.
“Bakit ka nakabarong?” tanong ng guro namin na kunot na kunot ang noo.
Kahit ako ay naguluhan din. Bakit nga ba nakabarong?
Tumingin ito sa akin saka ngumiti. “Kasi bagong kasal po kami nun.” Agad akong napayuko dahil sa sinabi niyang ‘yun. Fudge ka talaga Juan!
“Yieee!!”
“Corny mo pre!”
“One point for Juan!”
“Uwian na may nanalo na!”
“Yieee keleg pantog, enebe!?”
At muli, patuloy na naman ang pang-aasar ng mga kaklase namin. Kahit guro namin ay napailing habang nakangiti na nakatingin sa amin.
Pasimple ko itong sinulyapan habang nagkakagulo ang mga kaklase namin at nahuli ko itong nakatingin din sa akin habang nangiti. Kaya nginitian ko ito pabalik saka nag-iwas ng tingin.
I really love his smile…

“Nica…” tawag nito at umupo sa harapan ko.
“Yes?” Ngiti agad ang sinalubong ko dito at itinigil muna ang ginagawa ko.
“May nakakalimutan ka ata ngayong araw.” Umiling-iling pa ito saka humalumbaba sa harapan ko.
Napakunot ako ng noo at iniisip kung anong nakalimutan ko. Hindi ko talaga alam kahit kanina pa siya parang may pinapakitang clue sa akin.
“Birthday mo?” tanong ko.
“No, sa November pa ang birthday ko ha,” nakangusong saad niya.
“Anniversary natin!?” Napatayo ako at napatakip sa bibig ko.
“No, silly.” Ngumiti ito ng matamis. “Next weekend pa ‘yun.”
“Hakdogen ka Juan! Ano ba kasi?” Napanguso na din ako nang wala sa oras at bumalik sa pagkakaupo.
“It’s been a year, Nica.” Ngumiti ito saka ako iniwan do’n. Hala!
Susundan ko sana ito ng napatingin ako sa cellphone ko nang tumunog ito.
“Ma, bakit po?”
[Umuwi ka na.]
“Sinabi ko na naman po sa’yo na lalabas kami ngayon ni Juan po ‘di ba?” sambit ko pero wala na akong narinig na sagot mula dito, kaya pinatay ko na lamang ‘yun.
Lumapit ako kay Juan para sana magpaalam pero wala na ito do’n. Aba naman, iniwan ako?
“Siya pa ang nagsabi na huwag ko siyang iiwan, tapos ngayon siya ang mang-iiwan? Epal.” Inis na niligpit ko na lamang ang mga gamit kong nagkalat do’n at umuwi na.
Nang makauwi ay may ipinagawa si mama sa akin. Emergency pala, hindi lang niya nasabi kanina, siguro dahil mahina din ang signal kanina.
Tinapos ko agad ang lahat nang ‘yun para mabalikan ko si Juan na mala-tampuhin. Daig pa ako ah…
“Juan, good evening!” Lumapit ako dito habang hawak ang unang teddy bear na ibinigay niya sa akin. “Sorry ngayon lang ako ha, may ipinagawa pa si mama eh,” patuloy ko pero tahimik lamang ito sa akin.
Lumipat ako ng pwesto sa harapan nito kaya nakatingin na ito sa akin. Ngumiti ako dito ng matamis.
“Bati na tayo,” ngumuso pa ako at itinaas ng bahagya si Nian, ‘yung teddy bear na bigay niya. “Sabi ni Nian, bati na tayo.” Iginalaw-galaw ko pa ito sa harapan ko.
Pero tahimik lang talaga ito at nakatingin lang sa akin, nakangiti ng bahagya.
“Makatitig ha, kapag ako natunan, sige ka.” Pananakot ko saka natawa. “Juan–”
“Nica, anak?” tawag ni mama na ikinatingin ko agad.
“Ma oh! Ayaw makipagbati sa akin,” nakangusong sumbong ko dito.
Nakita ko itong umiling. “Tama na ‘yan, anak.”
“Ma–”
“Araw-araw mo na lang kausap ang picture niya.” Lumapit ito sa akin at niyakap ako dahilan ng pagtulo ng mga luha ko. “Wala na siya, he’s been dead for a year now,” umiiyak na ding aniya. “Palayain mo na siya.”
One last time, I looked at him. And his smile, my favorite smile, fades away.

Written by: Iclyn Sicaria
Wattpad: @anasicyyy
Plagiarism is a crime.
Open for criticisms, thank you!






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top